Alam kong sa oras na magkita kami ulit mamaya ay balik na naman siya sa dati, 'yong lalaking walang ginawa kung 'di ang saktan ako. Sinasaktan niya ako para maitago ang sekreto at nararamdaman niya para sa akin.

I want him to let his feelings go and show itself to me. How can I break an ice-cold Lordcan like an ice?

Wala sa sarili akong napangiti nang may naisip akong paraan.

Simple.

I have to melt the ice. I need to be as hot as fire.

Paano ko magagawa ang mga plano ko kung nakakulong ako rito sa loob ng attic?

Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang mga yabag ng paang papaalis na mula sa labas.

Hindi nila ako puwedeng iwan dito.

"Lordcan!" wala akong nagawa kung 'di ang sumigaw at gumawa ng ingay dito kahit alam kong maaaring marinig ako ni Calla na nandito rin.

I used my knees to kick the dusty door. Masakit dahil nakasuot lang ako ng dress, ramdam ko rin ang dumidikit na mga alikabok sa tuhod kong paniguradong namumula na ngayon.

"Khione?" huli kong narinig ang boses ni Villazardo bago ko narinig ang mabigat at mabilis na yabag ng mga paang paakyat ng hagdan.

Napaatras ako nang narinig ko ang pagtunog ng doorknob, senyales na bubukas na ang pinto.

Kailangan kong magpakabait sa oras na makita ko si Lordcan ngayon.

The door swiftly opened. Ang ilaw mula sa labas ay unti-unting nagbigay liwanag sa kinaroroonan ko na malapit lang sa pinto.

I hurried out of the attic and embrace the first person who opened the door.

His rough body stiffened because of what I just did. I pretended that I'm scared, weak and vulnerable when I felt his muscular arm encircled around me while his other hand was resting on the back of my head.

Sinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at saka ko pa napagtantong wala siyang suot na damit. He's just wearing his dark pants.

Naging pamunas ang sexy kong damit sa pawisan niyang katawan. Narinig ko pa ang pagdaing niya nang idiniin ko ang mga kamay ko sa kanyang likod.

"How did you get here?" bulong niya at bahagya pang yumuko upang maabot ng mga labi niya ang tenga ko.

Kahit nakasuot na ako ng heels ay 'di hamak na mas matangkad pa rin siya sa'kin.

Bakit gano'n? Kahit pawis na pawis siya ay ang bango pa rin, daig pa ang aficionado mo'ng pabango.

Ngumuso ako nang dahil sa tanong niya.

Hindi naman kasi puwedeng sabihin ko sa kanya ang totoo pati na rin ang mga narinig ko. Kailan kong itago 'yon as long as I can.

Nakita ko si Villazardo na naglakad at nilagpasan kami. Papunta siya sa pinto ng attic at sinara 'yon. He even locked it.

Nagkaroon ako ng ideya kung ano ang maisasagot ko kay Lordcan.

"I'm bored so I wondered around tapos may narinig akong ingay mula sa fourth floor and I found this stairs, I got curious kaya pumasok ako since hindi naman lock," paliwanag ko na parang nagsusumbong na rin.

"And?"

"And I got lost in there. Ang daming kahon na parang nasa maze ako tapos nang nahanap ko ang pinto..." mas lalo akong ngumuso habang nakatingin sa akin si Villazardo at nakayuko naman si Lordcan upang masilayan ang mukha ko habang nakayakap pa rin siya sa akin. "Naka-lock na."

"Is that all?" Villazardo's suspicious eyes and voice made me almost roll my eyes.

The wiseass didn't buy my explanation.

A Hundred Billion Worth Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum