If I'd open the door, ibabalik niya lang ako sa mansyon at isasama niya pa si Calla. Mas lalo lang akong masasaktan at baka may makakasama pa 'yon sa kalagayan ng baby kung totoo nga'ng buntis ako.

I have met an acquaintance before and she was pregnant, model din katulad ko. Ang kuwento niya sa akin ay tatlong days niya lang nalaman na buntis siya kahit 'di pa siya nagsusuka o nahihilo na senyales na ang isang babae ay buntis. She noticed the changes of her body and even the way she think. After three weeks ay nagsusuka na siya at madalas na nahihilo.

Is it possible that what happened to her would happen to me in the near future?

"Khione..."

Napanguso ako nang 'di niya ako tinawag sa mas malambot na boses. His voice was rough and firm.

Mas lalo akong nagmatigas.

Nasaan na ba kasi si Trevino? Ang sabi niya ay babalikan niya ako rito pagdating ng umaga?

"Babi... Let's just give her some time. Maybe she needs space. Let's go, please? I need to rest."

Napasimangot ako nang narinig ko ang malumanay na boses ni Calla mula sa labas ng banyo. Baka ay  pumasok na siya.

Babi...

Babi?

Ang pangit ng endearment nila.

As good as she can be. Bakit ba nakikisali siya sa usapan ng may usapan?

"Are you really that tired?" I can hear the sincerity of Lordcan's softening deep voice.

"Yes..." walang pinagkaiba ang boses ni Calla sa boses niya kanina. Malumanay pa rin.

Napapikit ako nang narinig ko ulit ang boses ni Lordcan.

"Okay. Let's go."

He gave up on me?

That easy?

Noon ay sisirain niya pa ang pinto upang makapasok at pakainin ako. Ngayon ay narinig niya lang ang pagod sa boses ni Calla, wala na, aalis na siya.

Mukhang wala lang talaga ako para sa kaniya ngayon.

I am what? A trash when he found a gold.

Siguro ay ayos na rin 'to. Aalis ako at aalagan ko muna ang sarili ko para sa baby. I don't want to be stressed-out.

I heard the sounds of footsteps from the outside, walking out of the room.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang nakaramdam ng paninikip ng dibdib ko.

He left me. Binabalewala niya na ako.

Ilang minuto ang lumipas at nanatili ako sa loob ng banyo habang namumula pa rin ang mga mata. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa labas ng banyo, may bagong dating.

"Khione?"

And I was expecting Lordcan to come back pero ibang boses ang narinig ko.

I decided to finally get out of my comfort zone and face Trevino outside.

"Trev!" sinalubong ko si Trevino na inaayos ang dala niyang brown paper bag sa ibabaw ng mesa. "Ano 'yan?" lumapit ako sa kinaroroonan niya upang makita kung ano ang nasa loob ng dala niya.

Food.

But there's no sardines.

"Where's my sardines?" hinalungkat ko ang laman ng brown paper bag at nang wala na akong nahawakan sa loob ay bumaling ako kay Trevino.

He removed his shirt while I'm facing his strong muscled back. I saw how his muscle flexed whenever he move. Nagbihis siya ng panibagong damit bago niya ako hinarap.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now