06

5 2 0
                                    


“Sa isang kondisyon.” nawala naman ang kaniyang ngiti t‘yaka ay naghintay na sa sasabihin ko kaya napangiti ako.

“‘Di ba nasabi mong isang scientist ang mama mo?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin kaya napangiti ako. Tumayo ako t‘yaka ay nagtungo sa kwarto ko at paglabas ko ay may dala na akong papel. Iniabot ko naman sa kaniya ‘yun na agad naman niyang kinuha at binasa.

“Ano ito?” tanong nito sa akin habang binabasa ang nakasulat sa papel. Mabilis akong umupo at ngumiti sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin na may pagtataka sa mukha.

“Paturo ako d‘yan. Mahina kasi ako sa science.” pakikiusap ko sa kaniya at nagpapacute pa. Napaiwas naman siya ng tingin at napatitig sa papel. Napalunok siya sa akin at inilagay niya sa lamesa yung papel at binilisan ang kaniyang pagkain. Pinanood ko lang siyang kumain t‘yaka ako nagtaka. B-bakit?

Nagulat naman ako nang tumayo siya at kumuha ng tubig para uminom at mas lalo pa akong nagtaka sa sinabi niya. “Alis na ako.” Ano? Tatanggi siya sa offer ko? Bakit? Hindi ba need niya ng matutuluyan ngayon?

“Saan ka pupunta?” tanong k sa kaniya. Umiwas naman siya ng tingin sa akin at t‘yaka ay napalunok.

“N, si mama lang yung magaling sa science. H-hindi ako.” aniya at napalunok. Napasimangot naman ako at tamad na isinubo ang kutsara na may kanin. Wala na. Bakit ba kasi bobo ako sa science?

Tumalikod na siya sa akin upang umalis na sana mgunit nagsalita ako dahilan nang paghinto niya.

“Huwag ka na umalis. Dito ka nalang.” sabi ko. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata sa sinabi ko. “Ano? Kumain ka ulit alam kong gutom ka pa.” sabi ko sa kaniya. Bobo lang talaga ako sa science, problema ko na ‘yun. Hindi na ako mandadamay ng iba pero kailangan kong masagutan ito ngayon or siguro mangongopya nalang ako bukas?

“Busog na ako. Matulog nalang ako.” sabi niya at kinuha ‘yung extra kumot at unan na nasa may upuan lang. Upuan na inuupuan ko noong binabantayan ko siya na baka maging zombie siya. Napatawa ako sa sariling naisip ko. Wala, naalala ko lang.

“Anong iniisip mo? Ayos ka lang ba?” tanong nito sa akin kaya napalingon ako at ngumiti. Tumango ako at tinapos na ang pagkain ko. Akala ko nga ay natulog na siya ngunit ay tinulungan niya pa akong magligpit ng plato at sabi pa niya na mauna na akong matulog. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at napasampa sa kama.

Ayos lang naman si madam kung malaman niyang may kasama ako rito ‘di ba? S‘yempre mabait naman ‘yun.

“Goodnight, Z.” bulong ko sa aking sarili bago ako natulog.

Kinaumagahan, narinig ko ang pagkatok ni Z sa pinto ko kaya napabangon na ako. Kinuha ko ang tuwalya at lumabas na sa kwarto ko. “Good morning.” bungad niya sa akin na ngayon ay nasa kusina, nagluluto na naman kaya ngumiti ako. Hindi na ako nahiya. Bakit ba ako mahihiya e nakituloy lang siya rito.

Shocks, may tagapagluto at tagagising na ako. Ayos ‘to ah.

“Morning.” bati ko pabalik sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin habang inilagay na ang pagkaim sa lamesa. “Kumain muna tayo bago maligo.” sabi niya sa akin kaya tumango ako. Mabait naman talaga itong si Z, eh. ‘Yung pangalan niya lang talaga ang nakakatakot.

Tahimik lang kaming kumain pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo. Ang ganda ng araw ko ngayon ngunit naalala ko naman na kailangan ko pa palang mangopya sa assignment namin sa science mamaya.

“Tapos ka na?” tanong niya sa akin nang makita niya akong nagsusuklay na at nakabihis na. Tumango naman ako at t‘yaka ay nagpaalam na ako sa kaniya na aalis na. Alam ko namang papasok ‘yan sa trabaho e.

“Bye!” sigaw ko at lumabas na ngunit sumunod siya sa akin at inilock ang pinto.

“Ihahatid na kita.” sabi niya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Wala ba siyang trabaho ngayon? “Akala ko may trabaho ka?” tanong ko. Napakamot naman siya sa kaniyang batok at nagdadalawang-isip na sagutin ang tanong ko.

“Mamayang 5 P.M. pa.” aniya. Nakikibit balikat nalang ako at pumayag na ako na ihatid niya. Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa paaralan at pinagtitinginan kami ng mga tao. Oo, alam ko namang maganda ako at pogi itong kasama ko.

“Ganito ka ba palagi? Naglalakad mag-isa papunta sa paaralan niyo?”

“Oo, minsan naman ay pinasabay ako ni Charice. May motor ‘yun e. ‘Yung kasabay ko kahapon. Naalala mo? Nilagpasan mo nga kami non e.” sabi ko at natawa. Napakamot naman siya sa kaniyang batok. Ewan ko nga kung madaanan niya ako ngayon. Napakaaga ko naman kasi ngayon. Syempre kailangan ko pa mangopya sa science.

“Nasaan siya ngayon?”

“Nasa bahay nila.” sabi ko at natahimik naman siya. Well, totoo naman ang sinabi ko.

At iyon nga, hindi ako nadaanan ni Charice dahil siguro natutulog pa yun ngayon. Ako naman ay nasa paaralan na. Nandoon na rin yung guard sa may gate. Inicheck ang I.D. ko habang si Z naman ay nasa labas lang kumakaway sa akin kaya kinawayan ko rin siya.

“Iha, pasok na.” sabi ng guard sa akin kaya napatango ako. Dumiretso na ako sa room at agad na umupo sa upuan ko na malapit sa bintana. Konti pa lang kami rito sa room kaya tahimik lang. Napadungaw naman ako sa bintana at nakita ko si Z na naglalakad na papaalis. Napangiti naman ako. “Thank you.” I whispered.

Inisandal ko naman ang aking noo sa desk upang matulog saglit. Masyado pa namang maaga kaya deserve ko muna magpahinga. Wala pa rin naman si Charice kaya okay lang. Mamaya nalang ako kokolya sa science.

Nang maggising ako galing sa mahimbing kong tulog, nagtataka ako na mabilisan ang pagsulat ni Charice na nasa tabi ko at bigla ko namang naalala na mangongopya nga pala dapat ako. Wala pa naman ang teacher pero ilang minuto ay papasok na siya.

“Charice...” tawag ko sa kaniya kaya napalingon naman siya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya na para bang nanghihingi ng permisyon na pakopyahin niya ako.

“Ano?”

“Pakopya.” sabi ko at ngumiti. Kumunot naman ang noo niya. Bakit?

“Bruha ka, anong pakopya e sa ‘yo nga ‘tong kinokopyahan ko.” aniya at pinakita niya sa akin ang papel. Wait, what?! How?

“Huh? Seryoso?”

“Oo, beh. Kinuha ko sa bag mo. Tulog ka e. Napuyat ka ata kakasagot nito. Naks, sumisipag ang lola niyo.” kinuha ko naman ang papel ko at titinigan ko iyon na agad namang hinablot ni Charice dahil hindi pa raw siya tapos. Hindi ako makapaniwala.

Hindi ko iyon sulat ngunit alam ko kung sino ang sumagot. Napangiti ako at napalingon sa may bintana. Nakita ko na naman siya na nakikipag-usap sa guard.

Thank you, Z.




I Met A Guy Named ZombieWhere stories live. Discover now