Like I'm looking at an unbelievable monster in front of me. I looked at him incredulously.

It's all illegal. Can a twelve years old boy allowed to even step in a casino?

He's illegal.

Parang may mali sa mga sinasabi niya.

Parang may kulang. Hindi ko lang alam kung ano.

Akala ko ba ay sa oras na makakapasok ako sa organization niya ay mabubunyag na ang lahat? Nabunyag nga pero 'di naman lahat o baka ay hindi talaga nabunyag. Baka gumagawa lang siya ng kuwento upang iyon ang paniwalaan ko.

There's something in his story. Something dangerous twists.

I feel like he's lying at the part of the organization and at the part of his history how he bought me at the age of twenty-three.

So he's twenty-three now?

"What's the thing that you said about? That you conquered the hardest problem in your life at the age of six?" naalala ko kasi 'yong sinabi niya noon. Hindi niya naman nabanggit ngayon.

Parang may tinatago talaga siya sa akin.

"You'll know that soon," I felt his soft hot lips planted a sweet kiss on my forehead.

"Why not now?" and now, curiosity is attacking my head.

"Hindi mo maintindihan," marahan niyang sagot sa akin.

Simula no'ng natapos ang marahas na pag-angkin niya sa akin ay ngayon pa lamang siya naging marahan.

He doesn't like being gentle while doing those things to me? He wants to be gentle right after it.

Minsan talaga ay baliktad ang utak ni Caspian.

"What else do I need to know?" I yawned. Bahagya pa akong napayuko kaya nagkabunggo ang dulo ng ilong namin.

"Hmm. You'll know it eventually. You're good at eavesdropping right?" he moved the tip of his pointed nose against mine to lift my head a little.

Inaantok na talaga ako.

"Yeah..." I responded in a sleepy voice.

"Continue doing that. Huwag ka lang magpahuli sa akin," sobrang lapit ng mukha niya sa akin. I can almost see all in his features. "You may sleep now," sa paraan ng pagsasalita niya ay parang siya talaga ang namamahala sa aming dalawa. Siya ang gumagawa ng desisyon at kung ano ang dapat kong gawin.

Hindi na ako nagsalita at tuluyan ng nakatulog sa bisig niya. Both bodies were warm and comfy. I fitted perfectly in his muscled body. It's covering me like a shield to protect me.

I won't regret what just happened to us.

I know I won't.

Nagising ako tanghali na at nakasuot na ako ng kulay puting V-neck T-shirt. Halos hanggang tuhod ito sa akin nang dahil sa laki ng nagmamay-ari nito.

It looked like a dress to me.

Parang tiklop talaga ang pagmomodel ko 'pag si Caspian ang pumasok sa pagmomodelo.

Kinusot ko muna ang aking mga mata bago inilibot ang paningin sa loob ng silid.

I'm currently sitting pretty on the king sized bed. There are grey thin-clothed curtains covering the ceiling to floor length windows. Two doors to the other side. I think it was the bathroom and walk-in closet.

I shifted my gaze to look at the perosn that's currently standing and leaning his side to the door while arms are crossed against his chest.

He looked... Amused.

"What?" Naiinis kong pansin nito. Umagang-umaga binibuwisit ako.

"What?" he mimicked and the amusement on his face faded when it turned into an annoyed expression like me.

Minsan umaandar talaga ang pagiging inutil ni Caspian.

"Get up and ready yourself. You need to write something for me," utos nito. Umagang-umaga—tanghaling tapat kakagising ko lang tapos ay may utos na agad siya?

E 'di sana ay hindi nalang akong gumising forever.

"Ano ako? Secretary mo?"

"Great idea, you'll be my secretary in this organization."

Napamura ako nang dahil sa inanunsyo niya.

"Ayoko!" sinipa ko pa 'yong sheets na agad na nahulog sa sahig kaya kitang-kita na niya ang hita ko.

"Please act like a lady," napapikit siya at nakita ko pa kung paano na naman nagpapakita ang ugat sa braso niya.

"Act like a gentleman too!" giit ko.

"I am a man but not gentle."

Maaga ata akong mamamatay nang dahil sa high-blood. Minsan siya kasi ang pasaway, matalino at mautak.

Umalis ako sa kama at agad na naramdaman ko ang lamig ng sahig. Naglakad ako palabas ng silid at nilagpasan siya. Nakita ko pa sandali sa gilid ng mga mata ko ang pagbago ng ekspresyon sa mukha niya.

He's amused again.

Nagmartsa ako pababa ng hagdan at naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

"I change my mind. I'll just print it to look more formal and clean," sabi niya nang tuluyan na kaming nakababa ng hagdan.

Mas lalo lang akong nainis nang dahil sa sinabi niya.

"Ibig mo bang sabihin ay pangit ang sulat kamay ko?" huminto ako sa paglalakad at sandali siyang hinarap.

Nagkibitbalikat siya. "Wala akong sinabing ganyan," bakas sa kanyang boses ang panunukso.

Pero totoo naman. Kababae kong tao ay ang pangit ng penmanship ko. Paano niya nalaman ang tungkol doon?

Bakit parang pakiramdam ko ay halos lahat ng tungkol sa akin ay alam niya. He even know how to annoy me. Naiinis ako sa isiping baka ay nakatingin siya sa akin habang natutulog.

Matapos naming kumain at mag-ayos ay agad na kaming umalis. Bago na naman ang kotse niya.

Ano kayang nangyari sa kotse niyang iniwan ko sa port? Siguro lumubog na 'yon sa dagat.

Nang nakarating kami sa Hackers' Field ay agad na nag-iba ang aura at ekspresyon ni Caspian. Kanina lang ay nagbabangayan kami sa loob ng kotse ah? Ayaw niya pa nga'ng magpatalo e.

Pumasok kami sa loob ng building nang tinipa na ni Caspian ang passcode. Ang bilis ng paggalaw ng kamay niya na halos 'di ko nakita kung anong numero ang pinindot niya.

"Ikaw!"

Natigilan ako at lumingon sa gilid ko nang bigla akong tinuro ng isang lalaking hacker.

"Oy, tinuro ka, Caspian oh," siniko ko si Caspian sa gilid ko. Nagbabakasakaling si Caspian ang tinuro ng lalaki.

Pero, tinuturo ba ng empleyado ang kanilang boss?

"Ikaw! Babae! Nakunan ka ng sistema namin na ikaw ang nakapasok sa loob ng building—"

"Nakapasok na nga ako e." Itinaas ko ang mga kamay ko na halata namang nandito na ako sa loob ng building.

"Ikaw ang nagpalabas ng bilyon-bilyong pera at sumira sa sistema namin!" diretsahang sabi nito.

Napaatras ako at tumingala upang tignan si Caspian. Gano'n pa rin naman ang ekspresyon niya. Wala. Pero ngayon ay nakatingin na ito sa akin na nagdedemand ng sagot.

Paano pa kaya kung malaman niyang iniwan ko ang mamahalin niyang kotse sa port?

Hala, patay. Ang dami ko ng atraso sa kanya.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon