"Canned foods aren't healthy," he sat on the bed and ran his fingers through his shoulder length hair repeatedly.

My eyebrows raised and I held up the food that he bought. "Are you saying that fast foods are healthy?"

Yes. Fast food ang binili niyang breakfast.

Kung kanina ay sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri, ngayon naman ay halos sabunutan niya na ang kaniyang buhok dahil siguro sa sumasakit na naman yata ang ulo niya.

"Kumain ka nalang kasi." bakas sa boses niya ang inis.

"Ayaw! Gusto ko ng sardinas!" giit ko at umupo sa isang upuan malapit sa mesa.

"Tangina, 'pag ako napuno sayo, ibabalik na talaga kita kay Lord!" pananakot niya na 'di naman umepekto sa akin.

I know that he wanted me to be with him. He wanted to keep me.

Napangiti ako nang nakita ang inis sa mukha niya. Nakakatuwa siyang tignan sa tuwing naiinis siya.

"Sige na, Trev! Bilhan mo ako ng sardinas!"

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko siya tuluyang napapayag. Sobrang gulo ng shoulder length niyang buhok nang dahil sa pagsabunot at kamot niya nito.

He opened the door but he didn't step out. He just stood there like a statue. Napagpasyahan kong tumayo at lumapit sa kanya. Sinilip ko mula sa likuran ni Trevino kung sino man ang nasa labas.

My eyes widened when I saw Lordcan with a stoic expression on his face.

Mabilis akong nagtago sa likuran ni Trevino nang bumaba ang nakakatakot niyang mga mata sa akin.

"Anong kailangan mo?"

"'Yong jowa ko nasa'yo."

Napalunok ako nang dahil sa huling narinig ko na siyang sinabi ni Lordcan. Baka ay nakauwi na sila sa mansyon kanina at nakita niya 'yong matanda sa silid ko?

Lumingon sa akin si Trev na parang nagtatanong nang dahil sa sinabi ni Lordcan kaya wala sa sariling nagkibit balikat ako.

"Come outside, Khione," the firmness of Lordcan's rough voice made me wanna cry.

Bakit ba ganito ang pakikitungo niya sa akin habang kay Calla ay sobrang mahinahon siya?

"N-No," napahawak ako sa laylayan ng damit ni Trev at pinaglaruan iyon gamit ang mga daliri ko upang mawala ang kaba na dumadagundong sa dibdib ko.

"You heard her, Lord," saglit pa akong nilingon ni Trev na parang gustong malaman kung ano ang ginagawa ko sa laylayan ng damit niya.

He turned his head back to Lordcan with a smirk of victory flashing on his face.

"Khione," sambit niya sa pangalan ko na parang isang babala 'yon na kapag 'di ako lumabas ngayon din ay baka siya pa ang kumaladkad sa akin palabas.

"Trev, sasama nalang ako sa'yo. Tara na, bili na tayo ng sardinas. Gutom na ako," instead of responding to Lordcan, I chose to ignore him.

Anong ginagawa niya rito? 'Di ba ay mas importante naman si Calla kesa sa akin? Mas mahalaga si Calla kesa sa'kin. Ba't ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya?

I tried to catch a glimpse of Lordcan over Trevino's shoulder. He stepped backwards, giving us the way but the darkness in his eyes looked different.

Tignan mo nga naman.

Hanggang doon nalang ba ang kaya niya? Talaga bang 'di niya man lang ako pipilitin na sumama sa kanya?

Naunang naglakad si Trevino palabas kaya mabilis din akong sumunod ngunit 'di ko natuloy ang pagsunod kay Trevino nang mabilis akong hinila ng isang malakas na kamay mula sa mg braso ko.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now