"O-okay lang." Sabi ko at agad na binilisan ang pagbibihis. "T-tapos na a-ako."

"May CR naman.. ba't dito ka nagbihis?" Asik niya. Pilit niyang iniiwas ang paningin sa akin.

"Eh.. hindi ko naman alam na may CR pala dito." Sagot ko at dahan dahan naman siyang lumingon. Nilapag niya ang isang tray ng breakfast at ang towel na hawak niya.

"Kumain ka na. Kukuha lang ako ng gamot." Sabi niya at dumiretso sa isang sulok. Paglabas niya ay may bitbit na ulit siyang box na pula.

"Inumin mo 'to pagkatapos mo kumain at magpahinga ka agad. Aattend lang ako sa meeting saglit." Tumayo siya at mabilis na kinuha ang bag sa table niya at umalis.

Umayos ako ng upo bago nagsimulang kumain. Fried chicken, nuggets at adobo ang nakalatag ngayon sa harap ko. Pagkatapos ay saka ko ininom ang gamot na bigay niya.

Agad kong iniligpit ang pinagkainan ko at itinapon sa malapit na basurahan. Nanatili akong nakaupo at isinandal ang ulo ko bago pumikit. Mabigat pa rin ang ulo ko at ramdam ko ang init ng katawan ko.

Pilit kong pinikit ang mata ko para magpahinga pero naaagaw ang atensyon ko sa pabangong naaamoy ko. Masyadong pambabae at matapang.

"What the-?!" Gulat akong nagmulat at agad na tumayo. "Anong kailangan mo?!"

"Ang perpekto pala ng mukha mo sa malapitan." Aniya at bahagyang nakangiti pa.

"Anong kailangan mo?!" Pasigaw na ulit ko. "Bakit ganon kalapit ka makatingin?!"

"I-I was j-just worried! Calm down! Kalalake mong tao.. makasigaw ka." Natatawang sabi niya pero nanatiling masama ang tingin ko sa kanya.

"Eh nanggugulat ka eh! Tsaka yung pabango ang tapang.. masakit sa ilong!" Sabi ko at natawa naman siya.

"Are you okay now?" Pag-iiba niya at naupo pa sa couch na kaharap ng inupuan ko kanina.

"Wala kang pakialam. Lumabas ka na!" Sabi ko na nakaturo pa sa glass door.

"Why?" Natatawa niyang sabi. "Kay Ma'am naman 'tong office. Bakit ka nandito?" Tanong niya pa ulit. Sa hindi malamang dahilan ay biglang uminit ang ulo ko.

"Nakita mo akong nagpapahinga, diba?!" Pilosopo kong sagot.

"Ohh.. hot." Malanding sabi niya kaya ako napatalikod sa inis. Pinikit ko ang mga mata ko para kumalma ngunit hindi man lang nabawasan ang galit na nararamdaman ko.

"To answer your question.. I'm okay. Still alive and breathing. Kaya ngayon.. lumabas ka na habang nakakapagpigil pa ako, okay?!" Galit na talagang sabi ko.

"I still want to-"

"LABAS! ANO BA?!" Putol ko sa sinasabi niya.

Ramdam ko ang pagbilis ng hininga ko sa sobrang pagpipigil. Unti unti ko ring naramdaman ang butil ng pawis na namumuo sa noo ko.

"Bakit ba ang init-"

"What do you want?" Biglang singit ng isang boses.

Ang kaninang nanginginig kong katawan dahil sa galit ay unti unting kumalma dahil sa presensya niya.

"Ma'am Army Jane..." Magkahalong gulat at takot na sambit ni Jayden.

"I don't like repeating my own question, Jayden." Blangko ang mukha niyang tinitigan si Jayden.

"Ahh.. w-wala po. I-I was j-just.. c-checking him.." nauutal na sagot niya.

"Why?"

"I'm.. I'm w-worried about h-him." Nakayukong sabi niya.

"Who the hell gave you the rights to act like that right here in my office?" Maawtoridad niyang sabi at natigilan naman kaming pareho. Hindi ko alam kung para kanino ang tanong na 'yon. "As you can see, he's at my office. I'm taking care of him.. so.. you don't have to worry."

Dahan dahan akong napatingin sa kanya at wala akong nakita na kahit anong reaksyon sa mukha niya. Blangko. Malamig ang tingin.

"Kung tatayo ka lang dyan ay pwede ka nang lumabas. I didn't gave any permissions to all of you para pumasok basta-basta at magsigawan." Sabi niya at ramdam ko naman ang pagkapahiya ko kaya agad akong napayuko.

"Get out, Jayden. Don't you ever do that again or else.. sa labas ka pupulutin." Sabi niya at para namang asong takot si Jayden na tumakbo papalabas.

"Magpahinga ka na." Utos niya pero nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya. "What?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

"N-Nothing." Sagot at nagmamadaling humiga sa sofa.

"You can go home if you want. Wala ka din namang magagawa dito dahil sa lagnat mo." Biglang sabi niya.

"Hindi na. Dito nalang ako. Ako lang din naman.. mag-isa sa condo.. walang mag-aalaga sa akin dun." Putol putol na sagot ko.

Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. Nakatingin siya sa akin at bahagyang nakataas ang kilay.

"So.. tagapag-alaga mo pala ako ngayon?"

"Kung hihilingin ko bang.. magkasakit ako araw-araw.. aalagaan mo'ko?" Nakangiting tanong ko.

"Hindi." Diretsong sagot niya at napanguso naman ako. "Why should I do that?"

Nakaramdam ako ng pagkadismaya sa sagot niyang 'yon. Hindi na ako sumagot at humiga nalang para matulog.

"Wake up." Nagising ako sa boses ni Jane at sa nagbabanguhang pagkain na nakalatag sa harap ko. Hindi ako bumangon at nanatiling nakahiga.

"Why does your voice always sounds like a sweet music to my ears?" Wala sa sariling bulong ko.

"What?" Taka niyang sabi.

"H-ha? Wala.. w-wala 'yon." Pilit ang ngiti kong sagot at tumango naman siya. Nagulat ako sa biglang pagkahulog ng towel mula sa noo ko. Hindi ko napansin 'yon.

Hindi niya na ako sinagot at nagsimulang kumain. Bahagya akong napangiti habang tinitingnan siyang sunod sunod na sumubo ng kanin. Cute.

"Stop staring at me." Sabi niya at nanatiling nakatingin sa pagkain.

"I can't help it." Nakangiti kong sagot.

"Nani?!" Nanlalaki ang mata niyang napatingin sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya bago ko kinuha ang pagkain ko sa table. Bahagya siyang tumikhim bago nagsimulang kumain ulit. Tahimik lang kami hanggang sa matapos. Hindi na ulit ako nagsalita at siya naman ay itinuon ang pansin sa mga papel na hawak niya.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now