"Is my sport's car ready?" tanong ni Caspian kay Gordon.

"Oo,"

Akala ko ay lalabas na kami ng hotel ngunit pumasok si Caspian sa loob ng restaurant. Nakita ko pa ang babaeng receptionist na tinapunan ako ng masamang tingin.

Kasalanan ko sa kanya?

Sumunod ako kay Caspian at si Gordon naman ay lumabas na ng hotel at pumunta sa underground parking lot nito.

Umupo si Caspian sa isang table for two kaya umupo na rin ako roon. May mga pagkain ng nakahanda sa mesa.

Sa totoo lang, sobrang gutom na ako pero kailangan malamig ang pakikitungo ko sa kanya ngayon. Gustong-gusto ko ng lantakan ang mga masasarap na pagkain sa harap ko ngunit hindi puwede 'yon.

Dapat aakto akong walang gana.

Nagsimula na akong kumain nang kumain na rin siya. Sobrang bagal ng paraan ng pagkain ko na parang pagong kung gumapang.

Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na lamunin lahat ng nasa plato.

"Ayoko na..." I pushed the plate away from me and acted like I just lost my appetite.

Pero gutom pa ako.

Gutom na gutom.

Tumingin si Caspian sa plato ko na halos hindi man lang nabawasan. T'saka niya inilipat ang malamig na paraan ng pagtingin sa akin.

"Eat," sobrang lamig talaga ng boses niya na parang nakikipagpaligsahan sa lamig ng pakikitungo ko sa kanya.

"Wala akong gana," iniwas ko ang mga paningin ko sa kanya upang 'di niya makita o mabasa ang totoong nasa isip ko.

Gutom pa talaga ako. Mamaya nalang ako kakain 'pag wala na si Caspian.

Inilibot ko ang paningin ko at sobrang out of place ako rito. Halos lahat sila ay nakasuot ng mga magagarang dress at suit. Ako naman parang kagagaling ko lang nagnakaw ng alahas kaya naligaw ako rito nang isinangla ko na ang ninakaw kong alahas.

Oo, mukha talaga akong criminal sa kulay itim na suot kong damit. Kulang nalang ay takpan ko 'yong mukha ko eh.

"Eat, Khione. Malayo ang pupuntahan natin kaya mahaba-haba rin ang biyahe," dahilan nito at nagpatuloy sa pagkain.

Saan naman kaya kami pupunta?

"Ayokong sumama, kayo nalang," talagang bakas sa boses ko na wala akong ganang makipag-usap sa kanya o makasama siya.

"Sasama ka," giit nito na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

"Ayoko nga sabi!" hindi ko napigilan at napalakas ang boses ko kaya napapatingin na sa amin ang iilang kumakain.

Nanaig ang katahimikan sa puwesto namin matapos kong sinabi 'yon. Parang magyeyelo na ang mga pagkain sa harap namin nang dahil sa pagbabatuhan namin ng malamig na tingin.

Akala niya siya lang ang marunong niyan ah?

Uminom siya ng wine habang ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa akin.

Pakiramdam ko ay para akong batang nakikipag-away sa nakakatanda. Walang-wala ang mga binabato kong mga malalamig na tingin kumpara sa kanya.

"Stay here," putol niya sa katahimikan at tumayo. Umalis siya.

Nang nakita kong wala na siya ay mabilis kong nilantakan ang pagkain ko. 'Pag naubos ko na 'to ay agad ko 'tong ipapalinis sa mga waiter dito para 'si malaman ni Caspian na talagang kumain ako.

Napapatingin na lang sa akin 'yong ibang kumakain dito nang dahil sa paraan ng pagkain ko na parang wala ng bukas. Kailangan kong maubos 'to sa lalong madaling panahon.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now