Chapter Eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Let's go home. Come on." Mas lalo itong napasimangot at tumingin kay Ashna.

"Do you have some money tita?" Anak ng..!
"She have a lot but wala syang barya kaya umuwi na tayo." Sabi ko at hinila ito.

"Mall muna tayo."
"Okay ka lang? Kasama natin si Aera." Sabi ko rito.

"Dito muna ako mama samahan mo muna si tita Ash sa mall."

"Magagalit si Daddy." Banta ko rito pero ngumiti lang ito.

"Daddy won't get mad Mama. Sige na mangungutang ako kay lolo para makaplay ulit ako."

"Baby pwede mo namang idownload sa pad mo yung gusto mong game."

"But i like to play here kasi maingay." Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. A-ano raw? Napatawa si Ashna at hinampas ako sa balikat.

"You're not scared?" Umiling ito at umupo ulit sa pwesto nya kanina.

"Lolo's here, he can fight bad guys even though he's already old, right lolo!?" Napaangat ng tingin si Papa na di alam kung anong nangyayare.

"Ha? Ah oo..." sabi na lang nito at bumalik ulit sa ginagawa nito. Napailing na lang ako at binilinan yung mga bodyguard ni Aera.

Tinext ko si Karic na puntahan agad nya si Aera pagkatapos ng trabaho nya.

"Ayaw mo nun, improving na sya. Kaya na nyang mag isa ng hindi natatakot." Sabi ni Ashna habang papalabas kami.

"Kasi yung utak nya nasa games. Anyway ano bang kailangan mo sa mall? Nasaan si Veyra at ako ang iniistorbo mo." Napasimangot ito.

"Istorbo talaga? Wala ka namang ginagawa doon. Nasa mall na si Veyra kanina pa tayo hinihintay. Ipagshoppinh ka namin. Advance gift na para sa christmas kaya wag na wag mong tanggihan."

Kung makapag aya to wala rin naman syang pera. Buti at hindi nagrereklamo si Alius sa laki ng pera na winawaldas palagi ni Ashna. Sa tingin ko walang araw na hindi ito nagsho-shopping. Halos mabaliw na ako sa dami ng mga damit ni Aera sa pinagawang mini store ni Karic tapos araw araw may dalang damit si Ashna para kay Aera.

"Girls!" Sigaw ni Veyra at kumaway sa amin.

"Nakapili na ako ng mga damit para kay Zertyl gosh excited na ako." Masayang sabi ni Veyra at hinatak kami ni Ashna. Nagpahatak na lang ako dahil wala naman akong alam dito.

"Here try mo." Napatingin ako sa damit na binigay nito.

"Yucks ang plain." Komento ni Ashna. Napasimangot si Veyra at kumuha ulit ng isa.

"Ako na nga." Inis na sabi ni Ash at pumili ng mga damit. Parang di naman ito tumitingin at kuha lang ito ng kuha.

"Here try all of this." Nakangiting sabi nito. Napangiwi ako ng makita yung mga kinuha nito. Masyadong revealing.

"Ahm... I think that's too much." Komento ni Veyra. Napairap si Ashna at pinasuot na sa akin ang mga yun.

Tuwang tuwa sila ng isukat ko lahat iyon. Halos mahilo na ako pabalik balik sa dressing room para ipakita sa akin kung bagay ba.

"Kahit anong suotin nya bagay naman sa kanya. Magsako ka na lang girl." Biro ni Veyra.

"Tapos na ba? Ginutom na ako sa pinanggagawa nyu eh." Sabi ko at pagod na umupo sa tabi nila.

"Kukunin ko na lahat ah. Suotin mo kahit nasa bahay lang." Tumango na lang ako para wala na itong masabi.

Pagkalabas namin doon, dumiretso kami sa  isang restaurant na si Alius yung may ari. Lahat ata ng napasukan namin si Alius ang may ari.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon