Umangat ang tingin niya sa akin.

His weary eyes softened and his fist loosened when he saw me.

"S-Sorry..."

Dapat ko bang maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Weak and hopeless.

I didn't expected that he can easily say sorry to me. Wala pa nga siyang ginagawa pero nakakatakot na 'yong pinapakita niya.

Alam kong ngayon lang 'to. Bukas ay balik na naman ulit kami sa dati. Noong mga panahong pilit kong makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya.

I missed eavesdropping.

But now, I need to get rid of Lordcan first.

Kahit masakit pa ang nakabendang kamay at paa ko ay pinilit kong umalis sa kama at tumayo sa malamig na sahig. Nakasunod ang mga mapupungay na mata ni Lordcan sa'kin na parang takot itong baka ay mawala ako sa paningin niya.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama at mukhang ilang minuto nalang ang kaya niya bago bibigay ang mga mata at katawan niya.

Babagsak 'to mamaya.

I went in front of him and he was looking up at me with his sleepy eyes.

Inilapag ko ang hawak kong bote ng alak sa bedside table bago tumingin sa kanya.

Moving my bandaged hand to hold him on his muscle-bound arm. Hindi niya man lang namalayan ang paghawak ko sa kanya dahil nakatingala at nakatitig siya sa akin.

"Up," marahan kong hinila ang braso niya at pinilit niya naman ang sarili niyang tumayo, masunod lamang ang gusto kong mangyari.

He got up unsteadily kaya todo alalay ako sa kanya. His body swayed to the left and back to the right. His armpit was on my nape, nakaakbay kasi siya sa akin at dahil pagewang-gewang ang paglalakad niya ay halos sumiksik na ang batok ko sa armpit niya. Ang tangkad niya rin kasi.

"Where—Where are we goin'?" he whispered over my ears, his hot breath fanned my hair down to my neck as I can smell the scent of liquor mixed with fresh cold mint.

"Basta, maglakad ka nalang."

"B-Bossy," komento nito pero ginawa rin naman ang sinabi ko.

Iginiya ko siya papunta sa banyo para mahimasmasan naman siya. Sa buong minutong paglalakad niya ay nakayuko siya, ingat na ingat. Mukhang natatakot siyang baka ay matapakan niya ang nakabenda kong paa.

He's heavy and it took to much struggle to handle and lead him to the bathroom. Ang likot pa ng isang kamay niya, kung saan saan lang humahawak kaya nang nainis ako ay hinablot ko ang malaki at maugat na kamay niyang malikot. Mahigpit ko itong hinawakan dahilan kung bakit siya tumawa.

Nang nakapasok kami sa loob ng banyo ay agad ko siyang pinaupo sa toilet bowl. Resting his elbows on his knees, he leaned his right cheek on his palm trying to steady his head like he was struggling to balance himself too.

Naghanap ako ng maaaring panggamot ng iilang sugat sa dibdib niya at nang wala akong nakitang first aid kit dito ay kumuha nalang ako ng sabon.

Hindi naman malalim ang mga sugat niya, maliit na cuts, parang gasgas lang sa balat niya na may konting dugo kaya ayos lang na linisan ko nalang using bath soap.

I'll clean him up. Siguradong babalik 'to sa katinuan niya sa oras na bubuhusan ko siya ng malamig na tubig.

Tahimik ko na namang hinila ang matigas niyang braso at napangiwi nang may naramdamang pressure sa nakabenda kong palad.

"K-Khione, don't get mad at me, please..."nagpahila siya sa akin nang binuksan ko ang glass sliding door papunta sa shower.

Ramdam niya pa rin siguro ang galit ko.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now