Leaves 1

23 5 15
                                    

Humanda ka sa akin sa susunod, Rise! Makikita mo! Saka FYI ha! Hindi ko na 'yung boyfriend!" Singhal ko at padabog na sinara ang pinto. Nagtaklob ako ng unan matapos na dumapa dahil sa malakas niyang pagtawa at paulit-ulit na pagbanggit sa pangalan ng ex-boyfriend ko na malansa ang ugali.

Umilaw ang cellphone sa side table ko at nagchat si Empress.

Paalala ko lang ha. Agahan mo. Iiwan kita kapag sinundo kita tapos bagong gising ka palang.
-Message from Empress

Pinusuan ko ang sinabi niya kaya ang ginawa kong unang step ay mag-alarm sa cellphone at i-set ang aking alarm clock. Then, ihanda ang mga gamit. Lalong-lalo na huwag kalimutan ang tubig dahil ubuhin pa naman ako.

Bago ako pumunta ng kusina ay inayos ko ang mga canvas ng painting na ginamit ko kahapon. Dahil sa pagkadismaya ko sa sariling gawa ay hindi ko nagawang ayusin ito. Hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood lately para magpaint. Mabigat ang pakiramdam ko kahit nakamove on na ko sa break up.

Alas singko ng hapon ay saka ko naisipan na magluto ng hapunan ng matapos ako sa sarili kong ginagawa-sinigang na hipon at pritong manok ang niluto ko. Naghila ng upuan si Rise na katapat ng aking pwesto at iniabot ang isang box na may cover. Kumunot ang noo ko habang nagsasandok ng kanin.

"Para saan yan?" Tanong ko sa kanya at nagsalubong ang aking kilay. Nakangiti siya.

"Advance gift ko sayo, Ate. Aalis kasi ako sa isang araw kaya inagahan ko ang pagbibigay." Ano naman kayang regalo niya sa akin ngayong taon? Last year ang bigay niya sa akin ay isang keychain na may pangalan ko. Nandon pa rin iyon sa drawer ko at buong-buo pa.

Kahit madalas niya akong asarin tungkol sa maraming bagay ay hindi namin nalilimutan ang pagbibigay ng regalo sa isa't-isa. "Kung kailan debut ko saka ka naman aalis."

Napag-usapan naming pamilya na hindi engrande ang handa ko sa nalalapit kong eighteenth birthday. Bukod sa nag-aaral kami ng kapatid ko ay ayoko ng madagdagan pa ang gastusin. Nu'ng una gusto ni Mama ng engrande pero ako na mismo ang umayaw. Kahit pa once in a life time ang debut, hindi naman ako mahilig sa mga party.

"Wala ka naman pa-party, Ate. Saka napag-usapan na natin yun. Aalis ako dahil kasali ako sa tatlong araw na boot camp ng school namin."

"O sige na. Mahalaga naalala mo 'yung birthday ko." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ito siguro ang advantage ng malapit lang ang edad sa kapatid. Mas madaling magkaintindihan sa mga bagay.

Hindi na namin inintay sina Mama at Papa dahil nagtext sila sa akin na gagabihin sila. Bago matulog ay same routine-naglinis ng katawan at nagdasal. Kinuha ko ang regalo ni Rise na nakapatong sa study table ko.

Kinuhanan ko muna ng litrato bilang remembrance saka ito binuksan. Isang picture frame ito na may kasamang lumang papel na halatang DIY. Napangiti ako dahil mukhang pinaghirapan ng kapatid ko ang magsunog ng papel.

Happy Birthday, Ate. Binili ko yan sa isang Museum na pinuntahan namin last month. Sana magustuhan mo. Alam ko mahilig ka sa paintings kaya naisip ko baka maappreciate mo ang history sa pamamagitan nito.
-Nagmamahal,
Rise(Ang gwapo mong kapatid)

Tinitigan ko ang isang larawan ng Datu kasama ang isang babaeng nakayakp sa kanya. Tinitigan ko siya at parang nakatitig siya sa mga mata ko. Pamilyar ang mga matang iyon. Siguro kamukha niya lang 'yung sa mga foreign dramas na napanood ko.

Hinila ko ang isang upuan at dinikit iyon sa tapat ng higaan ko. Tinitigan kong maigi iyon. Buti naman at balanse ang lagay ko. Humiga na ko at inayos ang aking unan saka nagdasal na sana hindi ako malate bukas.

Alasais ng gumising ako para kumain. Tamad na tamad ako dahil hindi ako interesado sa pupuntahan namin ngayong araw. Malapit lang naman ang ancestral house na iyon-ilang ikot mula rito sa bahay ay nandoon na ko. Sampung minuto ang biyahe mula rito papunta doon.

Kahit malapit ang bahay na iyon mula rito ay hindi ako sumama kay Rise ng minsan siyang dumalaw roon. Mas gugustuhin ko pang manood ng mga sci-fiction dramas at magpaint.

"Sinag!" Sigaw ni Empress matapos magdoor bell.

Nagmadali akong isukbit ang aking bag at hindi nagawang magpaalam kay Mama dahil inaasikaso niya ang uniporme ni Papa na hindi pa plantsado. "Aalis na po ako, Pa." Nagmano ako kay Papa habang nagbabasa ng dyaryo.

"Baka maiwan mo 'yung baon mo." Kumuha siya ng pera sa kanyang bulsa. Ngumiti ako ng malawak ng may sobra sa binigay niya.

"Salamat, Pa!" Ang singkit niyang mga mata ay mas lalong sumingkit ng ngumiti siya.

Nang lumabas ako ay tumambad sa akin ang kaibigan kong litaw na litaw ang pulang lipstick. Kumaway siya at tinaasan ako ng isang kilay. Nakuha ko ang punto niya. "Maganda ang drawing ng kilay mo 'wag kang mag-alala."

Patakbo kaming pumunta sa paradahan ng tricycle para pumunta sa school. Balak ko sanang umuna ako sa mga kaklase ko sa pupuntahan namin para makamura ng pamasahe pero hindi ako pinayagan ng teacher namin. Nang bumaba kami ay marami ng estudyante.

Kanya-kanyang pila sa bus bawat section. Pagandahan ng kilay ang bawat isa at hindi papahuli ang kanilang mga labi na matitingkad ang kulay dahil sa lipstick. Lahat ay excited dahil sa mini trip na ito pwera lang sa akin. Wala naman kaming gagawin kung hindi ang makinig sa mga nag gu-guide sa amin kagaya ng dati.

Mas masaya sana kung sa malayo kaming lugar pupunta. "Ang gwapo talaga niya." Napalingon ako sa sinasabing lalaki ni Empress. Nagkatinginan kaming dalawa. Pamilyar ang; itim niyang mga mata na bahagyang bilugan, ang ilong niyang hindi gaanong katangos at ang labi niyang natural na mapula parang may kamukha siya pero hindi ko maisip kung sino.

Magulo ang kanyang buhok at mukhang kadarating lang kagaya namin. Hindi man gano'n kaputi ang kanyang kulay ay litaw ang kagwapuhan niya sa lahat ng mga estudyante."Feeling ko lang ikaw ang tinitigan niya." Aniya Empress saka ngumuso.

"Sa'yo siya nakatitig." Bumaling ako sa class president namin na tinatawag ang isa-isa ang aming pangalan.

"Maria Empress Caruel." Pagbasa niya sa pangalan ng kaibigan ko na nakasulat sa isang bond paper. Tumaas ng kamay si Empress. "Present, ako Mister President!"

Hinila ko si Empress upang sumakay ng jeep. Ayoko pa naman sa gitnang parte nito dahil sa akin iyon ang pinakamasikip. "Chance mo na sanang magkalove life kung hindi ka pabebe girl. Saka makamove on sa ex mong manloloko." Sambit nito habang pinagmamasdan ang bago niyang nail polish na mga daliri.

Leaves On WinterWhere stories live. Discover now