EIGHT: DEEP DARKNESS

Start from the beginning
                                    


Pandora's eyebrows raised ng hinawakan ni Erebus ang kamay nya, Naramdam nya ang kakaibang kuryente sa katawan nya, na lagi nyang nararamdaman tuwing hinahawakan sya nito o kahit masanggi lamang sya. Marahan nitong itinaas patungo sa mukha nito ang kamay nya.


"Basahin mo" Erebus stared at the girl infront of her, His smile never fades.


Tuwing gusto makita ni Pandora ang mga bagay na nakikita ni Erebus lage nyang pinababasa dito ang laman ng utak nya, Ng mga panahong yun hindi pa kaya ni Pandora ang mag basa ng isip ng tao ng walang permiso mula rito. Ngunit kaya nyang kausapin ito gamit ang utak nya, hindi nya nga lamang makita kung ano ang nakikita ng isang tao sa isipan nito.


She smiled gently ng makita ang malawak na kalangitan na puno ng kulay asul at mga ulap na iba't iba ang hugis, mga puno na akala mo ay mga nakapila pababa sa bayan na puno ng mga bahay, akala mo ay mga langgam lamang ang mga nakatira dahil sa liit nila, May mga puting ibon ang lumilipad sa langit at ang ilan ay grupo grupo pa. Tahimik na nakatitig lamang si Erebus kay Pandora, pinanuod nya ang bawat pag babago ng emosyon nito sa kung ano man ang nakikita sa loob ng utak nya.


"Napaka-ganda pa din talaga ng sapphiro" Pandora sighed in awe bago marahang ibinaba ang kamay nya.


"May ibibigay ako sayo" Sabi ni Erebus na ngayon ay may kinukuha mula sa pocket ng pants nya


Pandora's eyebrows raised ng maramdaman ang malambot na bagay na dumikit sa mga mata nya


"Ano ito?" She mumbled touching her eyes


"Tela, para takpan ang mga mata mo" He answered habang itinatali sa likod ng ulo nito ang telang kulay purple, upang hindi matanggal.


"Para saan pa at naka-blindfold ako? Hindi naman talaga ako nakakakita" She frowned


"Mas maayos tignan pag ganito, hindi ka na aasarin ng mga bata sa bayan" Sagot ni Erebus, tinitigan nya ng nakangiti si Pandora na parang kontento na sya sa nakikita, Mag kababata sila kaya naman sanay na si Erebus sa itsura ni Pandora, hindi kagaya ng iba na weirdo ang tingin sa kanya, madalas ma-bully si Pandora at si Erebus lagi ang kanyang tiga pag tanggol, Para kay Erebus ay maganda na si Pandora, para sa kanya si Pandora ang pinaka magandang nilalang na nakita nya, Makulit si Pandora pag sila lamang dalawa ngunit napaka-mahiyain at tahimik nito kapag may ibang tao sa paligid, dahil na din sa kawalan nito ng paningin.


"Salamat Erebus" Nakangiting sabi ni Pandora habang nakahawak ang dalawa nitong kamay sa mag kabilang parte ng kanyag mata, .


"Kahit ano Pandora, alam mo namang hindi ako papayag na may manakit sayo" Nakangiting sabi ni Erebus habang nakahawak sa magkabilang braso ni Pandora.






----------------------------


Pandora University: School for Gifted TeensWhere stories live. Discover now