Kabanata 12

2 3 2
                                    

Kabanata 12 : Something you never ask

I was holding a pen, and paper. After what happen last time, nag-umpisa na akong magsulat ng tula. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ganito mag react ang katawan ko laban sa mga sakit na nararamdaman ko.

Wala din si Wisley dito, malamang ay nagpapahinga siguro. At hindi ko padin siya pinapansin. Hindi ko padin siya nakakausap.

May naisulat na akong mga salita, pero hindi ko alam kung tama ba? Basta ang gusto ko lang maisulat ko lahat ng sakit. Lahat!

Nakakatawa ako
Nakaka-ngiti ako
Nakaka-usap niyo ako
Ng maayos.

Pero sandali!

Hindi niyo man lang ba
tatanungin kong....“Ayos ka lang ba?”
“Kung may problema ka bang kinakaharap?” O....
“Kung wala ka bang ikwekwento?
At handa naman akong makinig?”

Ang layo-layo sa mga salitang....
“Wala kang kwenta?”
“Sana hindi ka na lang nabuhay?”
“Kasalanan mo lahat?”
at.... At “Ikaw ang malas”

Ano nga bang mali sa pagkatao ko?
Gayong ang nais ko lang naman ay makita ang mga ngiti mo
Na nagsasabing....“Kilala mo ba ang taong iyan?”

“Siya lang naman ang anak ko”

Minsan....
Oo, minsan ang nais ko na lang
Ay lumayo at sumuko
Hindi ako kuntento
Sa pagmamahal na binibigay niyo

Lahat ng mali kasalanan ko
Kahit pa tama ang ginagawa ko
Ang tanging nais ko lang naman
Ay makita niyo ang kahalagahan ko

Hindi iyong pinapamukha niyo sa aking,
Isang hamak na basura sa mga paningin niyo
Hindi ako perpekto, alam ko.

Lahat may mali at hindi laging wasto

Sa mundong nakita at napagmasdan ko
Nawa'y ang tingin din sana sa akin ng mga taong bumuhay sa akin
Ay kagaya nang paghanga ko sa mundong kinalakihan ko

Pero sandali!?

Marami pa akong hindi alam sa sarili ko
Kung ang inaakala niyo kaya ko na
Kung ganun mali ka.
Umaakto lamang akong buo
Pero sa loob ko'y
Unti-unti nang nagiging pira-piraso.

Mga bagay na sana ay naririnig niya. Mga bagay na gusto kung sabihin sa kanya. Iyan ang gustong iparating ng tula. Matapang ako, minsan. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon kaya kung lumaban.

“Pomeila! Tumatawag Mama mo. Lumapit ka dito at kausapin mo daw.” sigaw ng tatay ko sa hindi kalayuan. Napagpasyahan ko kasing magsulat dito sa ilalim ng madre.

Gumawa sila ng upuan, at lamesa. Sa sobrang init kasi ng panahon ay mas pinipili na lang nila Tito minsan na kumain dito, kaysa sa loob na sobrang init.

Agad namanbakong tumayo at binitbit lahat ng dala ko. Nagmamadali naman akong lumapit sa kanya at agad niyang ding inabot ang telepono na hawak-hawak niya.

Medjo nalilito lang ako kung anong mga bagay nanaman ang sinabi niya?

Lumayo naman ako, at agad nagtungo sa may signal. Mahina kasi ang signal dito sa pwesto ko.

Nang masigurado kong malayo na, agad ko ulit tinapat ang cellphone sa aking tainga. At hindi nga ako nagkakamali, unang banggit ko palang sa salitang "Ma" ay mababakas na sa tono niya ang galit.

Well? Hindi na ako magtataka kong makaranig ako ng paninira. Of course. Babaliktarin ng tatay ko ang sitwasyon. If I'm not mistaken, hindi ko alam kung paano ako napunta sa drum na iyon.

Hindi ko din naman pwedeng sabihin na galing ako sa nakaraan at nahulog ako sa ilog. Which is? Mas malaking kalokohan sa kanya!

“Ano bang nangyayari sayo Pomeila? Akala ko ba ay magbabago kana? Ano nanaman bang ginawa mo at ganito na ang nangyayari sayo?” akala ko maririnig ko na iyong salitang matagal ko nang hinihintay na tanungin nila sa akin.

Pero nagkamali ako ulit. Bakit pa nga ba ako aasa? Matagal na akong naghihintay, pero hindi ko naman alam kung dadating pa ba ang araw na iyon.

Mahirap bang tanungin ang 'Anak may problema ba?' Hindi ko nga alam kung kailan o anong taong pa nila ako tinawag na anak.

Sasagot namn ako, e. Hindi ko naman itatanggi kong anong problema ko? Pero, kung anong alam nila, sige pagbibigayan ko. Hindi na ako magsasalita.

“Ginagawa naman namin lahat. Binibigay namin kung anong gusto mo? Ultimo, pagkain ni Papa mo binibigay niya na sayo. Bakit mo naman naisipang pumasok sa drum, at doon maglunod?”

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko sila sa gusto nilang paniwalaan. Hanggang sa dumating mismo iyong araw na sana hiniling na lang nilang intindihin at manatili sa tabi ko.

Kaso, malabong mangyari iyon.

“Hindi naman kami nagkukulang nang paalala sayo?”  At iyan ang mala-dramang tanong ng nanay ko. Ano nga bang pangalan niya ulit? My mother's name is Frenlyn Zipagan.

Malayo sa amin, at sa akin. Hindi kami ganon kaclose, at hindi din ako palasabi ng problema sa kanya. Kung ano mang sinumbong sa kanya, hinahayaan ko. Kung ano mang sinabi nila sa kanya, binabalewala ko.

Bakit? Kasi iyon lang naman iyong time kung kailan ko nararamdaman na may Nanay pa pala ako.

Ilang taon na ako? Dise-sais. See? A more than decade na akong naninirahan sa mundo, pero baka isang taon ko lang siya nakasama kung pag-dudugtungin lahat ng araw na kasama ko siya.

“Pomeila? Anong nasa isip mo, at talaga nga namang sa drum mo pa naisipang malunod?” hindi ko naman talaga intensyon iyon. Nadulas ako! Hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa drum na iyon e.

Asan ba si Wisley? Baka sakaling, baka sakaling matulungan niya ako. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.

“Nakikinig ka ba Pomeila? Lagi na lang. Sa tuwing tatawag sa akin, ganito na lang ang laging bungad!” Kahit papano may takot pa din ako kay mama ko.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya nandoon. Pero, iyong halos lahat ng sisi ibubunton sa akin, ang hindi ko maintindihan.

“Ma, naiintindihan ko po. Hindi na po mauulit. Hindi na........ mauulit. Dahil wala ng gagawa noon, para maulit.Hanggang sa unti-unting humina ang boses ko, at natapos na rin ang tawag.

Bakit ko nasabi na na hindi na mauulit? Narinig ko kasi si Lola, noong nagising ako.

“Nag-uumpisa na ang sumpa. Hindi ko na ito mapipigilan. Sila na din mismo ang gumagawa ng paraan. Sa ayaw at sa gusto natin. May mawawala, at hindi na muling magbabalik”

To be Continue.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Mahiwagang Plantsa ni POMIELAWhere stories live. Discover now