Parang ayokong marinig ang boses niya kahit kalmado lang ito. Mas gusto ko pang marinig ang supladong boses ni Caspian.

May punto siya sa sinabi niya.

Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang ako ng lalaking 'to. Pero parang mas nararadaman ko ang katotohanan sa kaniya kesa sa mga katotohanang sinabi ni Caspian sa akin.

"Are you one of Caspian's enemy?" walang nababakas na takot sa boses ko pero alam ko at ramdam ko ang takot mula sa kaloob-looban ko.

"Caspian?" he asked incredulously. Puno ng sarkastiko ang tono ng boses niya nang sinambit niya ang pangalan ni Caspian. He even laughed sarcastically.

Happy?

Tawa pa, mabulunan ka sana ng sariling laway mo.

"Hmm? I don't know but Caspian is not Caspian." makahulugang sabi niya. His soft and calm deep voice echoed between the walls of the dilapidated warehouse.

Caspian is not Caspian?

Anong ibig niyang sabihin?

I heard his footsteps stopped right behind me after he walked from the other side of the warehouse.

Hindi ko na natiis at marahas akong lumingon sa kinaroroonan niya pero nagulat ako nang wala akong ibang nakita kung 'di ang nakasarang kinakalawang na pinto ng warehouse.

Hindi ako puwedeng magkamali. Narinig kong huminto ang mga yabag ng paa niya sa likuran ko mismo.

Ba't nawala?

Tangina, baka pinaglalaruan lang ako ng multo?

Lumingon ako sa madilim na bahagi ng warehouse nang narinig ko ang makapanindinig balahibong halakhak niya na parang tinutukso ako.

Makakapasa siya bilang isang lalaking mangkukulam.

Una kong nasilayan ay ang suot niyang sapatos nang humakbang siya papalabas sa madilim na parte ng warehouse. He took one step again until I can finally see his face.

No joke but I can see the resemblance of me to him.

Halos magkasingtangkad lang sila ni Caspian. Pareho rin kaming may mga malalalim na mga mata. He just copied the way I smirk. Wearing an all black clothes, he looked more of a devil.

Napaatras ako nang dahil sa nakita. Ang hirap paniwalaan at ayaw kong maniwala.

I've never seen him before.

"Khione, tell me about your life." he simply said like I'm his long lost friend.

"Life?" wala sa sariling tanong ko habang pinagmamasdan pa rin siya. Sinusuri kung totoo ba talaga 'tong nakikita ko.

His aura is as creepy as this dilapidated warehouse.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin. Tinatapakan ang mga iilang ligaw na damo sa maruming sahig.

A dim light from the sunset just got through the little openings from the old roof with it's cobwebs hanging on the upper corner of it.

Sa sobrang luma ay may butas-butas na ang bubong ng lumang warehouse. Kaya may kaonting ilaw pa rito sa loob kahit gumagabi na.

"Yes, your life. I want to know what I've missed for the past seventeen years," kung makapagsalita siya ay parang kilala niya talaga ako. Pero nakakatakot pa rin ang paraan ng pagtingin niya sa akin, pati na rin ang paraan ng pananalita niya.

His dark orbs was like hiding something.

"Well? Uhm, first time kong nakagat ng lamok noong seven years old—"

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now