I looked at up at him.

"What the fuck are you doing?" he hissed. Hindi man lang siya dumaing nang nasugatan siya. Walang nababakas sa kanyang mukha na nasasaktan siya. Bakas sa mukha niya ang inis at galit.

"Sabi mo hinihingi mo ang kamay ko? E 'di puputulin ko nalang." bumaba ang paningin ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa blade ng kutsilyo.

Hindi ko na nilingon ang pagpipigil ng tawa nila Kate at Gordon sa labas.

Anong nakakatawa?

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niyang dumudugo na may hawak ng kutsilyo. Tumingala ako at nakita kong sinundan niya ng tingin ang kamay ko sa kamay niya.

My hands were trembling when I slowly caressed my fingers to his knuckles. He slowly relaxed and released the knife from his grasp.

Nahulog ang kutsilyo at umalingawngaw sa buong silid ang ingay nito.

Natigilan ako nang dahil sa ginawa ko. I didn't expect that he would follow what I wanted him to do using my actions and gestures. Nakita ko ang sugat sa kaniyang palad.

Napatingin ako sa dalawa na nasa labas ngayon at nahuli ko pang siniko ni Kate si Gordon na nakatingin lang sa sahig.

Ang isang kamay ni Lordcan na dala ang cap ko ay umangat at isinuot sa ulo ko ang cap.

Starting this day. I will call him Lordcan and that's that. Ang pangit kasi pakinggan 'pag Lord lang. Puwede rin naman sir lang pero mukhang nakasanayan na nila na tawagin siyang Lord o Lordcan kaya 'yon nalang din ang isasanay ko sa sarili ko. Baka nga isa siyang Lordcan-hindi puwede. Kung isa siyang Lordcan at totoong magpinsan kami ni Caspian Lordcan, ibig sabihin lang no'n ay magpinsan din kami? O relatives?

Napamura ako sa isip ko nang dahil doon. Kung alam ni Lordcan na magpinsan kami ng totoong Caspian Lordcan at isa rin siyang Lordcan.

Then why did he claimed me if we're relatives?

Isa lang ang sagot niyan. We're not relatives and he's not a Lordcan.

He knows the boundary. Walang mangyayari sa amin kung magpinsan man kami.

Now I'm sure that Lord isn't a Lordcan.

Through it all, I still want to call him Lordcan, not because it's his last name but because it's his name.

Lordcan muna ang itatawag ko sa kanya gayong hindi ko pa alam ang totoo niyang pangalan.

"Ihanda niyo na ang mga gamit. Kate, you'll be going back to the organization's mansion." anunsyo ni Lordcan habang mariing nakatingin sa akin ang kanyang madidilim na mga mata.

Tignan mo nga naman. Iba ang kausap tapos sa akin nakatingin?

Hindi ba sasama sa amin si Kate? Akala ko ba ay assistant ko na siya? Mukhang naparito lang siya para pansamantalang bantayan ako habang sobrang abala ni Lordcan sa pag-aasikaso sa field na 'to.

Ayoko rin namang sumama sa kaniya rito. Ayokong makita na pinapahirapan nila ang mga lalaki at pati na rin ang mga babae.

"Right away, Sir."

Iyon ang huli kong narinig mula kay Gordon at umalis na siya t'saka sumunod sa kaniya si Kate na nagsalute pa sa akin bago pinaglaruan na naman ang piercing sa tenga niya.

Nakasundo ko na si Monterozo.

Nakasundo ko na si Monerov.

Nakasundo ko na si Gordon.

Nakasundo ko na si Kate.

Makakasundo ko kaya si Villazardo? Lalong-lalo na si Lordcan? Wala akong pag-asa sa dalawang 'to. Lagi naman kaming nag-aaway ni Lordcan, si Villazardo naman ay killjoy. Binuking ba naman ako.

A Hundred Billion Worth Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu