EIGHT: DEEP DARKNESS

Start from the beginning
                                    





FOREST OF BENNU: 1495





"Erebus! Erebus! Nasaan ka?" Halos madapa sa pag takbo si Pandora, ilang ugat at sangga ng puno ang na aapakan nya.


Pinadala sila ng Black University para sa isang misyon, ngunit isang linggo na ang lumipas ay hindi pa nakakabalik ang grupo, nasa kakahuyan sila malayo sa bayan ng Sapphiro, Isa sa grupo ang pinabalik nila sa bayan upang ipaalam ang nangyayare, nag hiwahiwalay si upang mahanap Si Erebus, ang leader ng grupo ngunit sya ang dahilan kung bakit hindi makaalis ang grupo sa kagubatan ng Bennu kung saan ang maalamat na ibon ay matatagpuan.


Ang Phoenix, na ipinag aalala ni Pandora. Madalas ikwento sa kanya ni Erebus na nagaganip ito ng isang malaking pulang ibon, At isang beses ay nakita ni Pandora sa vision nya ang pag sasanib ng kadiliman at ng apoy. Isang bagay na bumagabag sa kanya, Isa sa gift ni Pandora ang makita ang future ngunit hindi pa sya msyadong bihasa sa pag gamit nito kaya naman na guguluhan sya sa mga pinapakita sa kanya.


Si Erebus ay may gift of Life and Death Manipulation, At sa tingin ni Pandora ay kailangan ng Phoenix si Erebus dahil sa gift nito, ang pag kontrol sa buhay at kamatayan. Lalo pang nakadagdag sa pag aalala nya ang kagustuhan ni Erebus na mas maging malakas pa.


Madalas nila pag talunan ang tungkol sa bagay na yun. Dinadaan na lamang ni Erebus sa biro ang diskosyunan nila, at wala naman ibang magawa si Pandora kundi ang pabayaan na lamang kesa mag away pa lalo sila, Kung alam nya lamang na hahantong sa ganito, sana ay nakagawa sya agad ng hakbang.


Mabilis ang tibok ng puso ni Pandora, naririnig nya ang tibok ng puso nya, wala syang ibang naririnig kundi yun at ang pag habol nya sa kanyang hininga. Natigilan sya ng maramdaman ang kakaibang pressence ilang metro lamang ang layo mula sa kinatatayuan nya.


"Erebus?" Sigurado syang si Erebus ang na se-sense nya, ngunit may kakaiba pang pressence ang naroon.


"Pandora! Sumama ka sa akin!" Pinaghalong malalim na boses at boses ni Erebus ang kanyang naririnig, napaatras sya ng isang hakbang. Her hands were clasped together infront of her chest.


"Sino ka! Anong ginawa mo kay Erebus?!" Sigaw nya. Ramdam nya ang pag taas ng balahibo nya na lalo nyang kinatatakot.


"Ako ito Pandora" Tumawa ng mababaw ang lalaki, "Sumama ka na sa akin, Magkakasama na tayo at wala ng mang aapi pa sayo" Dagdag nito, ngunit walang emosyon na maramdaman si Pandora mula sa boses nito


"Hindi ako sasama sayo" Napaatras muli si Pandora ngunit natigilan sya ng maramdaman na Isang malaking puno pala ang nasa kanyang likuran


"Sumama ka na, ganoon din naman. Ke-kelanganin ko ang kapangyarihan ng isang gaya mo" Mababaw ulit itong tumawa.


"Anong ibig mo sabihin?" She tried to look brave pero ramdam nya ang panginginig ng tuhod nya

Pandora University: School for Gifted TeensWhere stories live. Discover now