AFTER 9 - FORD

310 35 0
                                    

POV CAELEN SAN RAFAEL

Mukhang mas lalong naging komplikado ang mga bagay bagay nang malaman namin ang history ni Sir Joe at ng kanyang first love na si Mariyel. Sabi ni Raviael ay hindi naman daw ito ang napang-asawa ng Thirteenth Werewolf Alpha dahil umibig din ito sa isang mortal pagkatapos ng ilang daan taon.

Namasyal muna kami ni Traevon ng ilang araw sa Belfast bago bumalik sa Isabela. Mukhang ihahatid lang niya ako dito at babalik na sa Japan para sa kanyang trabaho.

"Kailan mo balak bumalik sa trabaho mo sa Maynila?" tanong ni Traevon habang namamasyal kami sa beach sa Isabela.

"Isang buwan ang paalam ko sa work. Ang alam ng kapatid ko ay inilipat ako ng Isabela branch. Sabi naman ng boss ko, pwede naman daw ako mag indefinite leave. Malakas daw ako sa kanya. Gusto nga niya sumama sa akin sa bakasyon ko kaso sabi ko huwag na, baka ma-develop ako sa kanya."

"Sino ba 'yang boss na tinutukoy mo at masibak ko na sa trabaho? Tandaan mo, daddy ko ang may-ari ng Dima Corp?"

"Bago ko lang siya na boss, mga ilang buwan palang. His name is Ford Harrison, parang artista ang name noh?"

"Ford Harrison?" tanong sa akin ni Traevon na biglang hinila ang braso ko palapit sa kanya.

"Funny noh? Parang screen name? Hindi ba may artista na Harrison Ford? Yong bida sa Indiana Jones?"

"Is he tall and blonde? With a fucking silver earring on his left ear?"

"Kilala mo si Sir Ford? Oo siya nga! Pogi at may hint ng blue ang mata."

"He is my cousin, Lanford Harrington. He is a Direct Heir of the Harrington Family of Wales."

"Seryoso? Shit, company ata ng Werewolf ang napasukan ko? Sabagay, daddy mo nga pala ang big boss ng company."

Hindi sumagot si Traevon at umupo sa isang malaking bato malapit sa dagat. Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya sabay kalabit sa braso niya.

"Bakit ka tumahimik? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?"

"Nililigawan ka ba ni Kuya Lanford?"

"Sort of. Nagpapadala siya ng cakes at flowers sa bahay. Inimbitahan din niya ako minsan sa isang dinner sa hotel, employee incentive daw dahil performing employee daw ako. He asked me for another dinner date, pero hindi ako maka-oo sa kanya dahil inatake na ako ng mga Werewolf paranoia."

"Kuya Lanford is about seventy years old, give or take. Walang interest masyado sa babae dahil isa siya sa pinakamatanda na kasalukuyan na Direct Heirs. If he is asking you for a date, it means he likes you. He might even see you as his future Mate."

"Bakit parang malungkot ka? Ayaw mo ba na maging asawa ako ng pinsan mo? Ayaw mo ba na cousins tayo?"

"Ayoko kitang cousin! Cousintahan lang ang gusto ko!"

Ngumiti lang ako kay Traevon at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. Kahit ilang linggo pa lang kami magkakilala ay alam ko na masaya ako sa piling niya. Naging excited ako gumising at para bang kinasasabikan ko ang mga susunod na mangyayari sa aming dalawa.

Pero palagi ko naiisip na ikakasal na siya kay Zackie. Alam ko na hindi susuwayin ni Traevon ang vision ng isang First Heir unless mapatunayan namin na hindi totoo ang vision na ito at gawa gawa lamang ng Unholy Knight.

"Let us go back to Manila. I want to meet your boss. And I also need to locate Sir Joe. That old man is hiding a lot of things from me."

The same night, sumakay kami ng bus ni Traevon pabalik sa Maynila. Mukhang nagmamadali siyang makausap ang Thirteenth Alpha.

"Sabi mo chopper ang naghatid sa'yo dito sa Isabela? Bakit tayo naka-bus? Expect ko pa naman sasakay tayo ng chopper," tanong ko kay Traevon habang nasa loob kami ng bus.

"The chopper will take us only a few hours from Isabela to Manila. Mas gusto kitang katabi ngayong gabi kahit sa loob lang ng bus," nakangiting biro nito sa akin.

"Pa-fall ka noh? Naka-ilan jowa ka na?"

"Hindi ako babaero. Naka tatlong girlfriend pa lang ako. Isa noong highschool at dalawa noong college."

"Pero maraming flings and one night stands?"

"Bakit ang dami mong tanong? Ang dami mo siguro kinain na chocolates kaya na-hyper ka na naman?"

Hindi na ako hinintay sumagot ni Traevon at inakbayan ako palapit sa kanya. Feeling ko tuloy ay nakayakap ako ng bahagya sa kanya. Naamoy ko pa ang kanyang mamahalin na pabango na parang isang drugs na gusto ko singhutin palagi.

"Let's keep in touch once I am already in Japan," bulong nito at naramdaman ko ang bahagyang paghalik nito sa buhok ko.

"Baka magalit si Zackie?"

"She is not my girlfriend and she is not my wife yet."

"But she is your fiancee?"

"A fiancee that I am not planning to marry."

"Feeling ko tuloy Other Woman mo ko."

"You are not my girlfriend, not even my fuck buddy. Masyado ka feelingera para maging Other Woman ko."

Kakawala sana ko sa pagkakayakap niya sa akin, pero mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa balikat palapit sa kanya na parang sinasabi na biro lang ang sinabi niya.

"Kung darating ang panahon na kailangan ko na pakasalan si Zackie, you will be the first to know."

"At bakit ako? Para pigilan ko ang kasal mo? Huy, hindi ako pupunta sa simbahan para pigilan ang kasal mo noh? Nakakahiya 'yon sa mga First Heirs and ibang Direct Heirs. Itatanan na lang kita para solved na ang problema mo."

"Bakit pakiramdam ko ay ikukulong mo ko sa dog cage?"

"Werewolf cage! Masyado ka malaki."

"Malaki talaga ako!"

Tumawa lang ako at niyakap si Traevon. Para akong nagkaroon ng instant bestfriend sa kanyang katauhan. Kung hindi lang talaga ikakasal ito, baka na-fall na ko sa kanya.

Teach Me How To AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon