"K. Bye..." I shrugged and was about to pull the trigger but I failed when someone pulled my arms to the other direction the reason why I accidentally pulled the trigger.

Natigilan ako nang nakita kung kanino ito tumama at lumingon sa kaisa-isang taong humila sa braso at kamay ko.

Calla.

I am expecting her to stop me from shooting Lordcan dahil alam kong mahal niya si Lordcan pero hindi ko inaasahang may madadamay dito.

Mariin akong papapikit nang nakita ang pagbagsak ng katawan ni David sa sahig habang nakahawak sa tiyan niyang dumurugo.

I remembered his name. It's David. Ang kasintahan ni Kara.

I was back in my mind when Calla tried to steal the gun from my grip. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa baril upang 'di makuha ni Calla.

"Bitch!" singhal niya sa'kin at sinubukan niya pa nga akong saktan sa paraan ng pagsipa pero 'di niya nagawa nang itinulak ko ang baril sa mukha niya.

"Oh! Sa'yong-sa'yo na!" sabay diin ng baril sa pisngi niya habang pareho kaming nakahawak dito. "Kung gusto mo, kainin mo pa."

Hinihila niya kasi e. Kaya pinaubaya ko na sa kanya pero 'di ko pa rin binibitiwan ang baril.

Mabilis kaming pinaghiwalay ng mga kalalakihang nandito. Walang kaeffort-effort na kinuha ni Villazardo ang baril mula sa mga kamay namin at ibinigay ito kay Lordcan.

"Ilibing niyo ang mga bangkay," sa unang pagkakataon ay narinig ko ang malamig na boses ni Lordcan. "Ibalik niyo si Calla sa mansyon at tumawag kayo ng doktor upang patignan siya," walang kaemo-emosyong utos nito sa mga opisyales na nakahawak sa braso ni Calla na siyang naghiwalay sa'min.

I saw how Calla wickedly smiled at me.

Ano naman ngayon kung may malasakit sa kanya si Lordcan? As if naman totoo 'yon.

Lordcan shifted his look from Calla to me.

"Talian niyo at ipasok sa kotse ko," ang tangi'ng inutos niya kina Gordon na walang nagawa kung 'di ang tumango at sumunod sa utos ng nakakataas sa kanila. "Tomorrow at 12am, officials must be in the conference room for a meeting and discussion about this. Decide what will be her punishment."

Mas lalong lumapad ang ngisi ni Calla  na halos magkamukha na sila ng Cheshire cat ng Alice in the Wonderland.

Lordcan expressionlessly turned his back and walked out of the room but before he left may huling sinabi siya.

"I'll be in my car within fifteen minutes."

Nang nakalabas na si Lordcan ay mabilis akong hinila ng tatlo patungo sa isang kulay itim na sofa kung saan sila nakaupo noon. Pinaupo nila ako sa sofa at nagsimula nang asikasuhin ang inutos ni Lordcan sa kanila. Calla left with the officials at si Villazardo naman ay sumunod kay Lordcan. May iilang opisyales na nanatili rito at inasikaso ang tatlong bangkay.

"Lubid!"

"Gordon, tignan mo nga roon. Baka may lubid."

"Inuutusan mo ba ako?"

Hindi ko na pinakinggan ang pagtatalo ng tatlo nang nakita ko ang isang opisyales na tinakpan ng telang kulay itim ang duguang katawan ng dad ko.

Kahit nagsinungaling siya sa'kin ay tinuring niya pa rin akong parang totoong anak niya. Pero bakit ganito? Sa sobrang sakit ng pagkawala niya ay halos wala na akong maramdaman pa. Wala rin namang tumutulong luha mula sa mga mata ko.

Hindi ibig sabihin ng hindi ako umiiyak ay hindi na talaga ako nasasaktan. Mas doble pa 'yong naramdaman kong sakit dahil di ko mailabas ito kahit sa paraan ng pag-iyak lamang.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now