Kabanata 6

53.3K 1.5K 81
                                    

Kabanata 6

Gambling

Nakanguso akong lumabas ng kuwarto nang natapos ako sa paghahanda sa sarili ko. I keep my mouth shut and focus my eyes on the island. Papalapit na kami sa islang sinasabi ni Caspian.

Balot na balot ang katawan ko. Nakakainis naman. Patas lang din naman dahil nakita ko siya sa bridge na nakasuot din ng jacket na may hood.

Sa tuwing naaalala ko ang mga kalokohang ginawa ko kanina ay napapasapo na lang ako sa noo ko.

Nakakahiya. Nadungisan na ang pagkakababae ko.

I just met him. Tapos sa kaniya ko pa talaga nagawa 'yon?

I looked up at the bridge and saw him looking intently at the sight of the island. Parang ang lalim ng iniisip niya. Hindi ko iniwas ang tingin ko nang bumaba ang tingin niya sa akin.

As usual. Seryoso siya.

Nang nakarating kami sa isla ay nauna siyang naglakad sa akin. Ang gentleman niya talaga.

"Wear your hood." I can say that he's not tolerating my disobedience to him. Parang iniiwasan niyang may magawa uliy akong katangahan.

Mas lalo lang akong ngumuso at isinuot ang hood ng jacket ko. Just my instinct that's saying; I should follow him this time.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa islang 'to. Hindi nga siya mukhang tourists spot pero sobrang ganda. Wala akong nakikitang resort.

Only the huge house.

At papunta kami doon.

"Don't leave my side, this place isn't that friendly." babala niya. I can hear the irritation from his voice. Nasa likuran niya ako at nakatitig lang ako sa malapad niyang likuran.

Not friendly? Parang siya lang?

"Ba't dinala mo ako rito kung gano'n? Ito na ba ang sinasabi mong bakasyon? Hindi halata. Anong gagawin natin dito? Mangingisda? Lunurin kita diyan e." I kept on complaining. Ang pakialamero niya kasi. 'Yong una ay ang OOTD ko. Ngayon naman pinapasuot niya sa akin ang hood. Sobrang tago na ng mukha ko.

Pakiramdam ko ay tinatago niya ako. Gano'n na ba ako kahiya-hiya kasama?

Biglang nawala ang nararamdaman kong hiya kanina. Buti nga at hindi niya ako sinuntok kanina. Hindi ko alam kung bakit. I can see that he's trying to hold himself.

Nagpaiwan ang nag-aalaga sa luxury yacht niya doon sa tabing dagat at parang binabantayan ang yacht.

Sino naman ang nanakaw no'n? This place looked deserted. Walang katao-tao. Ang creepy pa tignan ng malaking bahay.

Papalapit kami ng papalapit sa malaking bahay. Hapon na at nagiging kulay kahel na ang kalangitan. The huge house was painted in color brown. Ang dalawang ilaw sa gilid ng malaking double doors ay kulay dilaw. Parang alam ko na kung sino ang nakatira sa bahay.

A hen and her chicks. Gusto ng mga manok ang kulay dilaw na ilaw 'di ba?

"Kaninong bahay ba 'to? Sa'yo?" we stepped on the stony stairs. Nakatingin lang ako sa likuran niya at inoobserbahan ang bawat galaw niya.

"It's not just a house." his voice seems like bored. Walang pakialam, gano'n.

"Ano? Slaughter house din ba 'to?" pangungulit ko at bumaba ang tingin ko sa hagdan nang dumaan ang maliit na crabs. Pinadaan ko muna siya bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Nasa harap na ng pinto si Caspian at naiinip na nakatingin.

Nang nasa harap niya na ako ay mariin niya akong tinitigan.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon