Chapter 25: Blue and Green

Start bij het begin
                                    

Naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na kamay ni Cherry sa ibabaw ng aking palad. "He clearly loves you so much, Cleng. You both love each other and I can tell. May tiwala ako kay Joon, gaya ng pagtitiwala sa kaniya ng Green Giants na babalik pa rin siya. After all, these guys are like brothers to each other."

I nodded and responded with a weak smile. 

***

Nagsimula na rin ang laban, paglabas ni Joon na nakasuot ng Blue Sharks jersey sa court ay awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. I never felt this before when I was with Ross.

Humihiyaw si Cherry at ang mga nasa likuran namin tuwing makakapuntos ang Green Giants. Nang makapuntos ng tres si Joon ay bigla akong tumayo sa sobrang saya't sumigaw nang malakas, "Go, Joonie!"

Nagtinginan sa'kin ang lahat ng mga nasa side namin na puro fans ng Green Giants. Nang mapahiya ay umupo agad ako, ito ay ikinatawa nang lubos ni Cherry. "Oh my god, Cleng! You are so like me, before!" she heartily commented while hugging me.

Walang duda na magagaling ang Green Giants, ngunit halata sa kanilang mga hitsura na ayaw nilang bantayan o agawan ng bola si Joon, siguro ay bilang pagrespeto sa kanilang kaibigan, siguro ay dahil sa nasanay silang kakampi nila ito. Dahil doon ay agad na nakahabol sa scoreboard ang Blue Sharks.

Kitang-kita sa mga mukha ng Green Giants na nangungusap ang kanilang mga mata kay Joon, nagtatanong kung ano ang problema, ngunit iniiwasan sila ng tingin ng aking nobyo. Nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa matapos ang laban.

The winner was none other than the Blue Sharks, which was thanks to Joon's triple-double performance. Lahat ay nagulat dahil ito ang isa sa mga unang beses na matatalo ang Green Giants.

***

"GAGO, GALING ni Joon!" paghanga ni Anlex nang bisitahin namin sila sa dressing room ng Green Giants. "Humusay siya lalo sa Blue Sharks!"

"Nakita mo 'yong porma niya sa pag-shoot ng tres?" dugtong ni Tobin. "Ganda! Ang suwabe tingnan, ang lupet!"

Nagtataka ako dahil kahit natalo sila ay puro papuri kay Joon ang mga reaksyon nila imbes na manlumo sa pagkatalo. Pagtingin ko kay Cherry ay nginitian niya ako. Doon ko napagtanto na ganito kalalim ang relasyon ng Green Giants sa isa't isa, at ganoon kataas ang respeto nila sa bawat miyembro. Their brotherhood comes first over any game.

Nakahinga ako nang malalim dahil may maaasahang mga kaibigan si Joon, na hindi nagbago ang pakikitungo sa kaniya kahit umalis ito sa kanilang team at lumipat sa kalaban. If they have faith in Joon, then I should as well.

Nagpaalam muna ako sa kanila para mag-CR sandali. Nakangiti akong naglakad papunta sa palikuran nang makasalubong ko si Joon. My heart jumped and my lips parted into a happy smile.

"Joonie!" I ran towards him, arms wide open for a congratulatory hug. "Nice game!"

May ilang miyembro ng Blue Sharks mula sa malayo na papunta sa 'ming direksyon. Umiwas si Joon sa yakap ko at nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok nang bigla siyang bumulong.

"Take that jacket off and never wear that again," he warned me with a cold voice.

What? He walked away and left me there with a broken heart. He doesn't want me wearing the jacket he gave me? Yumuko na lamang ako at nagtikom ng bibig, sinusubukang magpigil ng pag-iyak habang hinuhubad ang varsity jacket ni Joon.

Iaabot ko na sana ito para isoli sa kaniya kaso nakalayo na pala siya't kasama na ang mga kamiyembro niyang Blue Sharks. Nang masulyapan ang nakakairitang mukha ni Ross ay tumakbo na ako palayo bago pa man niya ako makita.

I was looking forward to seeing Joon... but I didn't know that I'll be coming home crying.

***

PAGSAPIT ng Linggo ay nakatulala lang ako sa kawalan habang sinasamahan sina Bey at Jeb na mamili ng mga damit. Kami pa rin ba ni Joon? May boyfriend pa ba ako? Hindi ko na sigurado. Ang gusto ko na lang naman ngayon ay makausap siya para maklaro kung ano na ba kami sa isa't isa. Even though it hurts, if he doesn't love me anymore... I want him to tell it to me directly.

"Hoy, Clengkay!" pagtawag ni Jeb sa 'kin. "Hindi ka na naman nakikinig sa 'min!"

Nagtaas ng dalawang dress si Bey. "Alin dito ang mas bagay sa 'kin para sa bonfire party?"

Sinundan siya ni Jeb na nagpapakita rin sa 'kin ng dalawa pang bestida. "Eh sa 'kin, Cleng? Alin dito bibilhin ko? Minsan lang magpa-bonfire ang Blue Sharks sa school natin kaya dapat lang ay magmukha tayong maganda!"

"B-Bonfire?" I repeated.

Suminghal si Jeb sabay tabi sa 'kin na nakaupo sa isang bench sa loob ng Zara. "Cleng, pati ba naman sa school events ay inosente ka? Nanalo sa laban kahapon ang Blue Sharks kaya magkakaroon ng pa-bonfire party ang Yuchengco U para sa kanila. Gaganapin ito ngayong Friday, kaya ngayon pa lang ay namimili na tayo ng damit!"

Nagulat ako nang mag-abot sa 'kin ng maskara si Bey. Isa itong makintab na masquerade mask na may ilang feathers sa gilid, maskarang isinusuot lamang sa mata. "You're joining, right, Cleng?" tanong ng aking kaibigan.

"This is for?" taas-kilay kong tanong sabay suri sa magandang maskara na inabot niya.

"The bonfire party's theme is Bal Masqué or Masquerade Ball, everyone's required to wear a mask," paliwanag ni Jeb habang tinutulungan ako sa pagsuot ng maskara.

Tumingin ako sa tapat kong salamin kung saan naroon ang repleksyon ko na suot-suot ang maskarang iyon. Tinapik ni Jeb ang balikat ko sabay nagkumbinsi, "Sumama ka, Cleng. Sayang ang ganda mo kung magkukulong ka lang sa bahay mo sa gabing iyon!"

Nilapit ni Bey ang kaniyang bibig sa tainga ko sabay bulong, "Cleng... the whole Blue Sharks team will be there."



#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu