"Malamang sis kasi magbestfriend silang tatlo i mean apat. Matagal ng magkaibigan yang si Dyson at Karic, tapos naging tropa lang si Alius at Rius ng maging boyfriend ni—" napatigil ito at napatikhim. Napatingin ako kay Ashna at blanko lang ang expression nito na para bang walang narinig.

"Back to the topic na nga, anong petsa ba tayo bibisita sa mga bahay ampunan?" Tanong ni Veyra.

"Tanungin mo yung tatlo." Sabi ni Ashna at ngumuso sa labas. Napalingon kami at nakitang naglalakad nga ang tatlo papasok sa boutique kung nasaan kami ngayon.

Narinig ko ang mahinang tili ng mga empleyado ng makapasok ang tatlo pero agad ring nawala ng dumiretso sila sa pwesto namin.

"Hey." Bati ni Karic at binigyan ako ng magaang halik sa labi ganun din ang ginawa ni Dyson. Nanlaki ang mata ko ng halikan rin ni Alius Si Ashna.

"Fuck you!" Napangiwi ako ng hampasin ito ni Ashna ng hanger na nakuha nya sa sa tabi.

"Fuck! Sorry akala ko kasi required eh." Napataas ako ng kilay dahil parang sinadya  nya iyon. Napakunot rin ng noo si Veyra at may binulong kay Dyson. Napangisi lang ito at hindi sumagot.

"Alam nyu may alam akong bilhan ng nga damit na mura lang marami pa kayong pagpipilian." Sabi ko.

"Pass." Agad na sabi ni Ashna.
"Ayaw nya sa mura sis." Bulong ni Veyra sa akin.

"Hindi naman para sayo, ipapamigay natin sa bahay ampunan, yung 100k nyu isang damit lang mabibili pero doon marami ka ng mabibili. Hindi lang naman pagkain ang pwede nyung ibigay sa bata pwede rin naman damit."

"Paano kung di magkasya sa kanila?" Tanong ni Ashna.

"Sa dami nila doon may magkakasya talaga yan o kaya kung ayaw nila pwede namang ibigay natin sa mga nasalanta ng bagyo."

"Wala namang bagyo na nangyare." Nalabuntong hininga ako at kinalma ang sarili ko na wag sabunutan si Ashna.

"Di ka sure, nanonood ka ba ng balita?"

"No." Kita mo na, ang babaeng to ang sarap putulan ng dila.

Sa huli sumama pa rin naman sila ng pumayag si Karic. "Bantayan nyu yung mga bag at wallet nyu baka pagkalabas natin dito wala na rin kayong damit."

"What?" Nakakunot noong tanong ni Veyra.

"Magnanakaw. Marami sila dito." Napaawang ang labi nila kaya natawa ako.

"So many." Komento ni Veyra ng makita ang mga bilihin.

"Zertyl look it's a sunflower dress!" Napangiwi ako sa pinakita ni Ashna at inilingan ito.

"What? I thought you like sunflowers?" Nagtatakang tanong nito.

"Yes, but the flower only not the design please lalo na sa mga damit."

"What? Ang weird mo, yung mga notebook mo nga noon sunflower design eh." Hindi ko sya pinansin at dumiretso ako sa damit ng nga pambata.

"Bibili ho kayo Mam 500 ho yung terno." Napataas ako ng kilay sa sinabi ng ale.

"500!?" Hindi ito nakasagot dahil busy ito sa kakasurvey sa mga kasama ko.

"That's 500 pesos? Wow really?" Naamaze na tanong ni Ashna.

"200 lang to wag mo kong pinagloloko ate." Sabi ko.

"I think 500 is enough let's buy it." Umiling ako kay Veyra at binitawan yung damit.

"Wag na sa iba na lang tayo." Masungit kong sabi.
"M-mam 300 na lang po." Umirap ako at umalis na doon.

Naglibot kami roon at sa tuwing pinapataasan ng sobra ng mga tindera yung mga damit umaalis agad kami.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now