Binuksan ni Lordcan ang papel na inilapag sa desk niya.

"We got a lead but they mislead us when they found out that we're after them," dagdag ni Villazardo na matuwid na nakatayo sa harap ni Lordcan na parang isa siyang sundalo.

Newborn organization? Ito ba 'yong sinasabi nila na muling bumangon mula sa hukay na kalaban nilang organisasyon?

Sino naman kaya ang traydor?

Baka si Calla? Mukha palang, painosente na pagdating kay Lordcan.

Nakuha ng isang cup ng kape ang atensyon ko na nasa center table sa harap ko. Maluwag 'tong opisina ni Lordcan kaya kahit pa tatakbo ako rito ng paikot-ikot ay ayos lang.

Kaninong kape naman kaya 'to? Naalala ko tuloy 'yong babaeng maharot na binuhusan ko ng kape noon.

Kinuha ko 'yong kape at akmang titikman ito ngunit natigilan ako nang bigla kong narinig ang malamig na boses ni Lordcan.

"Khione..." his baritone voice was full of warn. Parang sinasabi ng boses niya na huwag kong inumin ang kape.

I put the cup of coffee back on the center table.

'Di na 'yon mainit. Baka ay napaglipasan ng oras 'yon dito.

"Lordcan, I'm bored and starving! I wanna rest too! Bakit si Calla lang ang pinayagan mong magpahinga?" pagrereklamo ko at padabog na umayos ng upo sa sofa.

"She's tired," pagkampi niya sa Calla na 'yon. Nasa akin na ang buong atensyon niya at halos binalewala na si Villazardo sa harap ng desk niya.

"What about me?" halos mangiyak ako nang dahil sa pagkampi niya sa atribidang 'yon.

"Aren't you resting right now? You're sitting on the sofa, Khione. That's considered as resting," he said it without any expression on his face. Bumaling siya Kay Villazardo na parang kanina pa naiinip. "I want to know who the traitor is-"

"Ako! Ako 'yong traydor! Maniwala kayo sa akin! Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala," pagpanggap ko upang makuha ulit ang atensyon niya ngunit 'di nila ako pinansin at nagpatuloy sa pinag-uusapan nila.

Sino ba kasing traydor ang aamin na traydor siya 'di ba? Magnanakaw nga 'di umaamin e, traydor pa kaya? Plastic nga nagpapanggap e, traydor pa kaya?

Sumandal ako sa sofa habang kinakati ang long sleeves na suot ko. I don't like the fabric, parang allergic 'yong balat ko. Kanina naman ay 'di ako nangangati, ewan, may higad kasing dumating.

"Yes, sir. I'll make an investigation of all the officials," pagsang-ayon ni Villazardo sa iniutos ni Lordcan sa kaniya.

May traydor sa mga opisyales. Si Calla ba ay kasali sa officials ng illegalhood? Kung 'di siya kasali ay maaaring 'di rin siya ang traydor.

"Any news about the specialized investigation that I told you?"

Nagpantig ang mga tenga ko na parang naging pakpak na nakakabit sa gilid ng ulo ko dahil sa binanggit ni Lordcan na specialized investigation daw kuno.

So hindi lang pala isang imbestigasyon ang pinagawa niya kay Villazardo? Ano naman kaya 'yong isang investigation?

Mukhang ang dami niya nga'ng problema.

Nakokonsesya tuloy ako dahil mukhang nakakadagdag lang ako sa poproblemahin niya.

"I'll keep an eye on her, Sir."

'Yon ang huling sinabi ni Villazardo bago lumabas ng opisina ni Lordcan.

Lordcan's gaze found me.

"What's so itchy?" his tough baritone voice got all my attention from scratching my arms.

A Hundred Billion Worth Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ