Sana lang ay 'di ako halikan ng lalaking 'to. Dahil kung gano'n ay hahayaan ko pa rin siya.

Trip ko lang, bakit ba?

"Magpaalam ka na kay Lordcan, Khione. Aalis na tayo rito." hindi mawala ang ngisi ni Trevino. Nalipat ang paningin ko sa tenga niya nang may nakita akong kuminang mula roon.

A lone earring.

Isa lang. 'Yong mga nakikita ko sa mga kaklase ko noong high school na kung maglalagay na nga lang ng earrings ay sa isang tenga lang.

Magpaalam? Saan kami dadaan kung aalis kami?

Wala pa rin akong naririnig na kahit mahinang bulungan sa labas.

Baka iniwan na ako ni Lordcan?

Langya naman oh.

I raised one hand to touch his face. Hinayaan niya naman ako. I was full of emotion and desire pero sa isang iglap ay nawala ang ekspresyong 'yon sa mukha niya.

I slapped him.

Hard.

"No! Lordcan! Help me, please!" mabilis akong lumayo kay Trevino at sumigaw upang marinig ako ni Lordcan mula sa labas.

Sana maniwala si Lordcan sa pagmamakaawa ko. Pakiramdam ko ay ang overreact lang ng pagkakasigaw ko.

I can tame the beast. Minsan ko na siyang napaamo. Can I get the beast out of him? 'Yan ang gusto kong malaman.

"Khione, sweetheart, I'm not gonna hurt you." sobrang lambing ng boses ni Trevino kahit sa kabila ng pagkagulat nang dahil sa ginawa ko. Magkasalungat sa ipinapakita niyang ekspresyon sa mukha.

His voice was enchanting, kung magpapabiktima ako ay siguradong mahahawakan niya ulit ako.

Sabing hahayaan ko lang siyang gawin kung anong gusto niya 'di ba? Pero dapat ipaparating ko kay Lordcan na ayoko kay Trevino.

He's causing chaos.

Ang bad ko na ba?

"Lordcan!" tumakbo ako papunta sa kama nang naglakad si Trevino papalapit sa akin with that horrifying expression on his face.

Nakaramdam ako ng takot nang nasa malapit na si Trevino.

Sabing acting lang 'to 'di ba? Ba't pakiramdam ko ay totohanan na 'to? Dapat sana ay lumaban ako. 'E 'di sana ngayon ay nasa labas na ako.

Parang butiki akong dumikit sa headrest ng kama upang malagyan ng malaking distansya sa pagitan namin ni Trevino.

"You like playing?" gusto kong burahin ang matagumpay na ngisi sa mukha niya.

Ba't biglang umatras ang plano ko? Kasi feeling ko ay wala na si Lordcan sa labas kaya 'di puwedeng magpapahawak nalang ako kay Trevino.

Mabilis akong umiling bilang sagot sa tanong niya.

May plano na ako e. Umatras pa.

Hinila niya ang cute kong paa papalapit sa kaniya ngunit 'di ako nagpatinag at kumapit ako sa headrest na parang nakasalalay dito ang buhay ko.

"Come on, Khione." bakas sa boses niya na nauubusan na siya ng pasensya.

Ang sarap sabunutan ng mahaba niyang buhok.

Hinila niya ulit ang paa ko dahilan kung bakit naalis ang kulay puting tsinelas ko kaya ngayon ay nakapaa nalang ako at nang nainis ako sa kakahila niya sa akin ay tinadyakan ko ang braso niya ngunit sobrang tigas talaga at ayaw papatibag ng maskuladong braso niya.

Wala akong nagawa nang naubusan ako ng lakas at siya ay malakas pa rin.

I found myself sitting on the edge of the white comfortable bed while Trevino was standing straight in front of me. Mabilis niyang hinuli ang malilikot kong mga kamay at inilagay sa likod ko, locking it with only the use of his one hand.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now