AFTER 4 - POLARIS

Start from the beginning
                                    

Traevon taught me how to transform back into a Werewolf. It will start by emptying the mind and imagining your transformation. Once you feel the rush of the hot fever and the gush of cold wind, the transformation will start.

It seems that most Werewolves have one configuration, the wolf form. But an Alpha like him can transform into man-wolf form. According to Traevon, the original twelve Alpha are much scarier as their faces were like wolf beasts due to the Black Death disease.

Sa loob lamang ng ilang minuto ay naka-akyat kaming muli ni Traevon sa taas ng bundok gamit ang isang mabato at masukal na daan. Sinamahan niya ako na gumamit ng wolf form dahil ang man wolf form daw ay kadalasan na ginagamit lang sa battle.

Sa loob ng ilang oras na magkasama kami ni Traevon ay marami akong natutunan sa pagiging Werewolf. Medyo nasanay na din ako sa mga sexy abs niya na nakatambad sa akin kaya hindi na awkward kahit half naked siyang nagku-kwento sa akin.

"Bukas ko idedetalye sa'yo ang tungkol sa Thirteenth Werewolf Alpha. Mukhang inaantok ka na," sabi ni Traevon nang mapansin niya na naghihikab na ko.

"Ipapakita mo ba sa akin ang mukha niya using your illusion magic?"

Ngumiti lang ito bilang pagsang-ayon. Madalas kasi kapag nagku-kwento si Traevon ay may pinapakita siya na holographic images or videos sa kamay niya. Kakayahan daw ito ng Eriksson Alpha na tinatawag na Halucinatio.

Pinapasok ako Traevon sa kanyang tent at binigyan ng blanket. Mukhang kasya naman kami ditong dalawa sa loob ng tent dahil malaki ito.

"Baka magalit ang fiancee mo kapag nalaman niya na may kasama ka na Werewolf girl sa tent mo."

"Eh 'di magalit siya."

"Jowain mo kaya ako tapos pagselosin natin ang fiancee mo?"

"Sino may sabi na gusto kitang jowa?"

"Tsk! Ang harsh mo! Nagsu-suggest lang naman!"

"Matulog ka na. Antok lang 'yan," sabi ni Traevon sabay bigay sa akin ng unan.

First time ko maging Werewolf at hindi ko alam ang kakaibang excitement na naramdaman ko lalo pa ngayon na isang Alpha ang kasama ko. Hindi ko din inaasahan na mabait pala ang lalaking ito. Mukha kasi siyang suplado sa unang pagtatagpo namin.

Mahimbing ako nakatulog sa tent ni Traevon at tanghali na nang magising ako. Nagluluto na naman ito ng kakaibang klase ng steak na umaatake sa ilong ko.

"Hey new friend, ang bango niyan ah? Pwede makikain ng steak mo?" tanong ko sa kanya.

"Kahit 'di lang steak. Kahit sausage ko pwede mo kainin," sagot niya sabay turo sa Hungarian sausages sa grill pan.

"Kala ko ibang sausage, gusto ko pa naman ng big sausage."

"Akala ko ba wala ka pa nagiging boyfriend? Sausage muna bago boyfriend?"

"Of course para may training!"

Natatawa lang ito at umiling saka inabot sa akin ang steak na may sausage. Kumain kami ni Traevon at grabe ang dami ng baon niyang pagkain. Para kaming nasa five-star restaurant sa loob ng gubat sa sarap ng mga pagkain na niluluto niya.

"A friend of mine will be here shortly. He will pick us up later. Nag-radio ako sa kanya na may kasama ko na Werewolf na walang panty at kailangan na umuwi muna sa bahay."

"Grabe naman 'yong walang panty, pero salamat sa shorts mo na maluwag."

"Anytime. Nag enjoy ako na kasama ka, newbie Werewolf."

Gusto ko sana kiligin sa sinabi ni Traevon, kaso mabilis ko inisip na ikakasal na pala ang lalaking ito. Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko si Traevon na iligpit ang kanyang mga gamit. Darating daw ang kaibigan niya na gagamit ang teleportation ability para ihatid ako sa bayan.

"Alpha boy, invite mo ko sa kasal mo ah?" sabi ko kay Traevon habang nakaharap sa palubog na araw.

"Wala pa ako balak magpakasal. I'm immortal. Maybe after thousands of years."

"Does it mean immortal na din ako?"

"Hindi ka nakikinig sa itinuro ko sa'yo. Werewolves aging process is slow. Well yes, we are considered immortal as we have healing ability but we can still be killed. If your heart was taken out of your chest or if you are decapitated, you will surely die."

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang biglang lumingon si Traevon sa likuran. Mukhang dumating na ang kanyang friend na may teleportation ability.

"Good afternoon, Your Highness. Where is our next destination---"

Napatigil ang lalaki nang humarap ako sa kanya. Kitang kita sa mukha nito ang gulat. Siguro dahil hindi ako masyadong nakasuklay o dahil suot ko ang shirt at shorts ni Traevon na may kasamang blanket.

O baka sadyang nakakatakot ang histura ko?

"Polaris, this is my new found friend, Caelen---"

"Caelen San Rafael."

Napatingin ako kay Traevon dahil mukhang kilala ako ng lalaking si Polaris Grayson, ang Direct Heir ng Grayson family. Tulad ni Traevon, mukhang foreigner ang lalaking ito at malaki din ang katawan.

"You already know each other?" naka-kunot na tanong ni Traevon sa kanya.

"Uhmm no. You mentioned her last name to me. Pleasure to meet you, new friend. Shall we go now?"

Tinulungan ni Polaris si Traevon sa kanyang mga gamit. Nang sinabi ko na handa na ako ay hinawakan kami ni Polaris sa aming mga balikat. Sa isang kisap mata ay nasa harapan na agad ako ng bahay ni Sir Joe.

"Dito ka nakatira?" tanong ni Polaris.

"Parang ganun na nga. Pasok muna kayo. May cake ako sa ref, baka gusto niyo?"

Mukhang alanganin pumasok si Polaris pero dahil nauna na sa kanya si Traevon ay sumunod na din ito sa loob ng bahay ni Sir Joe.

Teach Me How To AlphaWhere stories live. Discover now