"Bakit nasasaktan ako kung ginagawa niya naman ang lahat?" there's no doubt in my mind but I just don't understand. I know, I sounded selfish.

Bumuntong hininga siya na parang sobrang bigat ng dibdib niya. "Hindi mo alam kung anong sakit ang naranasan niya just to keep you breathing and alive."

Paano ko nga malalaman kung hindi naman nila sasabihin? Palagi na lang ba si Codrus ang hahanap ng paraan upang mapanatili akong buhay? This is my life, I should be the one who's protecting it. Sa halip na protektahan ang sarili ko ay inilagay ko pa ito sa panganib.

"H-He's with Calla," hindi ko napigilang yumuko. Nahihiya ako

"Khione, you're too innocent and fragile. Yes, maaaring mahal niya si Calla, bilang kapatid. Do you have any idea why he's with Calla right now? Because he chose to save you. It's either to save Calla or you," he lifted my chin up dahilan kung bakit nakatingin na naman ako sa kanya. "He should be with Calla in order to save you."

"I don't understand."

Kaya pala 'di makasagot si Codrus noong tinatanong siya ni Trevino kung iiwan niya pa rin ba ako o hindi.

I look around to see if there's someone that can hear us. Wala naman. Madilim dito pero 'di naman gano'n kadilim upang 'di na ako makakita pa. May corridor sa gilid namin at hagdan sa gilid ng corridor tapos may hagdan pa pababa. Siguro ay 'yong corridor ang daan papunta sa sinasabing quarters ng mga manyak na lalaki?

Mukhang nalaman ni Caspian ang iniisip ko dahil sa pagiging balisa ko. He removed his coat and put it around me kaya isang kulay puting sando na lamang ang suot niya, saka niya ako inakbayan upang maitago ang mukha ko sa malapad na dibdib niya at patagong iginiya sa hagdan pababa.

Bakit nandito siya? Why did the guys treat him like he's powerful and vicious? Bakit kung umasta siya ay parang pag-aari niya pa ang lugar na 'to?

Huminto siya bago pa man kami humakbang pababa ng hagdan kaya gano'n din ang ginawa ko. Nakakapagtaka.

"Goddamn those dogs," he muttered while looking down at my muddy bare feet. Hindi na ako nagtanong pa nang walang pasabing kinarga niya ako sa kanyang balikat na parang isang bigas ng sako.

He started walking down the stairs, sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa mga hita ko, kahit sa bewang ko.

"Pretend to be unconscious if there's someone else, little cousin."

I rolled my eyes kahit hindi niya naman ako makikita.

"Sir Caspian, we've found some information about the new born organization."

As what Caspian told me to do. I pretend to be unconscious on his shoulder. Like I was beaten up, drained and exhausted. My arms were hanging limply at his back, included my head and my hair. Nagmumukha na akong walang malay.

Parang narinig ko na ang tungkol sa new born organization na 'yan.

Villazardo's report.

Naalala ko na 'yong sinasabi ni Villazardo kay Codrus noong buntis pa ako. About the new born organization that's they're trying to investigate.

Hindi lang din pala sila Villazardo ang naghahanap nito. Pati na rin ang mga tao rito sa Underground Field.

"Report it in my office."

"Yes, Sir."

Office? May opisina siya rito?

Nagpatuloy sa paglalakad si Caspian habang nakasunod naman sa amin ang lalaking kausap niya.

Nakakainis. Hanggang kailan ba ako mananatiling magpanggap na walang malay?

Lumipas ang halos sampung minuto bago ko naramdaman ang malambot na sofa sa likuran ko. Caspian laid me down on the sofa as I continue pretending to be unconscious. Hindi naman nagtanong ang lalaki tungkol sa'kin o kung sino ako, ramdam ko ang presensya niya rito sa loob ng opisina. Maybe, he doesn't have the position to question the highest.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now