Nagugutom na ako pero kaya pa naman siguro ng sikmura ko ang isa pang gabi na hindi kumakain 'di ba?

Ayokong kainin ang mga pagkain na ipinapadala ni Lordcan dito. Kahapon sana kami aalis kaso hindi ako lumabas dito at ikinulong ko ang sarili ko.

Simula no'n ay hindi ko na nakita pa si Lordcan.

"Alam mo, Khione? Huwag mong hintayin na si Lordcan na mismo ang magpapakain sa'yo!" parang nananakot na sigaw ni Gordon mula sa labas. Naiisip ko na ngayon ang hitsura at ekspresyon sa mukha nila.

Stress kasi 'di nila ako magawang pakainin.

E 'di mas maganda 'yon. May susubo na sa akin.

"Ayaw talaga eh," bakas sa boses ni Gordon ang pagsuko.

"Lordcan lang ang katapat niyan."

Nanlamig ako nang dahil sa sinabi ni Villazardo. I get under the comforter to make myself warm. Parang panangga na rin kung sakaling tatawagin nga nila si Lordcan.

"Khione, kumain ka na kung ayaw mong ipakain ko nalang 'to kay Gordon," marahang pangungumbinsi ni Kate sa akin. I can almost imagine her fingers playing with her piercings.

"Ay Khione, 'wag ka na palang kumain." mas nakakakumbinsi talaga ang boses ni Gordon.

Buwisit talaga na Gordon.

"Aish, tangina 'di na naman tayo makakain ngayon puta."

Natigilan ako nang narinig ko ang sinabi ni Villazardo.

Ba't 'di sila makakain?

Mukhang alam ko na kung bakit.

Inutusan siguro sila ni Lordcan na pakainin ako at kapag hindi ako kumain ay hindi rin sila puwedeng kumain.

Ba't kailangan ko pang mandamay? Hindi naman ako ang mismong nandamay. Si Lordcan naman. Ako lang naman 'yong ayaw kumain. Bakit kailangan pang pati rin sila ay hindi puwedeng kumain?

Kasi alam niyang madali akong makonsensya at kakain talaga ako sa oras na malaman kong hindi rin pala sila papakainin 'pag 'di ako kumain.

Sa ngayon ayaw ko munang isipin ang iba.

I want to be selfish even just for a day.

Humiga ako at niyakap ang isang kulay itim na unan sa tabi ko. Sa totoo lang ay hindi pa rin nawawala ang takot sa isip ko. Kahit takot ako sa kaniya ay hinding-hindi ko susundin ang mga utos niya.

I don't want to end up like Calla.

Ilang minuto ang lumipas nang tuluyan na silang sumuko. Narinig ko ang mga mabibigat na mga yabag ng paang paalis.

Sa tingin ko ay isang oras lang ang lumipas at isang kalmadong katok ang muli kong narinig mula sa labas ng pinto.

I stayed silent as my eyes infinitesimally stared at the black door with a silver doorknob. The things remained in the same place where I placed it. Against the door making it impossible to open.

"Khione..."

Nagtalukbong ako ng kumot at mariing pumikit nang halos isang araw kong hindi narinig ang boses niya.

"Get the things out of the door." marahan nitong utos. His voice made me feel like I'm safe. It's impossibly gentle like he's afraid that I might break again, like a fragile glass.

Nagtago ako sa ilalim ng comforter upang hindi ko na marinig ang boses niya at baka ay hindi ko nalang namalayang ginagawa ko na pala ang utos niya.

Hindi puwede.

A Hundred Billion Worth Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora