"Aalis ako, I want a five star hotel with the most exclusive room to sleep in and not this cheap room, I already changed my mind. Ayokong makisiksik, duh." I tried to sound like a sassy girl, 'yong tono ng boses ng mga spoiled brat.

Ano naman ngayon kung pangit ang ugali ko? At least nagpakatotoo ako at hindi pinepeke ang bawat galaw at salitang lumalabas sa bibig ko.

Kesa naman sa iba riyan. Nagbabait-baitan lang. Kampon naman pala ng demonyo.

"Go to my office, let's talk." utos niya na naman sa marahas na boses.

"Kausapin mo sarili mo, aalis na ako." I tried to pulled my arm back from his grip but he just tightened it to prevent me from escaping.

Napatingin ako sa labas ng silid ko nang nakita si Villazardo na dumaan. Hindi ko alam pero biglang lumiwanag ang mukha ko nang nakita siya.

"Villazardo!" tawag ko dahilan kung bakit siya napahinto sa kaniyang paglalakad at lumingon sa banda namin.

Ang lamig ng mga titig niya pero mas lalo lang 'yong nakapagpaliwanag sa mukha ko.

Ramdam ko ang mga mata ni Lordcan sa akin na parang 'di makapaniwala sa biglaang naging reaksyon ko nang nakita si Villazardo.

I took a step forward to get out of the room but unfortunately, my body was taken aback like a magnet to Lordcan.

"Lordcan, do'n nalang ako matutulog sa kuwarto ni Villazardo, please? Please?" pinagsalikop ko pa ang mga kamay ko habang nakatingala sa kanya.

Sana naman ay payagan ako ng buang na 'to.

Narinig ko pa ang 'di makapaniwalang pagsinghap ni Calla.

"No," sagot nito gamit ang mapanuring mga mata na parang sinusubukan niyang malaman kung ano ba talaga ang binabalak ko.

"Lord, hayaan mo nalang siya sa kung ano ang gusto niya," singit ni Calla.

Ang pakialamera niya talaga. 'Di naman siya kasali sa pinag-uusapan namin.

Napasimangot ako nang bumaling si Lordcan kay Calla at ngayon ay parang nasa kay Calla na ang buong atensyon niya.

"Rest, Calla. I'll be in my office," paalam ni Lordcan sa mahinahon na boses bago ako hinila at sinara ang pinto ng silid ko.

Kuwarto ko 'yon, tapos iba ang gumagamit.

Bakit ako? Pagod naman ako tapos 'di niya man lang ako pinapahinga?

"Sir," pambungad ni Villazardo nang nilagpasan namin siya ni Lordcan.

Sumunod si Villazardo sa amin papunta sa third floor kung saan ang office niya. Ang higpit ng pagkakahawak ni Lordcan sa braso ko na parang madudurog na ang mga buto ko.

Nakita ko sa may pinto ng opisina niya ang kaniyang dalawang higanteng bodyguard na nakatayo sa gilid at parang mga asong nagbabantay.

Pinagbuksan kami ng pinto ng mga bodyguard niya at hinila niya naman ako papasok nang pilit kong panatilihin at idikit ang mga heels ko sa kung saan ako nakatayo upang 'di ako makapasok sa opisina niya.

Nilingon ko si Villazardo at nakitang pumasok din siya.

Lordcan forced me to sit on the sofa of his office bago siya nagpatuloy sa paglalakad at siya naman ngayon ang umupo sa swivel chair niya.

Villazardo stopped in front of him. Sa may desk ni Lordcan at inilabas ang isang papel mula sa loob ng black coat niya saka ito inilapag sa desk ni Lordcan.

"I let my killers investigate and they found something in one of the illegalhood's officials. Someone from the officials has a connection to the newborn organization. A traitor," mahina lang ang malalim na boses ni Villazardo upang 'di ko marinig pero narinig ko pa rin naman.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now