Tapos ngayon ay pinagdadamot niya ito sa'kin? Mapapasa'kin din naman si Khione kapag nasa tamang edad na siya.

I chained myself with both hands. Sa likuran ko ay nakadikit ang mga matutulis na pako. Then I slammed my back hard against the wall of nails. Sumigaw ako sa sobrang sakit ng likuran ko.

Naramdaman ko kaagad ang pagtulo ng dugo mula sa likuran ko. I have a line of scar at my back dahil ito sa nangyari noong anim na taong gulang pa lang ako at pinrotektahan ko ang inosenteng sanggol.

Nadagdagan na naman.

Gusto kong pigilan ang galit ko sa ganitong paraan dahil kung hindi ay baka pati si Mr. Fuego ay mapatay ko. Hindi niya pa kailangang mamatay, he have to take care of Khione. Hindi ko pa maaalagaan 'yon.

At the age of sixteen, I tortured myself.

"Hindi! Mali 'yan, Lord!"

"Anong mali?!"

Marahas kong tinapunan ng masamang tingin si Monerov nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

"Ganito kasi 'yan," kinuha niya 'yong mouse mula sa'kin at may tinipa sa keyboard.

Hindi ko maipagkailang namangha ako nang nakitang lumiliit ang halaga ng pera sa isang bank account na sinusubukan kong e-hack.

Simula noon ay bilyon-bilyong pera na ang pumapasok sa bank account ko with no fucking sweat.

At the age of fourteen, I learned how to hack.

Walang bakas ng takot na pinasok ko ang malaking bahay na malapit sa dalampasigan. Hindi ko alam kung bakit dinala ako rito ng Zimeon na 'yon.

Siguro ay para malayo na rin ako kay Khione. Malaki na siya, she's six years old now at hanggang tingin lang ako. Pabalik-balik na pumupunta sa private school kung saan siya nag-aaral.

While I'm homeschooled. It's fucking Zimeon's  inadequate idea.

Kaya niya ako dinala rito dahil napapadalas na ang pagpunta ko sa paraalan ni Khione. Napapadalas na ang pagtakas ko.

"Ace of heart!"

Ang daming naglalaro ng cards dito at iba pang klase ng larong pangsugal.

"Bata? Nawawala ka?" isang lalaking nakasuot ng three piece suit ang pumansin sa'kin.

"Hindi ako nawawala," malamig at walang galang na sagot ko sa matandang lalaki.

Dumapo ang paningin niya sa kwintas kong may pendant na LC. Nagulat ako nang bigla siyang nagsorry na parang nakakita ng multo nang tinitigan niya ako.

"Kamukhang-kamukha mo ang iyong ama."

Sa gambler's field ko nalaman ang lahat tungkol sa totoong pagkatao ng ama ko. Nang dahil doon ay kahit wala na siya, parang iniwan niya pa rin ang lahat ng kapangyarihan niya sa'kin.

No one knows my real name. My Dad hid me, sa mga magulang ni Khione lang nila ako pinakilala.

Siguro ay alam niya lang kung ano ang kahulugan ng suot kong kwintas.

At the age of twelve, I gambled.

Mariin kong idinikit ang aking tenga sa bahagyang nakaawang na pinto upang marinig ang pinag-uusapan ng aking ama kasama ang kaibigan niya dito sa mansyon ng kaibigan niya. Nasa loob ng library sila.

"Lord. Anong gagawin ko? Labag sa batas ng Illegalhood 'to dahil babae ang anak ko. I don't want them to kill my daughter!"

"Lalaki ang anak ko. Puwede mo'ng ibigay sa'kin ang posisyon mo, Furton," narinig kong boses ni Dad na sa tingin ko ay ako ang tinutukoy. "Hangga't naipasa mo sa akin ang posisyon mo, ligtas ang anak mo."

A Hundred Billion Worth Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα