Naputol ako sa pagsasalita nang tinapunan niya ako ng isang nakakamatay na tingin na katulad ng kay Caspian pero mas nakakatakot nga lang 'yong Kay Caspian.

Wala naman ako nararadaman sa instinct ko na mapanganib siya. Sadyang nakakatakot lang talaga ang hitsura niya but he have the looks.

"Nevermind." Parang narealize niya na talaga na wala akong kuwentang kakuwentuhan. "How are you with that... Caspian?" huminto siya sa mismong harap ko nang tuluyan na siyang nakarating sa kinatatayuan ko.

Hindi ko magawang umatras.

Pakiramdam ko ay hindi niya naman siguro ako sasaktan.

Ba't ba ang dami niyang tanong sa akin? Sobrang sarkastiko pa rin ng pagkakasabi niya sa pangalan ni Caspian.

"Ayos lang, ikaw kamusta ka na?" tugon ko na dahilan ng pagtawa niya.

Feeling close kasi siya kaya dapat ay gano'n din ako.

His laugh echoed in the whole place. Nakita ko pang may dagang tumakbo sa gilid at nagtago na parang natakot ata sa pagtawa ng lalaking 'to.

Sabi na eh, nakakatakot siya. Pati daga tumakbo na. Sige, ingat ka.

Mukhang marami siyang alam tungkol kay Caspian. Sasabihin niya kaya sa akin 'pag tatanungin ko siya?

"Nabalitaan ko na sobrang tigas daw ng ulo mo? Pinapahirapan mo ba si Caspian?" hindi pa rin nawawala sa boses niya ang pagiging sarkastiko sa tuwing sinasabi niya ang pangalan ni Caspian.

"Hindi ah," kaswal kong sagot.

Bumaba ang tingin niya sa sahig at sa paa kong nakabenda. Nakita ko kung paano umangat ang isang kilay niya at nandilim ang mga mata niya. Nakikita ko na ngayon ang galit sa mga mata niya na parang ayaw niya ang mga nakikita niya.

"Hindi mo nga pinapahirapan si Caspian pero pinapahirapan mo naman ang sarili mo," tinapunan niya ako ng isang masamang tingin. Awkward akong ngumiti na parang isang batang nahuling kumuha ng pera sa loob ng pitaka ng nanay. "Anong ginagawa mo rito?" unti-unting bumabalik sa dating ekspresyon ang mukha niya.

"Gusto kong makilala si Caspian." walang prenong sagot ko. Iyon naman talaga ang pinunta ko rito.

Nakita ko kung paano naging malumanay ang ekspresyon sa mukha niya nang banggitin ko ang pangalan ni Caspian.

"Kilala mo na siya." Makahulugang sabi nito.

"Hindi pa."

"Kilala mo na nga sabi eh."

"Hindi pa nga sabi eh."

Ba't ba pinipilit niyang kilala ko na si Caspian kahit hindi naman? Sa ilang minutong pag-uusap namin ay gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya.

He surrendered. Hindi na siya nakipag-away pa sa akin tungkol do'n.

Ilang minuto siyang tahimik at hinayaan akong makialam sa mga lumang gamit na narito. Maliban kasi sa mga kadenang nakita ko ay may lumang mesa at upuan din dito. May cabinet din kaya naisipan kong buksan 'yon baka ay may makuha akong impormasyon.

Mabilis kong sinara ang kabinet nang may nakitang dalawang daga na gumagawa ng milagro.

Nakaistorbo pa tuloy ako.

"Are you done here?" naiinip na sabi ng lalaking hindi ko pa alam kung ano ang pangalan. 'Di naman siya nagpakilala at ang sabi niya lang naman ay pinsan ko raw siya. Nagkrus ang mga braso niya sa ibaba ng dibdib niya at nang unti-unti ng kinain ng dilim ang kaonting liwanag dito sa loob ng warehouse ay nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now