"Pwede daw po kayo dumaan dun, Sir. Itatawag nalang daw po nila kapag nagpumilit na umakyat." Aniya at halos tumalon ako sa tuwa.

"Salamat po! 'Wag po kayong mag-alala, sagot ko meryenda niyo mamaya!" Sabi ko at natawa naman siya.

"Sanay na po kami sa ganito, Sir. Kung hindi magjowa ay mag-asawa ang nagkakaroon ng ganitong sitwasyon." Kwento niya pa. "Diretso mo lang tong daan na 'to tapos liko ka dyan sa kaliwa. Labas na agad ng building yan at makikita mo dun ang hagdanan paakyat." Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya bago ibinalik sa kanya ang tingin ko.

"Sige po. Maraming salamat po talaga!" Mahina kong tinapik ang balikat niya at mabilis din naman kaming naghiwalay. Halos takbuhin ko ang daan palabas at mabilis na inakyat ang hagdanan papasok.

Pagkapasok ko ay nasa second floor na nga ako. Katabi ng nilabasan kong daan ang hagdanan na may sign na second floor. Nakahinga naman ako ng maluwag noong makarating ako sa unit ko. Pakiramdam ko ay ubos na ubos ang energy ko sa pagmamadali.

Halos gapangin ko nalang ang maglapit ko sa pinto ng may biglang nagdoorbell. Kumuha pa ako ng lakas para silipin sa maliit na butas kung sino ang nagdoorbell.

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbukas ko ng pinto nang si Jane ang nakita ko. May bitbit siyang paperbags.

"Pasok ka!" Nakangiti kong nilakihan ang awang ng pinto. Walang sali-salita ay agad siyang pumasok at dumiretso ang upo sa sofa. Buti nalang at hindi magulo ang unit ko dahil wala naman ako dito buong araw.

"Anong ginagawa mo dito?" Marahang tanong ko.

"Umiinom ka ba?" Biglang tanong niya kaya umangat ang kilay ko.

"H-hindi. Hindi ako umiinom." Sagot ko.

"Tss. Edi ako lang pala uubos nito?" Turo niya sa dalawang paperbags na dala niya kanina.

"Puro alak ba laman niyan?"

"Hindi. Tatlong beer lang naman binili ko at isa ay pagkain." Agad niyang binuksan ang alak at mabilis na nilagok.

"Sakto nagutom ako kakaisip kanina." Sabat ko at inilabas ang pagkain sa paperbag. Menudo. Saraap!

"Sinong problema ba nag-aabang sa lobby na sinasabi mo kanina?" Takang tanong niya. Hindi malamig ang boses niya at parang normal lang na nakikipag-usap sa akin.

"Anak ng Mayor sa amin. Sinusundan niya ako kahit na saan. Ipinagpasalamat ko nga dati na dinala ako ni ate dito pero sinundan pa rin ako." Kwento ko habang nagsasandok ng kanin sa pinggan.

"Eh.. ba't ka niya sinusundan?"

"C-crush niya.. ako." Nakangusong sagot ko at natawa siyang bigla.

"Seriously?!" Natatawa niya pang tanong. "Edi i-reject mo!"

"Ginawa ko na yan halos araw-araw dati pero walang epekto sa kanya. Daig niya pa buntot ng aso ng kung makasunod sa akin." Inis na sagot ko.

Pagkatapos ko kumain ay nilapag ko muna sa lababo ang pinagkainan ko. Inaya ko din siyang kumain pero tumanggi siya. Tapos na daw siyang kumain kanina pa.

"Tumatawag ang front desk." Sigaw niya. Nasa kusina pa ako at hinahanap ang box ng gamot.

"Pakisagot please." Nahihiyang sabi ko at tumango lang siya.

Pagkatapos kong uminom ay saka ako lumabas ng kusina ngunit nadatnan ko siyang mabilis na nagliligpit ng mga paperbags.

"Anong sabi?" Tanong ko sa kanya.

"Papaakyat na ang problema mo! Oras na para magtago!" Natataranta niyang sabi at halos umakyat naman sa lalamunan ko ang gamot na ininom ko sa sobrang panic.

Bakit ba ako nagpapanic ng ganito?!

"Tumawag din daw ang ate mo na 'wag siyang papasukin pero nagwawala na daw ang problema mo sa lobby kaya wala nang nagawa ang mga tao sa baba kung hindi ituro ang unit mo!" Natataranta niyang dagdag. "S-saan tayo?!"

"Saglit- hindi ko alam!" Napapasigaw kong sabi. "Baka libutin niya itong buong unit. Alam ko takbo ng utak nun!"

"Lumabas tayo! Bilis!" Mukha kaming tanga na napatingin pa sa hallway kung may tao at saka kami tumakbo papunta sa hagdanan.

Huminto ako doon at saka sumilip nung marinig ko ang pagtunog ng bell ng elevator. Siya nga!

"Siya ba 'yon?" Mahinang bulong niya habang nakasilip din.

"Oo." Sagot ko.

Ilang beses si Gia nagdoorbell at kumatok. Inis niyang inilabas ang phone niya kaya taranta ko itong in-off.

"Argh! Felip!" Umalingawngaw ang naiinis na sigaw niya sa hallway.

Nagtakbuhan naman kaming umakyat doon noong lumingon siya sa gawi namin. Kaagad kaming nakapasok sa unit ni Jane at napahiga kaming dalawa sa sahig sa hingal.

"Damn that woman! Ngayon lang ako nataranta at nakatakbo ng ganito." Natatawang aniya.

"Same." Matipid kong sabi at natawa kaming pareho. "Anyway, safe ba tayong pareho dito? Baka biglang mangatok 'yon."

"Mm. Nasa labas si William ng unit ko. Hindi mo nakita dahil sa pagmamadali." Bumangon kaming pareho nang makabawi na kami sa hininga namin.

"Hindi ko siya nakita noong minsang inihatid kita dito sa unit mo." Taka naman siyang napatingin sa akin.

"Siya ang nakatira sa tapat ng unit ko. Tsaka anong inihatid? Kailan 'yon?"

"Hindi mo naalala?" Gulat na tanong ko at umiling lang siya.

"Friday 'yon. Nauna akong umuwi kesa ay ate tapos bumaba ako sa front desk para magtanong kung pumasok na ba siya tapos ang sabi nung babae dun is kasama ka daw niyang umakyat. Tapos ayun, pinuntahan ko siya kase buntis nga siya at baka mapano pa siya. Nakita kitang nasa sahig at halos hindi na makalakad sa sobrang kalasingan kaya ako ang pinagbuhat ni ate para ihatid ka dito." Mahabang paliwanag ko at ngumiwi lang siya.

Sa haba ng ipinaliwanag ko tapos ngiwi lang isinagot sa akin? Nag expect ako ng Thank you from you ah.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now