Instead of wasting my time to find where the switch of the light might be, I roam around the ground floor. Door to door but majority of the doors I've been was locked.

Huminto ako sa harap ng isang color dark brown na pinto at pinihit ito. Just a simple plain door unlike the other door, 'yong ibang pinto kasi ay nakakakuha ng interes ko pero ayaw namang mabuksan pero itong pintong 'to, parang wala lang. This door didn't caught my attention but I still tried to open it. Hindi ko inakalang mabubuksan ko ito, hindi naka-lock ang isang 'to.

Marahan ko itong tinulak upang mabigyan ako ng daan papasok, careful and cautious to prevent the door from creating some noise.

Halos tumakbo ako palabas nang may narinig akong ingay na paghampas ng mga palad sa pader. Pero syempre 'di ko ginawa 'yon. Nanggaling dito sa loob 'yong ingay, ibig sabihin hindi ako nag-iisa.

I faced where the noise came from after silently closing the door. Walang pinagkaiba ang silid na 'to sa labas, madilim pa rin. May nakita akong nakabukas na pinto, ilang metro lang ang layo mula sa kinatatayuan ko. Maybe thirty feet away? Ewan.

I saw a silhouette of a table and two men. 'Yong isang lalaki ay nakalapag ang dalawang palad sa mesa at 'yong isang lalaki naman ay nakasandal ang bewang sa gilid ng mesa.

Mabilis akong nagtago sa pader, sa gilid ng mismong pintong nakabukas upang 'di nila ako makita.

"Batas 'yon ng Illegalhood, Codrus. Wala tayong magagawa kung papatayin nila ang kaisa-isang anak nila Fortunatos at Krescens. The Lordcan family is one of the creator of Illegalhood. Nakasaad sa batas na papatayin ang susunod na tagapagmana ng Illegalhood kung ito ay babae," sandaling huminto ang pamilyar na boses ni Trevino na parang hinihintay niya kung ano ang magiging reaksyon ng kausap niya. "Khione is a girl-"

"Dammit!"

My hands were sweating, freezing and trembling. Hindi ko alam kung bakit naging ganito na lang ang reaksyon ko sa mga narinig.

Fortunatos and Krescens.

Are they my parents? Shit? Tagapagmana? Ito na ba 'yong sinabi ng misteryosong babae na darating ang araw na babalik din kami sa Illegalhood? The mysterious girl told me about that when I was in the hospital, at exactly on the rooftop.

Naalala ko rin si David. 'Yong kasintahan ni Kara, posible ba'ng siya 'yong lalaking nagtangkang pumatay sa akin noong nasa hospital ako malapit sa morgue? Siya rin ba ang palagi kong nararamdaman na parang may sumusunod sa'kin?

"Nabulag kasi masyado ang ama mo sa posisyon ni Fortunatos noon. Gusto niyang mamuno. Zimeon mentioned that nakipag-usap si Lordosis kay Fortunatos na magpalit na lang sila ng posisyon for the sake of his daughter since hindi ka naman nila papatayin dahil lalaki ka at ikaw ang maging susunod na tagapagmana ng Illegalhood kapag pumayag si Fortunatos. Sa kasamaang palad hindi pumayag si Fortunatos kaya nagalit ang ama mo."

"Naalala ko," walang nababakas na emosyon sa boses ni Codrus. Sinong hindi makakaalala sa masakit na nakaraan?

Mas nagmamarka sa isipan ng isang tao ang napakasakit na nangyari sa buhay nito kesa sa mga masayang alaala.

"Pinapaalala ko lang sa'yo na kahit saan mo pa ilagay si Khione ay hindi siya magiging ligtas. Huwag mo siyang iwan, Codrus. Remember what happened when she was just six months old? Iniwan mo siya sa loob ng kabinet to keep her safe while you're finding a way to get out of the house. Babalikan mo siya kung makakita ka na ng daan palabas 'di ba? Anong nangyari noong pagbalik mo?"

"Fuck. She's crying," his voice was shaking at the same time marked by severity and rigidity.

"Dahil?" Hindi ko maintindihan si Trevino. Pinapaalala niya ito kay Codrus? Para na ring ginagalit niya si Codrus.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now