Biyernes, alas onse ng gabi sa bahay ng kanilang kaibigang si Alan, nagkayayaan ang apat na magkaibigang uminom dito upang magkamustahan at malibang. Nagsisitawanan ang magkakabarkadang sina Aubrey at Ram nang makita nila ang ashtray ng kaibigan. Ito ay may patayong hugis ari ng lalaki, gawa sa kahoy at nananatiling nasa napakagandang kalagayan hindi alintana kung gaano katanda ito.
"Magkakakilala na tayo simula pa nung high school bakit ngayon mo lang 'to pinakita sa 'kin?" tanong ni Ram.
"Hindi, nung isang linggo ko palang naman yan nabili," tugon ni Alan, "roon sa antique shop sa Nueva Camarines medyo mahal nga eh limang libo."
"Wo-ho-hoyy daming pera siguro technique mo yan para pumayat ka," pagbibiro ni Ram, "inuubos mo pera mo para di ka makabili ng maraming pagkain."
"Loko, naappreciate ko kasi ang pagiging artistic nito," tinuro ang ashtray. "'Di ko nga maiwasang mapalingon habang binibili ito, tinitignan ko baka may makakita sa akin."
"Bakit ka lumingon? Mapapagkamalan ka tuloy na malisyoso at kahina-hinala." sambit ni Aubrey habang ang kaliwang kamay ay nasa selpon at ang kabila ay dahan-dahang hinihimas ang ashtray,
Nakatingin si Alan sa maputing kamay ni Aubrey nang aksidenteng mapaso ito ng baga ng sigarilyong nasa ashtray.
"Autsch!" Sigaw ni Aubrey.
"Ayan buti nga sa 'yo bitawan mo na kasi yang leeg at nasasakal." alembong ni Alan.
"Ulupong."
Walang maibanat is Alan kaya bumalik nalang ito sa pagkwento. "Pero guys alam niyo ba, sabi ng mamang tindero marami na raw ang nagkainteres dito ngunit ibinabalik lang din sa kaniya matapos ang ilang araw?
"May hindi raw kasi maipaliwanag na pangyayari ang nararanasan nang mga naunang bumili nito. Sabi umano ng mga buyer, 'tila raw namamasa ang ashtray na 'to nang hindi maipaliwanag.'"
"Kalokohan." hindi man lang maniwala si Ram sa kwento ng kaibigan. Inubos nalang ang beer na hawak-hawak at kumuha ng isa pa sa loob ng pridyeder binuksan ito gamit ang hulmang kuwit ng abrilatang nakalagay sa lamesa at tinikman ang malamig na serbesa.
Habang nakikinig si Ram ay may eksplinasyon naman si Aubrey sa mga umano'y reklamo ng mga dating bumili ng ashtray. "Siguro sapwood lang 'yong sinasabi nila," pagpapaliwanag ni Aubrey habang nakatingin sa selpon nito, "maiiwasan siguro 'yan kung maayos ang pagseselyo, pero since ashtray ito syempre mapipinsala ang pintura o varnish kaya may lumalabas na likido."
"Siguro, pero matagal na rin 'tong ashtray na 'to eh," pagsasalungat ni Alan, "siguro naman naubos na yung sapwood nito 'di ba? Tsaka wala naman na sigurong sapwood ang kahoy nito bago pa gawing ashtray."
"Sabagay."
"Kwento pa ng tindero ay mukhang may sumpa raw itong antigo parang pinamumugaran daw ito ng masamang espiritu."
Walang magawa si Ram kaya't nakisama nalang sa pinag-uusapan dalawa. "Oh? Ngayon napunta na sa masamang espiritu. Pa'no naman niya nasasabi 'yang mga 'yan?" pagdududa nito. "May mga personal experience na ba siyang naranasan sa ashtray na 'to?"
"Banggit ng tindero sa 'kin eh, may mga oras daw kasi na parang galit itong ashtray ewan ko nga kung pa'no yung galit na sinasabi niya baka hinawakan niya o ewan ko," tugon ni Alan, "pero pinapabayaan nalang ng tindero kasi kahit mahal ang benta niya ay may bumibili pa rin tulad ko."
"Ginawang negosyo," natatawang banggit ni Aubrey.
"At oo nga pala sabi sa 'kin ng tindero, 'madalas na puna umano ng mga naunang bumili ay minsan bigla nalang raw nawawala ito at kapag natatagpuan ay nangangamoy mabaho daw 'to.'" pahabol ni Alan.
Ngunit may isasabi pa si Alan ay biglang nahinto ang usapan. Katahimikan. Kawalan ng ingay. Si Aubrey ay naguguluhan pa rin sa kwento habang si Ram ay walang magawa at nakatulala na lang sa labahang nakalagay sa gilid.
Katahimikang mistulang aabot ng minuto ito'y naudlot nang may marinig silang boses ng babae, "Tulong po."
Malamig at mahinang boses, pagtataka ang unang bumalot sa isip ng tatlo sabay-sabay itong napalingon kung saan nanggaling ang boses. Nakita nila ang mukhang puno ng kaba nakatitig pabalik sa kanila may gusto itong isabi ngunit tila may pumipigil sa bibig nitong bumuga ng boses. Pero pinilit makapagsalita at sinabing, "B-barado ini-yung inidoro 'di ko na-dedeposit tae ko."
Ito pala ang kaibigang nilang si Tin na kanina pang nagpaalam na magbabanyo. Pinagpapawisan ito sa kaba at nahihiya na hindi alam ang gagawin.
Nagsitawanan sina Ram at Aubrey, at napangisi si Tin na pinagpapawisan, habang si Alan ay napasigaw sa galit tinatanong ang mga kasama kung sinong nag-flush ng kung ano sa inidoro.
"Ubos na ang beer at wala na ring pulutan." Tumayo si Aubrey at napatingin sa kaniyang rolex, "Mabuti pang umuwi na at mag-aala-una na rin kasi. Salamat pala, Alan, sa lahat." Kinakalampang nito ang keychain na inilabas niya sa bulsa ng pantalon.
"Oo nga salamat pagpalahin ka sana, Alan." Pagpapasalamat ni Ram at tumayo na rin.
"Tarantado kayo sinong nagbara ng inidoro," bugnot ni Alan, "at anong pagpalahin haa?"
"Oh kelan na ulit ang sunod? How about sa sunod na gabi agad?" pag-iimbita ni Aubrey. "Hmmm... may alam akong magandang bistro 'Lumang Tayo' ang pangalan malapit lang yon dito kaya 'di mahirap mahanap."
"Maganda yan," pagsasang-ayon agad ni Alan matapos ang disgrasyang nangyari sa kaniyang banyo. "Tsaka okey lang kung mabarado inidoro don"
Payag din sina Tin at Ram sa planong pagsasama at nagsi-alisan na ang tatlo. Nauna si Aubrey na gamit ang kotse nito at sumabay na rin dito si Ram na ang bahay ay madadaanan ni Aubrey pauwi. Huli naman si Tin na nagpaumanhin bago ito umalis dahil may ginto itong naiwan sa banyo ni Alan.
Pakauwi ng tatlo ay nagsimula nang maglinis si Alan ng mga kalat, itinabi niya ang mga boteng pinag-inuman at inilagay ang mga baso't plato sa lababo. Hindi pa dinadalaw ng antok, naisipan niyang maghugas nalang ng pinagkainan.
Habang naghuhugas ay narinig niya ang kahol ng mga asong nasa kalsada. Pagtanaw niya sa bintana ay may nakita siyang lalaking dahan-dahang naglalakad sa kalsada tinataholan ito ng grupo ng mga asong gala. Ang grupo ay binubuo ng walong asong sabay-sabay pinagtataholan ang binata, may dalawang pang magkadikit at isang nagtatanim ng fertilizer sa labas ng bakod niya. "Nakong mga aso 'to. Sinu-sino kaya ang mga amo niyang mga 'yan?".
'Di nalang niya inintindi ang ingay bumalik lang din agad sa lababo at tinapos ang ginagawa. Iniinitan, hinubad ang kaniyang t-shirt at humiga sa kama. Kinuha niya ang selpon at may apat na mensahe, isang promo ng kaniyang sim at tatlong galing sa mga kaibigan niya, lahat ay nagpapaalam na nakauwi na sila. Pakatapos mabasa ay ibinaba na niya ang selpon niya at pinikit ang mga mata.
Nakatulog si Alan.
Mag-aalas-nuebe na nang magising si Alan napapaihi ay pumunta siya ng banyo hindi ito kalakihan sapat lang sa isang taong pagbukas ay malalanghap ang naghalong panghi at lemon. Pakatapos ay dumeretsong kusina; nagsaing hanggang pang-hapunan, binuksan ang fridyeder kumuha ng dalawang itlog at niluto ito para sa kaniyang almusal. Pakatapos kumain ay tumunganga, pinag-iisipan kung matutulog nalang ulit ay napalingon ito sa kanto napansin ang tambak na labada napilitan na lamang pumuntang mall at bumili na rin ng pangbomba ng kubeta.
Pag-uwi ng bahay ay may dala na itong panglinis at pananghalian. Inayos ang inidoro at napag-isipang linisin ang buong banyo. Pagkaraan ay kumain na siya ng tanghalian dalawang pirasong burger patty. Napagpasyahang tignan ang kaniyang selpon, ngunit walang mensahe maliban sa abisong weather update.
Tinignan niya ang orasan, "Mag-aala-una na." Kukunin na niya ang labahan nang mapansin ang ashtray na muntik nang mahulog sa ibabaw nito. Umaalingasaw, nilinisan at winisikan niya ito ng pabango para matapalan ang hindi kanais-nais na amoy. Naglaba na ito pakatapos.
Nang dumating ang gabi naghanda na siya para sa okasyon at sumakay ng kaniyang motor papuntang bistro.
Sa parking lot nakita nito ang bike ni Tin sa gilid na may railings, may kandado ito sa frame at sa magkabilang gulong itinabi niya ang motor niya roon.
YOU ARE READING
SENISERO
Mystery / ThrillerTotoo ba ang sabi-sabi? O pasensya na lang at nadala ng kathang isip. Subaybayan ang apat na magkakabarkada sa aking handog na maikling kwento.
