CHAPTER 1 - FIRST GLANCE

1.2K 29 26
                                    

Author's note: First time trying to write a Wattpad story so please bear with me guys! (HAHA). JaDine inspired love story. I hope you guys like it!

----------------------------

NADINE'S POV

"Gumising ka na Nadine! Malelate ka nanaman niyan sa trabaho. Nakailang memo ka na ba sa boss mo ha?" Sigaw ni mama sa labas ng kwarto.

"Eto na ma, babangon na"

Bakit kasi ang bilis ng weekend. Parang Sabado lang kahapon tapos Lunes na agad ngayon? Hay. Gusto ko pa matulog. Mahal na mahal ko ang kama ko kapag ganitong oras eh. Hindi ako makaalis, hindi ako makabangon. Tayo nalang forveve... ay wait, 10 minutes nalang at late ko siguradong masisigawan nanaman ako ni boss nito.

Ako nga pala si Nadine Lacsamana, tama lang ang takad, medyo mahaba ang buhok, twenty years old. Bata pa diba? Haha. Simple lang ang gusto ko sa buhay, ang maging masaya. Masaya kasama ang pamilya, kaibigan, at yung mga taong nagmamahal sa akin. Nagpapart-time din ako sa isang coffee shop para kahit papano, nakakatulong ako kila mama at papa sa mga gastos ko sa school. Graduating na din kasi ako this year sa college.

Pagdating ko sa coffee shop, good thing wala pa si boss at ang best friend ko na si Cathy ang agad kong nakita.

Si Cathy pala ay matagal ko nang kaibigan. Since kinder eh magkalaro na kami, parehas din kami ng school nung elementary, high school, at ngayong college. Hindi na talaga kami naghiwalay dahil kahit pati pamilya namin mismo ay sobrang close narin.

Ang sarap kaya sa feeling kapag may kaibigan kang katulad niya. Isa siya sa mga taong laging nandyan sa tabi ko kapag kailangan ko ng makakausap.

"Hoy girl, ano bang ginagawa mo diyan at tinititigan mo lang ako? Tara dito tulungan mo ako, ilang minutes nalang magbubukas na tayo. Absent daw si Boss Vic today eh, kakatawag lang niya kanina" sabi ni Cathy habang inaayos ang mga cups.

Biglang bumukas ang pinto ng store at sabay kaming napatingin ni Cathy. "Closed" pa ang nalagay kong sign sa may pinto ah. Bakit may pumasok na? At napatingin ako kay Cathy na tili hindi makapagsalita.

"Ano ba Cathy, umayos ka nga. Bakit nakatulala ka dyan?"

"Excuse me? I would like to order a cappuccino please, venti, and to go. I'm in a hurry, so could you make it a little faster? Thanks." sabi ng lalaking pumasok sa pinto. Nagulat ako at biglang nasa harapan na pala siya ng counter.

"Good morning, Sir! One cappuccino, venti. Would you like to add some pastries?" ang sagot ko sakanya.

"No it's okay."

"Okay sir, 185php nalang po for the coffee. And your name for the cup?"

"James"

-----------

Lunch Time

Biglang dagsaan ang mga tao kanina pagkabukas ng coffee shop. Tapos dalawa lang kami ni Cathy. Umaga palang pagod na ko. Mamaya pa kasi yung shift ng dalawa naming kasama. Pero kailangan magtrabaho, kaya ko 'to. Kaya mo yan, Nadine.

"Cathy, okay ka lang? Bakit hindi ka makapagsalita kanina nung dumating yung lalaking medyo masungit?" tanong ko sakanya habang kumakain

"Hindi mo ba siya kilala... siya si James. University Student Council officer, first honor in the whole school, mayaman, matalino, mabait, gwapo. Hay, nasakanya na ang lahat" sagot ni Cathy

Mabait? Totoo ba?

"You mean sa school? Bakit hindi ko siya kilala? Hay, wala naman akong paki-alam sa mga ganyan"

"Eh kasi naman girl, wala ka ng social life. Puro ka nalang aral - uwi - aral - uwi. Kung wala ka sa school, nandito ka naman sa coffee shop. Paano mo niyan makikilala si future boyfriend mo? Hindi ka pa nga nagkakaboyfriend kahit minsan eh"

"Alam mo naman na kailangan ako sa bahay ngayon simula ng magkasakit si papa. At lovelife? Hindi ko kailangan yan. Masaya naman ako kahit walang boyfriend"

"Hay, friend. Alam mo namang ayaw kitang masyadong nalulungkot kaya dapat minsan eh lumalabas tayo. Mamaya may meeting sa org ha, wag kang mawawala dun"

"Oo na, ilang beses mo na bang sinasabi sakin yan kahapon"

"Great! Makikita natin si James, a.k.a, "MR. DREAM GUY"

(To be continued)

My Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now