"Kayo po? Uhm... saan po kayo pupunta?"

"Sa Cafeteria lang. Nagugutom kasi ako at wala pa akong kasama sa room ko, e. Hindi rin nag iwan yung mga walanghiya." Binulong ko ang huling salita na sinabi ko.

Lagot sila sa 'kin. Ni Yakult at Chuckie, o tubig, hindi man lang ako iniwanan!

"Pwede po ba akong sumama? Tapos doon po tayo kain sa room ko po!" Humagikgik siya.

"Sure," Ginulo ko ang buhok niya. "Pero bakit sa room mo?"

"Para po ganahan ako."

***

Nandito na kaming dalawa ni Travis sa room niya at pagdating namin, ayon, sinermonan siya ng Yaya niya na kinatawa ko.

Nalaman ko rin na Travis pala ang pangalan niya.

"Naku! Ikaw talagang bata ka! Pasaway, ano? Muntik na akong tumawag ng mga pulis kanina! Jusko ka! Aatakihin ako sayo, e!" Umiling iling ang Yaya niya.

Ngumiti sa kaniya si Travis. "Huwag kana po magalit. Papangit ka po, sige ka!"

Naningkit ang mga mata ng Yaya niya. "Hindi ako uto-uto ha. Isusumbong pa rin kita pero sige... hindi na ako magagalit." Ngumiti siya.

Tumingin sakin si Travis at kumindat. Napangiwi ako.

Ang bata 'to talaga...

"Ate Faye, kain na po tayo!" Hinila niya ako at pinaupo sa kama niya bago siya sumampa.

Nilapag ko naman ang pagkain na dala namin na galing sa cafeteria.

Tumingin ako sa Yaya niya at nahihiyang ngumiti. "Hello po! Faye nga po pala." Bahagya akong kumaway sa kaniya.

Ngumiti lang siya sa 'kin.

Hindi ba niya ako tatanungin kung bakit ako nandito? Kung bakit ko kasama ang alaga niya?

Kumuha ng mga plato at kutsara't tinidor pati na rin baso at tubig para sa amin ni Travis. At ako naman ang nag ayos nang pagkain namin.

"Kain na." Ngumiti ako kay Travis at hinimas ang malambot niyang buhok.

"Opo."

Umupo ako sa tabi niya at bago mag simulang kumain, tumingin ako sa Yaya niya.

"Hindi ka po sasabay sa amin?" Tanong ko sa kaniya.

Napatingin siya sa 'kin at napailing. "Hindi na. Busog pa kasi ako."

Ngumiti naman ako at tumango bago mag simulang kumain.

Nagkaro'n kami ng kwentuhan at kulitan habang kumakain. Tawa nga nang tawa si Travis.

Pagkatapos kumain, ako na ang nagpainom ng gamot kay Travis. Buti uminom siya at hindi umaangal.

Nagpaalam kanina ang Yaya niya na uuwi ng bahay para kumuha ng damit nilang dalawa ni Travis.

Habang ako naman, sinabi ko na ako muna ang magbabantay kay Travis.

Ayaw pa niyang pumayag dahil baka pagod daw ako at hindi ko kayanin ang kakulitan ng alaga niya.

"Travis." Tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya sa 'kin. "Bakit po?"

"Parang may kahawig ka," Naningkit ang mga mga mata ko. "May kapatid ka ba?"

Para kasing magkahawig silang dalawa ni Trace.

"Opo. May Kuya po ako."

"Sino?"

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Место, где живут истории. Откройте их для себя