Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Hindi ko talaga sila maintindihan. They're punching each other before kaya ko nga binaril ang sarili ko tapos ngayon? They're sharing each other's experiences. Is it all just for show?

"Naabutan ko siyang karga ng isa sa mga black men. Tangina, hinahaplos niya pa ng kutsilyo ang pisngi ni Khione kaya nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na alam kung anong nagawa ko upang makuha siya mula sa salot na 'yon, naramdaman ko na lang ang hapdi sa likod ko. That motherfucker created the scars on my back."

The scars on his back? I thought he got those scars from torturing himself? Noong nasa torturer's field kami at kung saan ako pumunta sa abandoned warehouse tapos doon ko rin nakilala ang totoong Caspian Lordcan. May nakita pa nga akong kwintas. 'Yong LC.

Tahimik akong nakikinig sa kanila. Halos 'di na ako humihinga, takot na baka pati ang paghinga ko ay maririnig nila.

"Iiwan mo pa rin ba siya?"

Hindi siya sumagot.

Pakiramdam ko ay iiwan niya ako rito. Ito naman talaga ang gusto niya 'di ba? To keep me here? Pero ayoko rito, isang oras na nga akong naglibot dito ay parang mamamatay na ako sa sobrang tahimik, dilim at boring. Karamihan sa mga pinto ay lock pa.

I am not just the heiress of Red Market but also the heiress of Illegalhood.

But what about the last will of the seniors? Our parents rather? Nagbago ang lahat kung ano man ang gusto nilang mangyari para sa Illegalhood nang dahil sa'kin? Nang dahil lang sa ako ay isang babae?

They're discriminating what females can do.

Nalilito na rin ako kung ano ba talaga ang nangyari noon. Paano ako napunta sa kamay ni Codrus? Bakit hindi si Caspian ang naging tagapagmana kahit isa naman siyang Lordcan? Maybe because his parents or my uncle and aunt didn't have the highest position.

"Where's Lordcan?" pag-iba ni Codrus sa usapan matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Chasing your sister," Trevino sighed, nakita ko pa ang pag-iling ng shadow niya. "What about Calla, Codrus?"

Nagpintig ang mga tenga ko nang narinig ang pangalan na 'yon. I gritted my teeth, remembering the things that Calla did to me.

"I care for her as a sister, Trevino."

"Psh, 'yong kapatid mo nga, mukhang anghel din pero ang sama ng ugali. Alam mo naman sigurong siya 'yong nag-utos sa isang miyembro ng black men na sagasaan si Khione noong thirteen years old pa siya 'di ba? Alam mo rin naman sigurong siya rin ang tumulak kay Khione sa cliff na muntikan nang nalunod? 'Yong tinuturing mo ring kapatid, gano'n din ang ugali. Nagpalaki ka ng mga anak ng demonyo sa mansion e. Mabait lang kapag ikaw na 'yong kaharap."

Buti na lang hindi ako anak ng demonyo. Ang totoo ay ako talaga 'yong demonyo.

Syempre biro lang 'yon. Tawa ka na, self.

I closed my eyes shut, hearing the revelations from Trevino. I guess the three of them, Caspian, Trevino and Codrus knows the truth. I wonder if Villazardo was included? Since he's Codrus' cousin? Maybe I don't need one of the seniors to tell me about my parents.

Gusto kong makilala kung sino ang kapatid ni Codrus at bakit nagawa niya 'yon? Is she a friend or a fiend?

"Nagawa niya 'yon upang makuha ang atensyon ko. She wanted to be a part of Illegalhood but I disagree, Lordcan too. She's still fifteen years old, ang bata niya pa para pumasok sa mga ganitong illegal na gawain. Iniisip niya na pinagtutulungan namin siya ni Lordcan upang 'di makapasok sa Illegalhood. I almost killed Zimeon when he let her join the Illegalhood with the initiation of hurting Khione," saglit siyang huminto. "After five years, nagbago ang isip niya. She wanted to quit the Illegalhood but she have to do the same thing she did in her initiation in order to quit."

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now