Kabanata 7

11 5 0
                                    

Kabanata 7 : The Old House

Sabi nga nila, may taong dadating at may taong aalis. Noong nalaman ko na aalis siya. Nalungkot ako, pero hindi naman kasi nagtagal iyon. Bakit? Naisip ko kasi, paano niya maabot iyong mga gusto niya, kung pipigilan ko siya.

Kung dati laging nakadepende sa kaniya ang mga gagawin ko, ngayon natutunan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Nasanay kasi akong lagi siyang andyan para itakas ako sa nakakarinding boses ni papa.

Kaya naman noong umalis siya nitong nakaraang linggo, todo effort ako para maging independent. Mahirap man, pero kinakaya ko. Wala, e. Sarili ko lang kasi talaga matatakbuhan ko. Knowing my own family. Hindi ako ganoong ka-open sa kanila, because of my personal decision.

And, isa pa. Kahit pa may plansta ako na may Genie, hindi iyon pwede. Alam kong magagalit siya sa akin. Kung pupwede, gusto kong humiling ng bagay, na alam kong hindi ko pagsisihan.

It was like, I'm handling something important from my family's heirloom. Kung totoo man ang nasa isip ko, kailangang malaman ko. And even if I wish to go back in the past, I will willing to do, just to know my family history.

Bigla akong  nakaramdam ng kuryosidad sa isang ito. Hindi ko nga nagawang isipin na, may ganito palang bagay ang Lola ko.

And speaking of that Plantsa. Pinalabas ko siya ulit sa kaniyang lungga. Ang Plantsa pala na ito, ay isang lumang plansta na kailangan mong lagyan ng uling para magamit. Kung tawagin nang matanda, Plantsa De Uling.

"Mayroon ka na bang hiling?" tanong niya sa akin. At palagi na lang, sa tuwing tatawagin ko siya galing sa loob, at kapag lalabas na siya, iyan lagi ang katanungan niya.

Ngayon ko lang din nalaman na lalaki pala siya. Akala ko babae, kasi para siyang nakapalda, nakalimutan ko usok pala iyon.

"Saglit nga, wala pa ako naiisip." sagot ko dito. Minsan nga iniisip ko, wala naman akong gusto, e. Wala na din naman akong luho. Nabili ko na iyong pinaka-gusto ko. At iyon ang bumili ng laptop. Oh, di ba.

Bukod sa good health at iba pang bagay. Wala na. Iyon lang. Maliban sa...

"Saglit, di ba? Kaya kong tuparin lahat." tanong ko dito. May gusto akong puntahan na lugar pala. Umh, sa totoo lang, hindi sa panahon ngayon, kundi sa nakaraan.

Tumango naman siya sakin. At iyon ang dahilan ng pag-ngiti ko. Kung kaya niya, may naiisip na akong pinaka-una kong hiling.

"Ayaw mo namang pakawalan kita dyaan sa pagkakakulong mo sa Plantsa, edi ito na lang ang hihilingin ko sa iyo."sabi ko dito. Totoo iyon, noong mga maka-ilang beses kong narinig ang mga katanungang sa kaniya kung ano daw ba ang mga hiling ko, sinubukan kong sabihin sa kaniya na sana makawala na siya sa pagkakakulong, pero wala namang nangyari.

Kaya naman, hindi na lang ako humiling muna. Hanggang sa nito-nito lang, naaalala ko ulit iyong painting sa loob ng kwarto ni Lola. Iyong hula ko, iyon siguro yung dating itsura nang bahay nila.

Nabagyo kasi ang bahay nila, noong 2010. Kaya naman inayos na lang at pinagawa ulit. Kung dati may Second floor ang bahay, ngayon wala na. Kaya naman gusto kong makapunta ulit sa taon kung kailan ang bahay nila Lola ay ganoon pa ang itsura.

Bata pa ako noon. Kakaunti lamang ang naalala kong memorya tungkol sa bahay na iyon. Kaya naman gusto ko sanang makapunta ulit doon. May parte sa puso ko na, gustong gusto pumunta sa dati.

Siguro ano, kasi nagsasawa na ako sa ngayon. Wala nang masyadong malinis na hangin. Wala nang sumusunod sa mga tradisyon. Hindi na sila naniniwala sa mga pamahiin at kung ano pa. Kung dati takot na ang bata kapag sinabi mong, Aswang, tiktik At kung ano pang klaseng laman ng lupa. Ngayon, kapag sinabi mong grounded at walang selpon ng buong week, doon ka lang matatakot. Ano pa? Kapag kinuha iyong selpon mo, o kaya naman ay kapag sinabihan kang wala kang allowance, doon lang magtritrigger iyong takot mo. Why? Kasi kasama na iyong lagi sa araw-araw mong ginagawa.

Ang Mahiwagang Plantsa ni POMIELAΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα