Compiled Stories 22

45 0 0
                                    


Ang Sarili Naming Bahay

Taong 2014, ang aking magulang ay nakabili ng sarili naming lupa't bahay sa isang subdivision sa Imus, Cavite. Nangungupahan lang kasi kami sa isang lugar sa Maynila na kung saan ay talamak ang bentahan ng mga medical supplies.

Simple at maliit lang ang bahay namin sa Cavite ngunit sabi ng karamihan ay nilabag namin ang ilang pamahiin na maaring pasukin ng mga hindi kanais-nais na ligaw na kaluluwa pero hindi namin ito pinansin dahil hindi naman naniniwala ang lolo ko sa mga ganyang pamahiin.

Walang tumatao sa bahay namin kasi lahat kami ay nagtatrabaho sa Maynila, umuuwi lang kami doon kapag may okasyon lang or kapag may pagkakataon kami na makapagbakasyon dun. Sa madaling salita ay isa o dalawang beses sa isang buwan lang nagkakaroon ng tao don.

Pebrero 26, 2021, Biyernes. Ala-sais na ng gabi, palubog na ang araw at pausbong na ang dilim sa paligid habang ang ibang tao ay may saya sa kanilang mga mukha na nagmamadaling umuwi sa kanilang mga tahanan (syempre sahod tapos walang pasok ng Sat and Sun).Kung saan magtatagpo kami ng aking kasintahan sa kahabaan ng Pedro Gil para pumunta sa aming bahay sa Cavite. Lubos na pagtitiwala ng aking magulang samin dalawa ng aking kasintahan lalo na sa pagbabantay at paglilinis ng bahay kaya kami dalawa ang pinapunta muna dun.

Pagkarating namin sa bahay ay agad kami naglinis para kahit papaano ay mabawasan ang aming Gawain kahit kami ay pagod sa biyahe. Pagkatapos maglinis ay kumain kami at nanood ng TV upang magpaantok ngunit ang Saya na bumalot samin ay pinalitan ng malungkot at nakakatakot na Pangyayari.

Alas-Dose nang Hatinggabi ay nagpahinga na kami sa isang kwarto sa ikalawang palapag, Naunang natulog ang aking kasintahan habang ako ay gising pa na tinitignan matulog ang aking kasintahan. Pumapatak ang oras ay bigla nalang ako inantok at di ko namalayan na ako ay nakatulog.

Walang ingay ako naririnig tila ba nakakabingi ang tahimik na kapaligiran kung saan biglang lumitaw sa aking harapan ang isang babaeng mahaba ang buhok at nakakatakot na mukha (Kamukha ni Lucia Joaquin). Ang ngiti niya na dapat ay Masaya ay nagbigay sakin ng nakakatakot na pakiramdam (Killer Smile). Lima hanggang sampung Segundo siya nakapatong at nakalutang sa harapan ko.

Hindi ko alam kung panaginip, bangungot o totoo ang nakita ko dahil pagkasigaw ko ay bigla nalang siya naglaho at tumingin ako sa orasan ay 12:30 am pa lang ng hatinggabi, halos sigaw ako ng sigaw sa takot habang nagising ang kasintahan ko na nakita niya nakatulala ako sa takot, nanginginig, nanlalamig at di mapakali.

Sinubukan naming magdasal ngunit di ko makumpleto ang aking dasal para ba may pumipigil samin lalo na yung bibigkasin ko yung dasal na AMA NAMIN. Hindi kami natulog dalawa dahil iniisip ko baka mangyari ulit at sapian na isa samin.

Ginawa namin ay nagpatugtog kami ng WORSHIP SONGS hanggang 6am ng umaga at bumaba kami para buksan ang ilaw. Nanood din kami ng BIBLE EXPOSITION ngunit habang ako ay nanonood ay naririnig ko may gumagawang ingay sa ikalawang palapag na kung saan kami natulog. Pagsulyap ng umaga ay agad kami nagayos para umuwi na sa Maynila.Ang dapat na bakasyon at pahinga namin ay nauwi sa takot na naging trauma sa amin sa bahay na yun ngunit kahit may ganon pa pangyayari ay babalik pa din kami dahil sarili naming bahay yun.

Mr. Tender

Hotel in Makati

Hi I'm an avid reader here on spookify I just wanna share my story about what happened last year October 2020.

Bata palang po ako nakakakita na ako ng mga multo, naamoy ko rin sila at napapanaginipan kaso lately hindi na I think it's because of what I did bago pumunta ng manila.

Naalala ko summer noon sa amin Mainit ang paligid at masarap ang simoy ng hangin. Kabado ako kase papalapit na ang pasukan at baka madala ko yung kakayahan ko sa pag punta ko sa Manila. Natatakot na kase college student na ako ayoko na dumagdag pa iyon sa stress ko. Ayoko na makakita andon, natatakot ako sa itsura nila, minsan nag sleep walking nako, minsan binibulungan ako ng ghost na nasa bahay namin ng latin which is infestation, tapos nakakaamoy ako ng mabaho pag andyan Sila. Natatakot narin ako sa mga panaginip ko. I Google how to make it stop but the google brought me to God. I pray and then after one week parang magic na nawala lahat ng kakayahan ko makakita at makaamoy ng multo. So here's one of the story na gumana ulit ang kakayahan habang nasa Manila na ako.

Haunted Houses 2Where stories live. Discover now