Creepy !

346K 7.1K 2.1K
                                    

Hi I am Bree Sanchez. Third year college and BS Information Technology student. Hindi ako mayaman pero hindi naman ako yung hirap na hirap nasa buhay, saktuhan lang !

At ang malala wala parin akong nagiging boyfriend.

Hindi ako desperada !

Gusto ko lang maexperience na may boyfriend this college na kagaya nila na may naghahatid-sundo at may kadate sila after class.

Hindi ako panget ! Marami din naman akong suitors pero wala ni isa sa kanila na nafall ako. Ya ! Oo may pagka choosy ako !

Ewan ko ba ! bigla ko na lang nafeel na gusto ko ng magkaboyfriend. Matagal ko kasing iniwasan ang paglalovelife kasi puro pag-aaral ang nasa isip ko.

Hindi ako yung totally na smarty !

Tama lang ! Meron akong good but not so high grades. Hanggang sa napansin ko na lang na third year na pala ako at isang taon na lang gragraduate na ako.

Tapos NBSB parin ako ? Posa naman oh !

Samantalang yung mga friends ko nakailang relationships na tapos ako still single ? WTF !

So ayun, lagi kaming nag boboys hunting ngayon ng mga friends kong girls, mga single narin kasi sila ngayon.

Sabi na eh ! Walang forever ! Haha

Pero syempre kung mag boboyfriend man ako syempre doon sa taong love ko talaga no !

"Hoy freak tara na tulala ka pa dyan !" sabi sabay batok sa akin ni Alex.

So nag day dream pala ako.

"Aray makabatok !" tapos binatukan ko din siya.

"Anu ba mga freaks bilis ! Mag boys hunting na tayo !" sigaw ni Zackie na nasa pintuan na ng room.

So kailangan isigaw ? Nakakahiya kaya !

Nasa bago kaming mall ngayon na wala pang one month na nagbubukas at nakaupo sa may food court.

"Wala parin akong nakikitang pogi" sabi ni Zackie habang nakapout, si Alex naman humihikab na sa tabi ko.

"Mabuti pa mag movie na lang tayo baka may pogi pa dun" aya ni Zackie tapos tumayo.

"Mabuti pa nga" sagot ni Alex kaya tumayo na rin ako at sinuot yung bag ko.

Nasa tapat kami ngayon ng cinema habang naghihintay kay Alex na bumibili ng ticket.

"Look Bree ayun pogi oh !" sabi ni Zackie sabay turo sa guy kaya tinignan ko.

Paglapit nung guy.

"Ay hindi pala pogi, sa malayo lang" sabi ni Zackie sabay baba ng kamay niya.

"Sabi ko kay kuya eh wag lalapit para pogi siya" sabi ko tapos nagtawanan kaming dalawa.

Adik talaga tong si Zackie, kanina pa to turo ng turo ng kung sino-sinong lalaki. Actually nga siya tong pasimuno ng boys hunting na ito eh at nadamay lang kami ni Alex. One year na kasi siyang single at gusto na niyang magkaboyfriend.

Si Alex naman matagal na ding wala, sabi niya pa flirt-flirt lang daw siya ngayon pero hindi siya totally na naghahanap na ng magiging bf niya.

Me ? Wala sige lang ang sama. Malay mo diba ? Haha !

Nasa loob na kami ng sinehan at naghahanap ng mauupuan.

"Doon tayo sa medyo harapan para makikita natin kung may pogi sa likudan" sabi ni Zackie sabay hila sa amin.

Pag-upo namin tumingin-tingin agad si Zackie sa likod, nakatingala siya kasi sa mga taong nakaupo na sa itaas yung tinitignan niya.

Nasa gitna nila ako, nasa kanan ko si Zackie at nasa kaliwa ko naman si Alex.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon