Chapter 5

8 1 0
                                    

School years just went by and now I am on my 9th grade. Who would have thought that I will be friend with someone I try so hard to push away? Sinubukan ko na galitin siya pero siya ang ma pilit na maging maayos kami.

Last school year mag kaklase rin kami and just like before, we are seatmate for the same reason as before. Ayaw pa rin sa akin ng lahat at mas lumala pa yon dahil nakita siguro nila na okay kami ni Noah habang si Noah naman, siya pa rin ang pinaka matangkad sa klase kaya valid na nasa likod lang rin siya.

May mga pagkakataon pa rin na hindi kami magkasundo kasi naman sobrang iba namin. Kung ako ay demonyita, mukhang siya naman ang anghel. But Noah being Noah, no matter how difficult I'd get, he has his way of understanding me.

Unlike before, minsan pinagtatanggol niya na rin ako. Nung una nga nagulat ako kasi sasagot na sana ako sa mga kaklase namin na pinag uusapan ako pero inunahan niya ako. Instead of stopping me, he stood up for me. Sinasabi kasi nila na ginagamit ko lang si Noah para pumasa ako since for the past 2 school years, I did well compared to my previous years. Hindi naman ako umabot sa mga honors, I was just included to those you could consider as average students pero kung makareact sila parang tinalo ko lahat ng top achievers ng school.

Yes, he might really be included to the reason kasi ba naman seatmate ko siya tapos palagi kong nakikita kung gaano siya ka focus sa pag te-take down notes. I found his note fun so I tried doing it too pero ang pinaka impluwensya talaga sa akin ay si Amalia na kinaya na mapabilang sa with honor dahil nag papakitang gilas kay Luis na boyfriend na niya ngayon at palagi naming kasama, overall top 1 ba naman ang boyfriend niya at student leader pa. Suddenly, I am surrounded with people who strive for higher grades.

"Ayon ang section mo, Kalia," Sabi ni Amalia na tinuturo ang pangalan ko sa bandang kanan. Nandito kami ngayon sa harapan ng bulletin board para tignan ang section namin.

After I look at my name, agad kong hinanap ang pangalan ni Noah pero hindi ko ito nakita. That saddened me for unknown reasons but I still tried to look at it in other sections, baka malapit lang naman ang room niya.

Pero lahat na ay tinignan ko, hindi ko pa rin nakita ang pangalan niya.

While we are walking to our room, hindi ko mapigilang mag isip, bakit wala ang pangalan niya? Lumipat na ba siya ng school? Natanggalan ba siya ng scholarship? Imposible, mataas ang mga grado niya.

Nag iisip lang ako hanggang sa nahagip ng mata ko si Levi na papunta yata sa gymnasium dahil may dala dalang bola. First day na first day basketball agad? Malapit ko ng isipin na pumapasok lang ito para mag basketball.

Agad akong tumingin kay Luis at Amalia. As always tahimik lang si Luis habang si Amalia ay nangungulit.

"May pupuntahan lang ako saglit, bye." pagpapaalam ko sa dalawa bago tumakbo sa direksyon kung saan pumunta si Levi.

Nang makapunta ako sa gymnasium ay naabutan ko siyang nag lalaro mag isa.

"Levi!" I called his name, tumingin naman siya sa akin.

"Nag away kami ng girlfriend ko, when she sees me with you and it's just the two of us, baka madamay ka pa," sabi niya bago mag shoot ulit for a 3 points.

"I am not Amalia, she won't get jealous of me," he chuckled at what I said before he dropped the ball and walked towards me.

"Anong kailangan mo?" He asked.

"Can you do me a favor?"

Tumingin siya sa akin. "First day of school and you already have favor? Na bully na naman ba ang bully?"

Sinimangutan ko siya. "I could deal with them kahit hindi mo ako tulungan no. I just want to know something that only you, could give me,"

He raised his eyebrows. "Name it and let's see,"

"Nawalan ba ng scholarship si Noah? Hindi na ba siya mag aaral dito? If yes, can I get his location?"

Sumilay ang mapang asar na ngiti sa mukha niya. "I wanted to ask why you are concern about that but i know it's a hard question so I won't ask anymore, in return just don't ask mine, please give this to Amalia,"

Tumakbo siya sa isang bleachers kung nasaan ang bag niya. Nakita kong nangalkal siya don.

When he came back, may dala dala siyang paper bag. "Ano to?"

"I saw her last Sunday, nag simba. May sugat siya sa tuhod. You know how she hates scars as it may leave mark. May gamot ako na binili para mabilis maghilom ang sugat, I bought a cream too para mabilis ding matanggal ang mark."

Nakatingin lang ako sa kanya pero mukhang nailang siya kaya umiwas na siya ng tingin.

"I'll give you the information later basta ibigay mo lang yan," Nag lakad na siya papalayo, "And please don't tell her that it's from me. Sabihin mo na lang na galing sayo." he said before he jog out of the gymnasium.

It's lunch when I saw Levi outside my room. Did he get the information that fast?

"Na ibigay mo na ba?"

Umiling ako. "ibibigay pa lang, dumiretso na ako dito kanina,"

"Do you still want his location if he is still gonna study here?"

I shook my head. I will still see him then, no need to know where he lives.

"You don't have to know where he lives then. Kaka enroll niya lang kaninang umaga and no, hindi siya natanggalan ng scholarship,"

Napansin ko ang pag tingin niya sa gilid ko pero agad niya ring binalik ang mga mata niya sa akin. "I did more than what you asked for. He was supposed to be on a different section as you pero ipinalipat ko siya. Save your thank you, you owe me one. Bye." pagkatapos niyang sabihin yon ay mabilis siyang tumakbo paalis.

"Kalia!" Narinig ko ang boses ni Amalia mula sa likod.

Napakunot naman ako ng noo, is he avoiding her?

"Hindi ba kayo nagpapansinan ni Levi?"

Umiling naman siya. "We're good but he is a little distant. Naiintindihan ko naman, selosa ang girlfriend."

But the real question is, why does he even have a girlfriend?

After lunch, mag isa lang ako sa row sa likod. No one still wants to sit beside me.

Yon ang akala ko pero mali pala ako,

"Miss, bakante pa ba ang upuan sa tabi mo? Gusto sana kitang makatabing muli,"

Oo nga pala, may isang gusto akong ma katabi at walang iba kundi si Noah.

Hindi ko mapigilang mapangiti. "Even if everyone are looking at you now, asking you to sit beside them, would you still want to sit here?" mahinang tanong ko para hindi marinig ng iba.

He look at them at isa isang inindihan.

Hindi kalaunan ay ibinalik niya rin ang tingin niya sa akin. "Kung hindi mo sinabi, hindi ko naman mapapansin na may iba palang gustong makatabi ako. Nandito sa upuan sa tabi mo ang atensyon ko, hindi ko na nga narinig ang pag tawag nila sa pangalan ko kaya sa tingin mo gugustuhin ko pang maghanap ng ibang mauupuan?"

Inayos ko ang upuan sa tabi ko at nilapit ito sa akin. "You put up with me, you endure me no matter how difficult I get at kahit ilang beses na kitang pinag tripan, hindi ka nagalit sa akin. Kapag nagalit ako at gustong manaksak ng lapis, I know that it will be fine to you, you will let me, kaya sige, you may take this sit."

Serendipitous ConvergenceWhere stories live. Discover now