Nang naubos ko na ang pagkain ko ay kinuha ko 'yong tira ni Caspian at kinain din.

Sayang naman, huwag dapat mag-aksaya ng pagkain.

Minsan lang akong makakain ng mga ganitong pagkain kasi madalas ay kailangan kong e-maintain ang katawan ko sa magandang pigura nito.

Nang may napadaan na waiter sa tabi ko ay hinila ko ang damit niya dahilan ng paghinto niya at paglingon sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil puno ang bibig ko ng pagkain.

Hindi ko binitiwan ang waiter hanggang sa nalunok ko na ang pagkain sa loob ng bibig ko.

"Linisin mo, ngayon din," utos ko sa malamig na boses.

"Yes, ma'am." agad na sinunod ng waiter ang utos ko.

Mahagip ng mga mata ko ang cherry sa naiwan kaya bago pa man 'yon malinis ng waiter ay agad kong hinablot 'yon at kinain.

I just gave the waiter a thumbs up when he looked at me skeptically like am I really a rich woman?

Bakit ba ang big deal sa mga mayayaman ang pagiging polite eh peke naman 'yong iba? 'Di siguro makapaniwala ang waiter sa inasta ko dahil ako lang ata ang babaeng para namang hindi babae kung umasta rito.

Sakto namang pagdating ni Caspian ay umalis na ang waiter at malinis na ang mesa.

Akala ko ay ako na 'yong pababayarin niya ng bills dito eh. Wala pa naman akong pera.

Hindi ko man lang sinulyapan si Caspian dahil sobrang tahimik niya at nanatiling nakatayo sa tabi ko.

"Let's go," aniya na nakapagpainis sa akin.

Bakit parang wala naman siyang paki kung kumain ba ako o hindi? Ganyan na ba talaga siya ka sama?

"Hindi mo man lang ako tatanungin kung kumain ba ako o hindi? Nasaan 'yong mga pagkain?" naiinis akong tumayo at hinarap siya. Nakapameywang ako at nakatingala sa kanya.

He just slid his hands in his pocket.

"Kumain ka at nilinis na ng waiter ang pinagkainan natin."

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Nagtatago lang ba siya somewhere? O may inutos siyang tignan ako kanina na hindi ko kilala?

"Paanong—"

"I'm keeping an eye on you, Khione."

Natahimik ako nang dahil sa pagputol niya sa sasabihin ko.

Dahil sa inis at pinaghalong hiya ay naglakad ako at lalagpasan na siya sabay bangga pa ng balikat ko sa mababang bahagi ng balikat niya pero agad akong napahawak sa balikat ko nang tuluyan ko na siyang nilagpasan.

Ouch. Masakit.

Hindi pa nga ako nakakabawi sa sakit ng balikat ko ay mabilis niya namang hinawakan ang braso ko ng mahigpit at mabilis na hinila palabas ng restaurant.

Lumabas kami ng hotel at bumati pa sa amin ang ibang nagtatrabaho rito. Nasa harap na nito ang sasakyang sinasabi niya. Sobrang ganda at astig nito. May nakalagay pa nga'ng monster sa harap nito. Binuksan niya ang front seat at pinapasok ako roon.

Wala akong nagawa at pumasok na nga.

Umalis kami ng hotel na may nakasunod sa amin na isa pang sasakyan. Siguro ay si Gordon 'yon kasi parang wala lang si Caspian eh.

Ilang oras ang lumipas at ang kaninang nadadaanan naming building ay naging mga puno ng kahoy.

Buti talaga at kumain ako ng marami kanina. Kung 'di ay gutom na gutom na talaga ako ngayon.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon