"Ba't ba ang segurista mo?"  I mumbled and looked down at the floor.

Well? The floor looked more interesting.

"Listen Khione. You have to act like you're obeying me inside this mansion in exchange of no once a week for one month." halos nabali ang leeg ko sa biglaang pag-angat ng tingin mula sa sahig papunta kay Lordcan nang dahil sa sinabi niya.

"Talaga?" 'di makapaniwala. Para kasing nagsasabi siya ng isang joke na imbes na matawa ako ay nagulat pa ako.

He nodded. Nagkasalubong pa rin ang mga medyo makapal niyang mga kilay at ramdam ko pa rin ang madilim niyang aura. Nakikita ko na rin ang mga ugat sa braso niya dahil tinupi niya hanggang siko ang sleeves ng kulay puting suot niya. Kasi naman, suot ko kaya ang black coat niya.

I can clearly see the tattoo at the back side of his arm.

Sálvame

Mukhang kailangan ko na talagang tanungin si Google kung anong ibig sabihin no'n.

Napahawak ako sa dibdib ko at nagulat nang suot ko pa rin pala ang kwintas.

Ba't 'di ko namalayan 'to? 'Yong wallet at naiwan sa dressing room ko sa photoshoot.

Hindi siguro nakita ni Lordcan na suot ko 'to nang dahil sa nararamdaman niyang galit ay 'di niya napansin.

'Yong LC na pendant. Akala niya siguro ay 'di ko mapapansin 'yong LC na sa wallet niya.

For now, I don't wanna ask him about it. I wanna know it on my own.

"Deal..." I started and stood up to face him even if he's still taller than me. "... Sir." dugtong ko nang tumitig siya sa akin.

His eyes darkening pero 'di ako nagpaapekto.

Akalain mo 'yon? Titiisin niya ang isang buwang 'di ako matikman para lang umakto ako na sinusunod ang mga utos niya.

O baka naman ay may ibang babae na siya?

No.

I mean, anong pake ko?

Umalis siya ng hindi nagpapaalam.

I wonder kung kaninong kuwarto 'to? Mas malaki pa ata kesa sa kuwarto ko sa baba. Baka naman ay sa kaniya 'to? At saan naman siya pupunta?

Ang dami kong tanong na 'di ko maisabi sa kaniya kasi nga kailangan kong umakto na sinusunod ko ang mga utos niya.

I don't have to talk if he didn't told me to talk.

Pang-isang buwang 'di niya ako gagalawin. Pareho naman kaming makikinabang dito.

Talaga bang hindi na kami aalis dito? Gusto kong pumunta sa iba't ibang lugar katulad noong pumunta kami sa  isang isla nang dahil sa mga gamblers, noong pumunta kami sa isang lugar kung saan may mga gumagalaw na camera bilang seguridad—mga hackers, noong pumunta kami sa lugar kung saan pinapahirapan ang mga taong gustong pahirapan ng mga kliyente nila—mga torturers, ang huli ay ang killers kung saan nag-iinuman sila na parang mga normal na tao.

Hanggang doon na lang ba?

Pakiramdam ko ay hindi pa tapos ang lahat.

Paano ko malalaman kung hindi ako kikilos? Pupuntahan ko ang Dad ko at magtanong.

Akmang tatayo na ako ngunit agad din akong napaupo na parang isang mabait at masunuring bata nang biglang bumukas ang pinto.

"Change your clothes," Lordcan handed me a white dress, some underwear and a white slippers while his other hand was pointing to the bathroom's door.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon