"Kumusta naman ang grades nyong dalawa"tanong ni Yim habang kumukuha ng inumin.
Bigla naman akong napaangat ng aking ulo at natawa ng mahina dahil bigla na lamang nasamid si Nat pagkarinig nun,nako naman mahahalata tayo nyan sa ginagawa mo.

"Ano..ayos lang naman,mabuti..at masaya"sabi nya habang nagpipilit ng ngiti,natawa naman ako lalo at narinig ko na rin tumawa si James dahil din siguro sa sinabi nito.

"Anong mabuti at masaya HAHAHAHAHAHAHAHA sinasabi mo HAHAHAHAHA lt sayo Nat HAHAHAHAHAHAHA sakit ng tyann ko..teka..HAHAHAHAHAHAHA masaya daw"sabi nya habang tawang tawa at nakahawak pa sa tyan nya.

Nakita ko naman natigil sa pag inom si kuya Yim at napatingin kay James na mahuhulog na sa upuan katatawa,lakas din kase ng tama nito di na nadadala kapag tayo napagalitan na naman.

"Yari ka na ba tumawa dyan pwede kana kumain ulet"sabi nya na nagpawala ng ngiti kay James at nagpatuloy sa pagkain.

"Ang babaw ng kaligayahan mo"dagdag nito kaya napasibangot naman yung isa.

"Maayos naman yung akin saka nakakasunod naman sa mga exam at project"saad ko sa kanila.

Bigla naman naglabas ng cellphone si Yim at tila may hinahanap dun na kung ano.

"You mean this?"pinakita naman nya saken yun at nanlaki na lang bigla ang mata ko dahil text yun ni mama tungkol dun sa mga grado ko bawat subject pati na rin yung huling mga exam ko.

Ganda ganda na ng palusot ko eh.

"How will you explain this?"saad nya habang nakatingin saken at naghihintay ng isasagot ko.

"Nag-aaral naman ako mabuti saka babawi naman ako sa susunod"bulong ko pero yung alam kung maririnig nila.

Nagnod naman sya bilang pagsang-ayon kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.Napatingin ako kay Nat na kumakain ngayon ng ice cream akala nya siguro makakaligtas sya.

Alam ko nagtataka kayo bakit ganito kami makitungo pagdating kay Yim..I mean ganito din naman kay James dahil mas matanda sila samen pero kase sa aming apat sya ang mas pinakamatured mag isip at kumilos,para na namin syang kuya dahil sa nga pinagdaanan at pinagsamahan namin.

Mas takot pa nga ata kame sa kanya kesa sa magulang namen HAHAHA sa totoo lang,napakaswerte naming tatlo dahil meron kaming isang katulad nya.Kahit na napakaistrikto hinde kame pinabayaan nyan,alagang alaga kame kaya hindi masyadong nag aalala parents namin at nakikisabay din sa trip namin.

"Walang gagamit ng WiFi sa inyong dalawa kapag mababa ang grades nyo this semester"seryosong sabi nya ako naman eto pinipigilan ang tawa ko dahil kay Nat bigla ba namang iluwa yung ice cream na nasa bibig nya.

Wala na akong magagawa dahil nabisto na kame kapag talaga si Yim kaharap mo wala kang kawala at hinde ka makakapagsinungaling,si James naman ang kadalasang nagpapahamak samen kahit kasali naman sya sa kalokohan.

____________

May kaibigan din ba kayong ganito na kapag natatalo sa laro bigla na lang ibabalibag yung cellphone sa kung saan,kung kayo meron pwes ako den at walang iba kung hindi si James.

Andito kame sa sala naglalaro ng cod magkakasama kame kaya sobrang ingay,nasa dulo si Yim kaya nilapat ko ang ulo ko sa hita nya at humiga ng maayos habang yung dalawa naman sa kabila eh nasa tig isang dulo,sa tuwing mamamatay ang isa sa kanila sa laro ay sya naman hampas nila sa isa't isa.

"May pasok pa kayo bukas diba?"tanong ni James samin kaya tumango kame.

"Bukas naman ulit ang laro may pasok pala kayo"dagdag ni Yim kaya nagsitayuan na kami at pumunta sa kani-kanilang kwarto.

"To Be With Them is Enough"Where stories live. Discover now