"Mira, bilisan mo na kumain dyan. Mapapagalitan tayo ng Mommy at Daddy mo." Sabi ni yaya sessi

Matagal na siyang nagtratrabaho dito, katulong na namin siya simula nung nagbubuntin si Mommy.

"Opo, Yaya." Maikling sagot ko.

"Bullsh*t ,Ely. Aminin mo na kasi na may babae ka!ilang beses na kita nahuhuli eh!"

Narinig ko yung boses ni mommy mula sa baba, agad naman tinakpan ni yaya ang tenga ko. Pag- lingon ko sakanya ay nginitian niya lang ako na para bang sinasabi niyang ok lang ang lahat.

Madalas na nagaaway sila mommy at daddy but I never doubt to ask my parents about It because masyado pa raw akong bata para doon sabi ni Yaya.

Pasakay nako ng school nang biglang humabol si Daddy sa service ko.

"Bilisan mo, Edison!" Sigaw ni Daddy sa driver

Hindi siguro siya sumabay sa car niya dahil nandun si mommy at nagaway sila.

Sumakay na si daddy sa passenger seat ar katabi ko naman si yaya sa likod. Yakap ko ang stuffed toy ko na si Mr. Bear, kinalabit ko si daddy gamit ang hintuturo ko.

"Daddy, are you ok?" Banggit ko.

Agad namang tumango sakin at ngumitinng mapait si daddy. Tumingin rin siya agad sa harap.

"Manong pakidalian malalate ako sa studio."

Nagulat ako ng biglang umabante at bumilis ang takbo ng sasakyan namin.

"Sir, nawalan po ata ng preno!!"sigaw ng driver

"Mira! Hold into your seatbelt!"

Mabilis parin ang takbo at napakapit ako sa braso ni yaya sessi na ngayo'y halos mamatay na sa takot

*Beep*



*Beep*


*Beep*

Mabilis na tumilapon ang kotse namin malapit sa side road at napapikit ako ng mariin.

--------

"Amira, please wake up for mommy anak."

Tanging ang boses lang ang naririnig ko at hindi ako makadilat. Mommy is a busy person kaya't nang marinig ko iyon ay napaluha ako. Matagal siyang hindi nakakauwi ng maaga dahil Isa siyang singer at si daddy naman ay song composer kaya't partner talaga sila ni mommy.

Unti-unti kong idinilat ang mata ko at bumungad sakin si Mavious. Nakaupo siya ngayon sa higaan ko at hawak niya ang paa niya na may medyas. Nakasalamin si Mavious at nang napansin nitong nakatingin ako sakanya ay tumgin rin siya saakin.

"Hi, Mira!" Masayang sabi sakin nito.

"Mavi, bakit ka narito?" Mavi ang tawag ko sakanya simula nung 4 kami dahil nahihirapan akong banggitin ang Mavious kaya't tinawag niya akong Mira para parehas raw kami.

"Mira, crush mo ako noh?" Tanong niya saakin at may pataas taas pa ng kilag habang nakangiti siya at kita rin ang kanyang gilagid.

"Huh?" Tanong ko sakanya

" Sabi kasi ng classmate ko, If masungit ang isang tao sayo ibig sabihin raw non ay crush ka niya!" Tugon ni Mavi.

Napasapo ako ng noo at napairap, tinignan ko nalang ang paligid nang mapansin na kakaiba ang paligid.

"Nasaan ako Mavi?"

"Hindi ko alam." Sagot naman niya.

Kahit kelan talaga ay nonsense siya kausap kaya minsan talaga If nagjojoke siga ay tinatakpan ko nlbg ang tenga ko dahil paulit-ulit rin naman mga jokes niya.













Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 24, 2022 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Ain't no fairytale Donde viven las historias. Descúbrelo ahora