"Turning off. Resetting the system, resetting the system."

Napamura ako nang narinig ang boses na robot na 'yon. Ba't ba ang hilig niyang magsumbong?

Nagdadalawang isip ako kung iiwan ko ba 'to o aalis nalang.

Nanatili ako.

"System cleaned! Virus tracked!"

Ang ingay talaga ng boses na 'yon.

Sinuri ko ang nakaflash sa screen at lumabas na ang mga importanteng files at nanatili at ang mga hindi ko pinili ay wala na.

Parang 'yong taong hindi ako pinili kaya ngayon ay wala na sa tabi niya.

May jowa ka, self?

May nakita akong maliit na map sa gilid ng screen. I clicked the full screen of it and examine the whole map.

Natulala ako nang nakitang pamilyar ang lugar na pinagbibintangan ng computer na roon daw nanggaling ang virus.

Nasa village kung saan ako nakatira noon. Nandoon ang bahay ni Dad. Wala namang eksaktong lugar ang sinabi ng nasa computer. Basta't nasa loob lang ng village ang taong may gawa nito.

"Khione!"

Napaigtad ako at mabilis na lumayo sa screen. Baka pagbintangan ako rito, mahirap na. Totoo kasi ang pinagbibintang niya sa akin kung sakaling pagbintangan niya ako.

"Oh?" parang wala lang na tugon ko sa tawag ng malamig na boses ni Caspian.

"What the fuck are you doing here?" siya naman ang mabilis na pumasok sa loob at lumapit sa screen. Nakabuntot naman sa kanya si Monerov na panay ang ngisi.

Nagthumbs up pa siya sa akin na imbes na magalit ay parang natutuwa pa siya sa ginawa ko.

"Cleaning-"

"Yes! You're supposed to clean the comfortroom! Not the fucking system!" may kung anong tinipa siya sa keyboard. Kawawa naman 'yong keyboard, parang pako, tapos ang hammer naman ay ang mga daliri ni Caspian. Halos lumubog at 'di na makabalik sa pagtaas 'yong mga keys ng keyboard.

Ilang minuto ang lumipas at biglang suminghap si Monerov. Pareho na silang nakatingin sa akin.

"Problema niyo?" nakakunot noong napatanong ako sa kanila.

"Anong ginawa mo?" hindi ko maipaliwanag ang tono sa boses ni Caspian.

Binibintangan na ba nila ako?

"Turuan mo'ko please!" pinagsalikop pa ni Monerov ang kanyang mga daliri habang kumikislap ang mga matang nakatingin sa akin.

Anong pinagsasasabi niya?

"Wala akong ginawang masama-"

"Yeah, you just solved the problem." putol ni Caspian sa sasabihin ko.

Napangiti ako sa sarili.

Talaga?

"But you just give us another problem again!"

Agad na nawala ang ngiti ko at napasimangot.

"Where are the other files here? You should have exclude it all!" inihampas ni Caspian ang palad niya sa mesa at marahas na lumingon sa akin.

"If I exclude it all then I should've not reset it if there's nothing to reset! Maybe one of the files got the virus, that's why!" I shouted and glared at him. Pasalamat siya, magpapasalamat na lang kaya siya 'di ba?

Ano ba 'yong nareset ko? There are six files there. When I opened one of it, there's another file and another and another.

The six files were entitled in letters. G, H, T, KfH, B and U.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now