"Sige, isang oras lang. Fifteen minutes sa'yo, fifteen minutes din sa'yo, twenty minutes naman sa'kin," seryosong paghahati nito sa oras.

Tatlo pala sila? Akala ko dalawa lang. Sumama pala siguro 'yong nagmaneho ng kotse.

"Ang daya mo, pre."

"Ano? Papalag ka? Isang Lordcan kaya 'to, sulitin ko na."

Imbes na kabahan ako ay parang gusto ko pang tumawa. Ganyan nga mga manyak. Nabibighani ba kayo sa kagandahang taglay ko? Susulitin niyo na talaga ang huling oras na meron kayo.

I didn't speak. I let silence responded to them for me.

"Hindi niyo ba ko isasali?"

Akmang kakaladkarin na sana ako ng mga hampas lupang manyak na 'to nang may biglang nagsalita.

"S-Sir..." naramdaman kong biglang nanginig ang mga kamay nilang nakahawak sa braso ko.

"Hand me the girl," utos ng pamilyar na boses na 'yon.

The guys didn't hesitate to obey Caspian's command. Hindi ko alam kung bakit nandito ang pinsan ko, kaya pala wala siya sa mansion kanina. They released me and surrendered to Caspian. Hindi ko na naramdaman 'yong mga magagaspang na palad ng mga lalaki sa mga braso ko, napalitan ito ng marahan na paghawak ni Caspian.

"S-Sir, ano po... Inutusan po kasi kami ng mga opisyales na ikulong siya," kinakabahang pahayag nito.

"I can handle this. What's her number?" walang bakas na emosyon sa boses ni Caspian pero magkasalungat ito sa paraan ng pagkakahawak niya sa braso ko. It's gentle.

But wait. Number? Ba't may number ako?

"Eighteen, Sir."

After a second, I heard heavy footsteps stamping away from us. Siguro ay pinaalis na ni Caspian.

Marahan akong hinawakan ni Caspian sa magkabilang balikat matapos niyang kinalas ang pagkakatali ng blindfold sa likod ng ulo ko. I adjusted my vision, from blurred as it slowly cleared.

"Are you okay, huh? Sorry na kung late akong dumating, Khione. Hindi ko alam kung anong gagawin sa'kin ni Codrus 'pag nagkataon," he explained while brushing his palms on my arms back and forth, na parang pilit niyang alisin ang lamig sa balat ko. Puno ng pag-aalala ang mga mata ng pinsan ko.

What is he talking about? Si Codrus? Magagalit 'pag nalaman niyang nahuli siya sa pagkuha sa'kin?

Oh shit. This is all planned out.

Naalala ko 'yong pinag-uusapan nila Trevino at Codrus kagabi. They're talking about their plan, 'di nga lang nila nabanggit kung ano ang plano nila.

Am I not fooled? Did Codrus changed the situation? Ano ba talaga ang plano niya?

Why so unpredictable, Codrus?

Hindi ako makapagsalita nang dahil sa mga iniisip kong posibleng mangyari ngayon. Nakaangat ang paningin at nakatitig kay Caspian, 'yan lamang ang tangi kong nagawa.

"Magsalita ka naman, Khione. Kinakabahan na ako, puta."

I scowled at him when I notice his palms on my arms, he's shaking.

Anong nangyari sa kanya? Kanina lang ay para siyang hari kung umasta tapos ngayon mukha siyang high school student na kinakabahang magreport.

"I-I wanna talk to Codrus..." magaspang ang boses ko na parang isang araw na hindi nakainom ng tubig. My throat is dry anyway, kanina pa ako hindi nagsasalita.

"Not now, Khione, okay?" napamura siya nang hindi man lang umepekto ang pagbigay niya ng init sa mga braso ko. He keeps on rubbing his warm palm on my cold arms. "Codrus is doing everything, not just all that he can, even the things that he can't," aniya na parang isang bata ang kinakausap niya. Pilit pinapaintindi sa akin ang isang bagay na kailanman ay hindi ko maintindihan.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now