Chapter 21

8 0 0
                                    

Recess time ngayon but instead of eating our snacks, we are at the library. May quiz daw kasi si Noah pagka tapos ng recess. He doesn't want me to come with him dahil kailangan niya daw mag focus at baka hindi niya ako ma pansin but can he control me? Nope. 

So I am here with him.

When I noticed that there is only 10 minutes left to our 30 minutes break, hinila ko ang paper na hawak niya.

I look at the page he is currently reading, galing na siya dito ha?

"Tapos ko na, binabasa ko lang ulit,"

Isa isa kong tinignan ang bawat page. I am the one who printed this for him,  pero halos hindi ko na makilala ang papel dahil sa dami ng notes na nilagay niya sa bawat sentence. 

He's unbelievable, binasa ko na to at sobrang detailed na, saan niya pa nakapkap ang mga sinulat niya dito?

Utak nga naman ng matatalino, unlimited.

Inayos ko na ang papel. "You have less that 10 minutes left, baka ma mental block ka. You should stop," binalik ko ang tingin ko sa kanya mula sa papel na hawak ko. "And this paper took your whole attention so it must be gone."

Pinunit ko sa harapan niya ang reviewer niya. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya pero nang ngumiti ako sa kanya ay ngumiti na rin siya.

"Kataleya, alam mo bang hinihiram yan ng teacher?" Kinuha niya ang mga papel na pinunit ko. "Pero dibali, gagawin ko na lang ulit, kasalanan ko naman na hindi kita pinansin," natatawang sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ka man lang ba maiinis?"

"Heto ba ang paraan mo para inisin ako? At bakit mo ako iniinis?" taas baba pa ang kilay niya pagkatapos tanungin iyon.

Humalukipkip ako. "You are so focused I needed to do something!"

Umiling iling siya. "Kilalang kilala na kita pero hindi mo pa rin ako kilala. Tawagin mo lang ako, makukuha mo na ang atensyon ko. Sabihin mo lang sa akin, iiwan ko lahat nang ginagawa ko. Dun sa pangiinis naman, hindi ako maiinis sayo. Sa totoo nga ay natutuwa pa ako sa ginagawa mo," and he chuckled after saying that.

Nakakatuwa ang punitin ko ang reviewer na pinag hirapan niya at hinihingi ng teacher kaya ngayon ay kailangan niyang gumawa ulit? If I am him I will be pissed off, baka hindi ko pa siya kausapin nang ilang araw.

"Anong nakakatuwa doon?"

He sigh, smile plastered on his face. "Ayaw ko dati kapag ganyan ka, sobra ka kung makabawi e, minsan hindi na makatarungan pero ngayon, kahit ako na lagi ang pag tripan mo, masaya pa ako kasi ikaw yan e. Ikaw pa ba si Kataleya kung walang kalokohan diyan sa utak mo?"

Umiwas ako nang tingin. He is giving me mixed feelings with his words, para akong kinikilig but at the same time nahihiya sa sinasabi niya.

"Na immune na yata ako sayo kaya kahit punitin mo pa ang libro na to ngayon tapos sisihin ako ay matutuwa pa ako, ako na lang lagi ang pag tripan mo ha?" Tinuro niya pa talaga ang libro na galing dito sa library.

Hindi ko alam kung ginagago ba ako ni Noah. Is this his way of stopping me from doing things like this? Kasi parang gusto ko nang tumigil sa pantitrip, is he still normal?

 I can't believe what he is saying, nababaliw na ba to? Sabihan ba naman ako na siya na lang ang pag tripan ko.

"Noah, may tinitira ka ba? Alugin muna kaya natin ang utak mo?" I suggested. Seryoso ako pero siya ay pangiti ngiti lang.

"Ginagawa ko yan tuwing gabi, inaalog ko ang utak ko kasi normal pa ba na ikaw na lagi ang laman nito?"

At yon ang hindi ko na kinaya. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. 

Serendipitous ConvergenceWhere stories live. Discover now