Chapter 17

14 0 0
                                    

I don't know how to forget so how do I know how to move on?

So instead of trying one, I just let my feelings be, I let myself feel the love, I let myself feel the pain.

Hindi ko na pipilitin kalimutan o wag isipin, aalalahanin ko na lang hanggang sa pati ang pag sakit ay hindi ko na damdamin dahil nasanay na.

Paminsan minsan ninanais kong umupo ulit sa tabi niya, sa pwesto kung saan naman dapat ako nakaupo. Mag isa lang kasi siya doon, wala pa namang nag lakas ng loob na kunin ang silya na pinili ko noon. Hanggang sa matapos yata ang klase ay ginusto kong umupo ulit doon pero nakaya ko naman na hindi gawin yon.

Dapat kong sanayin ang sarili ko na wala siya sa tabi ko dahil sa susunod, maski sa klase ay hindi ko na siya kasama.

Ang bakasyon na para sa akin ay naging bakasyon ng pag alala. I kept on going to the coffee shop where we first did our activity together, on the same seat, with the same order. Naaalala ko pa rin ang pagpasok niya maging ang suot niya at kung paano niya pinakita ang sapatos na alam niyang galing sa iba ngunit sa akin naman talaga.

I once went to the place where we ate pancit canton pero nung pumunta ako ay sarado ito.

May araw din na dumaan ako sa Kanto nila, minsan ko nga siyang nakita na labas kasama si Lara at simula non ay hindi na ako umulit. Seeing them together brings a different type of pain so I didn't dare go there again.

I still look at the sky at night but I no longer wait for a shooting star, feeling ko kasi ayaw naman nila sakin, hindi na nga nagpakita non, nagpa ulan pa ang langit, parang nananadya.

Sinubukan ko rin ang maligo ng ulan pero feeling ko dapat by pair, yung masaya sanang kasama kasi nung sinubukan ko, parang gusto kong maiyak. Buti na lang hindi ko nature ang umiyak kaya wala namang pumatak.

I didn't know he would make such a big impact on me but he did, because he is all that I remember all throughout the vacation.

I thought of them, Noah and Lara, iniisip ko kung masaya ba sila. Kung pinag luluto din ba siya ng pagkain ni Noah at kung suportado ba ang mga tao sa paligid nila sa kanilang dalawa. Yeah, the thought of them hurts but I still hope for the best on their relationship.

I aint wishing that they would break up nor I am waiting for him to be free, I never did. but I am staying where he left me, with no intention of wishing that he would come and pick me up. I will just save these feelings I have with me until there's someone I can feel the same thing with but now that there is no one yet, this will stay.

Hindi naman siguro masamang ipagpatuloy ang istorya namin sa pamamagitan ng nararamdaman ko sa kanya na hindi pa nawawala diba? As long as I am not doing anything that will harm their relationship, okay lang naman diba?

Inalala ko lang siya nang inalala hanggang sa sigurado na ako na kaya ko na talaga at wala ng pag aalinlangan sa plano kong hindi na muli siya makasama sa apat na sulok ng silid-aralan.

Dati hindi ako sigurado kung gugustuhin ko ba pero ngayon ay naka-tayo ako sa bulletin board, nakangiti sa nakikita ko.

"Thank you, Levimus. I'm on a different section," kinindatan lang ako ni Levi bago mag lakad paalis.

Aalis na sana ako nang naamoy ko ang pamilyar na amoy na ngayon ko lang napagtanto na pamilyar pala sa akin.

Tinignan ko kung sino ang nasa tabi ko at doon ko lang nalaman na ang pamilyar na pabango na yon ay kay Noah pala.

Napansin kong nakatingin siya sa parte kung nasaan ang section ko.

"Wala ang pangalan mo diyan," on my peripheral vision I saw that he look at me pero hindi ko yon pinansin, bagkos ay itinuro ko ang section kung nasaan ang pangalan niya. "That's your section," tinuro ko ito sa kanya.

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon