Purpose

121 1 0
                                    

"101 Ways of Break Ups"

Alam mo ba kung bakit tayo nabuhay? Natural Process, through Surrogate or Artificial process, normal deliveration or cesarean process yung mga paraan kung paano tayo nasisilang, pero kaya tayo nabuhay dahil sa PURPOSE naten sa buhay. Tatlong bagay lang yan

Una, ay ang masaktan ka at madapa. Oo, masaktan para matuto, para maging matatag at para hindi sumuko. Madapa, para matutong tumayo ulit sa kahit anong problema, tawanan mo lang. Para matuto tayo ng isang bagay, yun ay 'yong hindi tayo pwedeng laging nananalo, o nakatayo.

Pangalawa, Magbigay inspirasyon at maging isang modelo sa kabataan. Oo, tama inspirasyon, lahat tayo meron n'yan hindi pwedeng mawala yan, dahil naging bahagi na ng buhay natin yan. Modelo, oo dapat maging modelo tayo, hindi yung naglalakad sa mga runway pero sa tamang daan, "right path" ba. Hindi kase pwedeng ikaw lang ang nakakaintinde, dahil may nakapalibot sa'yo. Old saying goes 'No man is an island'

Pangatlo, 'yon ay yung maging isang mabuting ehemplo ng bayan, maging isang disipulo ng panginoon. Ehemplo, hindi 'yung sa mga trabaho, kung hindi sa bayan, hindi ka man nakakatulong pinansiyal, nakakatulong ka naman sa pisikal. Lahat tayo may pananaw sa buhay, lalo na kung disipulo ka. Lahat meron ka kung nasa'yo at tanggap mo ng buong buo ang panginoon. 'Faith is better than Beauty and Brain'

Pero, paano po kung sa relasyon?

May bahagi din yan, lahat ng bagay may proseso, lahat ng bagay may kapalit, at lahat ng bagay pwedeng maging permanente o hindi. Isa lang ang tiyak diyan, pagmamahal ni LORD

May tatlong uri ng purpose ang mga kabataan kapag sa relasyon, oo, mga kabataan muna, mamaya yung sa mga matatanda or adolescent stage.

Una, study first. Yan yung madalas sabihin ng kabataan ngayon pero hindi napapanindigan, parang kasabihan lang sakanila. walang gawa, meron konte pero mas marame parin ang pag d'dota, pag'cchicks o ano pa man. Pero bilib ako sa mga taong kapag sinabe ang isang salita, ginagawa, sinasapuso

Pangalawa, ayaw ng parents kaya aayusin ang buhay, at manakit ng kapwa Literal yan, literal na aayusin ang buhay sa una pero sa huli, mananakit pa'ren. Lahat tayo nakakasaaket, hindi lang natin alam kase hindi natin nakikita, at hindi natin narirrinig. 'Abillity to hear things clearly, is a gift but ability to heart someone is a way of being suave, discrimination and offensives'

Pangatlo, maging isang mabuting kaibigan, kapatid, kalaro, kasama, kasalo, kapamilya, kapuso, pinsan, pamangkin, anak, ka-ibigan o magbibigay ng daan. Oo, yan ang pinakamagandang reason ng kabataan, yan yung nagpapakita ng tunay na pagmamahal, kase? may gusto siyang matupad at mangyare, kung nagawa man niya yan. Congratz sa'yo na minahal niya, isa siyang mabuting tao na may puso, salita at gawa. PERO, pero magbigay daan, maaring sa kahirapan, kasiyahan o kalungkutan. Tutulungan ka sa pera, pero hindi sa nararamdaman. Tutulungan sa kasiyahan, gimikan man o libutan pero hindi sa nararamdaman. Sa kalungkutan, tutulungan ka niyan pero, handa ka bang masaktan? Kase sa mga lalake isa lang ang ibig sabihin ng Love. 'Letting go of someone is the best showing way of love' hindi lahat pero halos.

Ganyan, ganyan ang mga kabataan ngayon, sa mga adolescent namen. Syempre, tatlong dahilan din iyan. Mas mahirap ang mga sakanila

Una, gustong patunayan muna ang sarili sa pamilya, sarili at sa kasintahan kaya naman ay nadadala sa Cool off, M.U or Break Up. Sila yung mga taong gustong may makamit sa buhay, gustong magkaroon ng pangarap at ambisyon, sila yung mga taong handang isakripisyo ang minamahal para sa sarili pero nagiging bahagi ng buhay ng iba. Sila yung mga tao kung tawagin ko ay 'Love or Dream, ah i don't care'

Pangalawa, gusto o kailangan ng space. Oo, space hindi sa kalawakan, kundi space na lugar na oras na pagkakataon. Kailangan ng space kase

a. pwedeng nasasakal na sa pagmamahal mo

b. nasasakal na sa pagiging protective moo

c. nasasakal sa pagiging obssessed mo

d. nagsasawa sa pinapakita mo, at kailangan may baguhin

e. nawalan na ng oras sa'yo

or mas mahirap ay

f. hindi kana mahal

Ganyan talaga kapag nasa relasyon kana, mahirap ng bawiin kung ano ang nagawa at mahirap ng gawin tama ang mali, ibalik ang tiwala

Huli, setting you free. yan yung madalas gawin ng mga kabataan pati pala mga matatanda. Setting someone free may make you feel better or worst. Minsan kase kaya ka niya pinapaalis kase mahal ka niya, at ayaw niyang nasasaktan ka sakanya, selos o ano pa man. Ayaw niyang makitang hindi ka masaya sakanya, ayaw niyang maging isang rebound or ayaw ka na niya. Maraming dahilan ang pwedeng sabihin sa love. Pero kung kayo talaga, kayo talaga

Yan yung mga purpose ng tao, ng mga nagmamahalan, it's either tatanggapin mo or pakakawalan mo. Love is an open door ika nga nila, kaya kahit ano pwedeng pumasok diyan, pangloloko, pananakit, pangaabuso, pangseselos, o pagmamahal

Kung ikaw ang tatanungin, ano ba ang purpose mo sa buhay mo? Ikaw lang makakasagot niyan, basta tandaan 'Kung talagang mahal niyo ang isa't isa, kayo at kayo at walang magbabago, may bagyo, kidlat, unos, o ano pa man magiging matatag parin kayo lalo na kapag si GOD ang center niyo'


GODBLESS!

#TEAMJESUS



101 Ways of Break UpsWhere stories live. Discover now