As I analyzed all the files. Napagtanto ko na ang G ay nagsisimbolo ng Gamblers. H, Hackers. T, Torturers. KfH, Killers for Hire and B is Bidders.

What about U?

That file. I included it in resetting the system.

Anong meron sa U?

"What's with the file U? It's not that important to even save it! I see nothing in that file!" I exploded when he keep on typing.

Huminto siya sa pagtitipa at hinarap ako.

Sobrang dilim ng ekspresyon sa mukha niya. Parang pakiramdam ko ay kapag magsasalita pa ako, may magagawa siyang maaaring lalong magpahirap sa akin.

"Get out." tinuro niya ang pinto habang mariing nakatingin sa akin.

He's using that kind of voice again. Ginagamit niya na naman ang posisyon niya sa organization upang mapasunod ako. Simula noong pumasok ako ay wala na akong karapatang suwayin siya.

Pero ginawa ko pa rin.

"Hay salamat, makakauwi na rin ako sa amin-"

"I didn't ordered you to leave this place," paglilinaw niya sa inutos. Takot niya lang na umalis ako. "Get out," tinuro niya ulit ang pinto at bahagyang iginalaw ang ulo na parang isang senyas na kailangan ko na talagang lumabas.

"Tss. Sa ibang kuwarto na nga lang ako manggugulo-" akmang aalis na ako nang narinig ko na naman ang malamig at baritonong boses ni Caspian.

"Now, stay." he glared at me.

Takot ulit siya na baka maisipan kong lagyan ulit ng virus ang sistema nila 'pag sakaling nawala na naman ako sa paningin niya.

Maligaya akong sumunod sa inutos niya.

Panay ang mura niya habang may kung anong ginagawa sa sistema nila.

I'm curious. What's with the file U? Wala akong nakita kanina nang binuksan ko 'yon. Mukhang sobrang importante ata ng file na 'yon.

He can't undo it anymore since it was permanently deleted from the system.

"Saan nanggaling ang warning?" tanong ni Monerov na nagpapantig sa mga tenga ko.

Hindi na pala nila pinoproblema ang tungkol sa mawawalang file?

They're trying to find the solution of their main problem.

Kung anong field ang may mali.

"The last field," sagot ni Caspian habang pukos pa rin ang mga mata sa harap ng screen. Halos magkasalubong na nga ang mga mata niya sa sobrang lapit ng mukha niya sa screen eh.

Biro lang 'yon. 'Yong totoong nagkasalubong ngayon ay 'yong mga kilay niya talaga.

Wait. Last field?

The Bidders?

Doon ba talaga? Sa main ng Red Market?

Parang unti-unti ko ng naiintindihan. Kailangan ko bang pumunta ng Red Market? I need to, without Caspian of course.

Pero iba talaga ang kutob ko. I think it's not in the Red Market.

Napaalerto ako nang biglang tumunog ang alarm. Mabilis akong bumaling sa screen nang nakitang naging kulay pula 'yon.

"Shit! This is a fucking trap!"

"Huh?" nalilito akong bumaling kay Caspian nang mabilis niya akong hinila palabas ng building.

"That fucking virus isn't a virus! The system was controlled by someone and the virus just played its part. To fucking believe us that it's just a virus even if it's not and already slowly eating the whole system!" paliwanag niya habang marahas akong hinila. Nainis ako dahil bakit sobrang nagmamadali siya?

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now