5

49 6 0
                                    

Napamangha siya sa laki ng lupa ng mga Albrecht. Napakayaman talaga ng mga ito kung ikukumpara sa lupa nila ay hindi talaga maipagkakaila na mas malaki ang lupa ng mga ito. Dumiritso siya sa loob ng malaking pintuan kung saan naka bukas ito para sa pag pasok ng mga bisita ng may kaarawan. Ng siya na ang papasok sa loob ay siyang pag dating ng mga reporters at agad siyang pinag kagulohan. Natigalgal naman siya sa biglaang pag dating ng mga ito at agad siyang pinag ka gulohan.

"Ikaw po ba ang kapatid ni Ms. Melissa sa ina?"

"Totoo po ba na ang kapatid niyo ang dahilan kung bakit nag break si Mr. Martinus at ang kanyang secret girlfriend?"

"Inimbenta ba kayo sa kaarawan ngayon ni Mr. Martinus?"

"Totoo po bang malandi ang kapatid niyo kaya niya inakit si Mr. Martinus?"

Doon na nag pantig ang kanyang tenga sa huling narinig na tanong. Sa lahat ng naitanong ng mga reporters na iyon sa kanya ay yun ang pinaka ikina galit niya sa lahat.

"Excuse me? Were did you get that fake news?" Kalmado niyang tanong doon sa nag tanong sa kanyang reporter.

"So, totoo nga pong nilandi ng kapatid niyo si Mr. Martinus?-" pinutol niya ito.

"Hindi malandi ang kapatid ko. And I don't need to explain to you all what is happening in our life. It's ours to keep, so please have respect and-" pinutol naman ng isa sa mga reporters ang pag sasalita niya.

"Nirespeto po ba ng kapatid niyo ang kaibigan niya na si Mr. Martinus?" Natameme siya sa sinabi nito, kaya naman sunod-sunod ang nag tanong nanaman na reporters.

Napapalingon siya sa likod para manghingi ng tulong sa mga security guards sa likod niya. Ngunit naka tingin lamang ito sa mga harap nila na tila isang istatuwa. Pinag titinginan narin siya ng mga taong imbetado sa kaarawan ni Martinus, ang iba pa nga sa kanila ay kinukunahan na siya ng litrato at ang iba naman ay mapanghusgang tinignan siya. Nag sisisi na siya kung bakit pa siya pumunta sa kaarawan nito. Lalo na ng makitang nag lalakad sa direction niya si Martinus habang naka ngisi ang labi. Sa expression palang nito ay alam niya ng planado na nito na ipahiya sa mga bisita nito at ikalat ang issue nila ng kapatid niya. Naiiyak na siya sa kahihiyan at sa pag tatanong sakanya ng mga reporters ng sunod sunod.

Ng makalapit si Martinus sakanya ay ito naman ang tinanong ng mga reporters.

"Totoo po ba ang kumakalat ngayon na issues na ang kapatid ni Ms. Madison ang dahilan kung bakit kayo nag hiwalay ng inyong secret girlfriend?"

"Totoo po bang nilandi kayo ng kapatid niya kaya kayo nag hiwalay."

"Lahat ng tanong niyo ay totoo. And I won't deny all of it." Matigas nitong sabi habang deritsong nakatingin sa kanya ang malamig nitong mga mata. Umiigting rin ang panga nito lalo na ng may humilang lalaking reporter sa braso niya. Nandidilim ang tingin nito sa kamay nito na nakahawak sa braso nito. Ngunit kalaunan ang tumawa, bago hinarap ang mga reporters na sunod-sunod ang tanong sakanila.

"Yes, i invited her in my celebration because she has a business proposal to our company."

Napakagat siya sa labi niya ng wala man lang awa ang nakita niya sa mga mata nito at patuloy parin sinasagot ang mga tanong ng mga reporters na iyon. At lahat ng iyon ay ang ikakasira niya at ang kanyang kapatid. O higit sa lahat ay baka madamay narin ang kanilang kompanya.

Napayuko siya at may tumakas na luha sa kaniyang mata.

Huminga siya ng malalim at walang ano-anong tinanggal ang kanyang heels at tinakbo ang kanyang kotse sa parking lot. Nakita yun ng mga reporters kaya hinabol siya ng mga ito. Kahit na may naaapakan siyang matutulis na bato ay hindi niya ito inalinta at pinagpatuloy ang pag takbo papunta sa kanyang naka parking na tesla.

Deceptive Destiny (R-18+)Where stories live. Discover now