Chapter Eleven

Magsimula sa umpisa
                                    

"After a week pwede nang makalabas ng hospital si Veyra dahil hindi naman malala ang nangyare sa kanya. Zertyl were going to continue the birthday celebration. I already talk Karic about this at G naman sya kasi anak naman nya yun. How about you girl? Don't worry about the venue ha. I make sure naman na safe and well protected yung resort ni Karic kaya wala kang dapat na iworry." Tumango na lang ako dahil alam ko namang itutuloy pa rin nila kahit na di ako papayag. I don't know about Aera kung papayag pa ba tong magcelebrate ng kaarawan nito.

Nagpaalam na akong umalis dahil kailangan ko pang kausapin yung bagong teacher ni Aera. I feel like im a celebrity dahil sa limang bodyguard na binigay ni Karic sa akin. Pinagtitinginan tuloy ako habang naglalakad ako.


Ng makarating sa bahay, napakunot noo ako dahil may pinagkakaguluhan ang mga katulong sa garden.

"Oh god, please... not again." Usal ko habang papalapit.

"Mama you're here!" Malakas na sambit ni Aera at tumakbo sa akin. These days mabilis na lumaki si Aera at tumataba ito kaya hindi ko na sya nabubuhat.

"Mama look it's a cute rabbit!" Masayang tinuro nito ang rabbit na pinapakain ng mga katulong. Napatampal ako ng noo at di alam ang gagawin.

"Mama next time i want a snake!" Nanlaki ang mata ko at napatingin sa anak ko na lumapit doon sa bagong alaga nya. Nakita kong namutla yung mga katulong at nagmamakaawang tumingin sa akin.

"Pero baka pagalitan ako ni lolo, kaya wag na. Nakakalakad na si lolo eh kaya na nya akong habulin ng hanger." Agad na napailing ako sa mga katulong baka iba ang isipin ng mga ito. Yes tinatakot ni papa si Aera gamit ang hanger na papaluin sya nito pero never namang tumama iyon sa anak ko.

"Lolo never hit you. Anong pinagsasabi mo?" Strikta kong tanong dito.

"Oo nga mama! May sinabi ba kong pinalo ako ni lolo? Ikaw diyan gawa gawa eh. Ang sabi ko baka habulin ako." Nakanguso nitong sabi. Natahimik ako, napatingin sa akin yung mga katulong na natatawa.

Napabuntong hininga ako at pumasok sa bahay. "Oh anak andito kana pala, kamusta yung kaibigan mo?" Tanong ni papa na nakadekwatro sa sala habang kumakain ng popcorn.

"Okay na sya, hindi naman sya sinaktan kaya konting pahinga na lang makakalabas na sya ng hospital. Eh yung tungkol sa negosyo mo pa kamusta?" Tanong ko at pagod na umupo sa tabi nito.

"Naku! Akala ko madali lang. Ang hirap pala, buti na lang may binigay na tauhan yung hilaw kong manugang at may katulong ako. Pero doon pa lang kami sa lupa, ang hirap maghanap ng lugar na maganda at maraming tao." Napailing iling ito.

"Nga pala bumalik ako doon sa dating apartment natin para bayaran yung huling buwan na tumira tayo doon. Sabi ni Rosa na bumabalik balik pa rin daw doon yung matanda kahit na sinabing di na tayo tumitira doon."

"Damn! Ang sarap ipatumba kay Karic." Biro ko. Ngayon lang ata ako magpapasalamat sa sarili ko na pumayag akong tumira dito dahil sa wakas hindi ko na makikita yung matanda.

"If ever man no, na kapag nakita ka nya hindi sya makakalapit sayo kasi may binigay namang bodyguard sayo si hilaw na manugang. Sa akin rin eh kaya ako nagyayabang na naglalakad sa kalsada." Napangiwi ako sa sinabi ni papa.

"Nasaan nga pala si Karic pa?" Tanong ko.
"Aba'y malay ko sa kanya di ko naman sya responsibilidad- de joke lang anak. Pumunta yung dyson dito at may pinag usapan sila tapos maya maya ay umalis ang dalawa. Hindi na ako nagtanong kung saan ang punta di naman ako chismoso." Napahawak ako sa sentido ko at napailing. Iniwan ko ito at pumunta sa taas. Stress na nga ako kay Aera, hindi pa maayos kausap si papa.

Kinagabihan umuwing lasing si Karic. Inaalalayan ito ni Dyson at Alius na lasing rin. Nasa taas ako ng hagdan at matalim na nakatingin sa tatlo habang pinipilit na umakyat sa hagdan. Halos gumapang na yunh dalawa maalalayan lang si Karic. Buti na lang at maagang natulog si Aera at di nito nakita ang ama sa ganitong sitwasyon.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon